“Anong plano mo ngayon, mars?” tanong sa kanya ni Alyssa. Nandito siya ngayon sa bahay ng mga kaibigan dahil inimbitahan siya ng mga ito na mag-dinner. Kaya kahit tinatamad siya, hindi naman niya matanggihan ang mag-asawa, dahil isa rin ang mga ito na naging sandalan niya noong mga panahon na hindi sila okay ni Hunter. Kahit na nasa ibang bansa na siya noon, hindi naputol ang kanilang mga komunikasyon. “Hindi ko pa alam, pero gusto ko sana muna umuwi sa probinsya,” sagot niya. Napatingin sa kanya si Alex. Matalik na kaibigan ito ni Hunter, pero nirespeto nito ang mga naging desisyon niya kasama ang asawa nito. Kaya masasabi niyang napakaswerte niya sa pagkakaroon ng mga kaibigan na tulad ng mga ito. “Gora na, para naman magkaroon ka ng peace of mind. Kailangan mo ngayon yan, mars, di

