Nasa mall siya noon, namimili ng pasalubong para sa probinsya, nang marinig niya ang isang pamilyar na boses na tila tinatawag siya. “Celeen!” Napalingon siya sa malambing na tawag, at nakita niya ang palapit na babae na sa panaginip ay ayaw na niya itong makita pa. Ang dating magandang mukha nito ay lalo pang gumanda sa paglipas ng panahon, ngunit ang dating sakit at galit ay muling bumalik sa kanyang puso. Nakaramdam siya ng takot at pangamba sa paglapit ni Valerie, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. “Hello!” Nakangiting bati ni Valerie sa kanya. “H-hi!” Alanganing bati niya saka tipid na ngumiti, sinusubukang itago ang kanyang tunay na nararamdaman. “Kumusta ka na?” tanong pa nito sa kanya saka siya hinawakan sa braso. Nakita niya ang pag-aalala sa mukha nito, pero hindi n

