“Hey!” Napalingon siya sa nagsalita at bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ng kaibigan. Lumapit ito at naupo sa harap niya. “May problema ba, pare? Ang lalim yata ng iniisip mo,” puna ni Alex, habang nakatingin sa mga papeles na nakakalat sa mesa. “Si Celeen ba?” tanong nito. “Hindi ko alam kung matatanggap pa ako ulit ni Celeen sa buhay niya, pare,” sabi niya, na may halong lungkot sa boses. “Diba nag-usap na kayo? Ano ang sinabi niya?” tanong ni Alex, na puno ng pag-aalala. “Hindi ko alam kung kakayanin ko, pare.” “Ha? Bakit?” nagtatakang tanong ni Alex. “Hayaan ko na lang daw siya, masaya na raw siya sa buhay niya ngayon,” malungkot na sagot niya. Ilang beses niyang iniyakan ang mga salitang iyon. Walang kasing sakit na marinig iyon mula sa babaeng pinakamamahal niya. Sana

