To my Beloved Man,
You may not be reckoning every detail of us being together, but I can.
Even the smallest strand of those short moments is facile for me to cite it all.
Everything is dotted behind my mind, all of it has encoded to the very branch of my neurons because you are something huge, you greatly occupied the grains of my feelings whole heartedly.
May magandang naidulot ang nangyari sa pagpupumilit kong pumunta sa bahay nila Zeoun.
Dahil parang naging instant columnist at Englishera ako— Don't touch me, I'm brainy.
Si Zeoun ang gumawa ng article ko na may tulong konting tulong ko— Oh diba? Ako ang tumulong sa kanya. Iyong sentences construction at choice of words ay may consultation niya kaya naman pinuri naman ng aming professor nila, ang professor na hindi boring magturo.
Ipapaframe ko nga ttong gawa kong sa totoo lang ay siya ang halos na gumawa, ilalagay ko ito sa aking kuwarto.
'Negros is part of the Visayas Island. Negros is an unnoticeable island that possesses an edenic scenery. I may have not explored my hometown but I'm aware of its beauty.'
Ako ang nagdagdag nito.
Maganda ang mga beaches, may mga sandbars pa, mga inaalagaang coral reefs, mga establishments din na may bakas ng history, kilala rin ang Negros na big contributor ng sugar cane.
Kaya marami akong nasulat.
"Zeoun!" tawag ko rito noong mag-uwian na, para kasing hindi na ulit kami Friends.
Bipolar din ang isang 'to eh.
Nilingon niya lang ako at tumango. Pinagtinginan ako ng iba, sila nga sumubok kaibiganin si Zeoun pero hindi naging friends kami pa kaya?
"Psst... Zeoun!" tawag ko agad sa kanya nang mamamtaan ko ito.
Pero hinabol ko siya nang pababa na ito ng building.
"Ouch," daing nito dahil tinapik ko ang likod niya at sinadya kong lakasan.
"Napaka-bipolar mo, last time, close tayo ah?" sabi ko na nagtango pa ng ulo na parang nanghahamon na akala mo naman makakaya ko ito, sa tangkad pa lamang ay wala na akong panabla.
"Last time 'yon," turan nito habang tinatanggal ang suot nitong reading glasses.
"Napaka... anyway magti-thank you lang ako." Inirapan ko siya. "At kung ayaw mong makipagkaibigan sa akin— ok fine." Inirapan ko ulit siya. “Akala mo naman kung sino kang santo na gusto kong hipuin at luhuran! Tse!” napasigaw ako sa inis. Sa totoo lang hindi fine, pero nabwiset ako sa kaartehan niya.
Natigil lamang ako sa aking idadagdag sa sasabihin dahil biglang nanlaki ang mga mata nito. Sa pagtataka ay napalingon ako sa aking paligid, halos lahat ng mga estudyanteng dumaan ay napatigil at napatingin sa akin.
May mali ba akong nasabi?
At para hindi maging center of attraction ay mabili na lamang akong tumakbo palayo roon at iniwan siyang namumula.
Alas tres na iyon ng hapon kaya't nagmamadali akong pumunta sa gymnasium para makapag-palit na, ngayon ang skills line-up namin.
Kailangan niyang magpakitang gilas sa coach naming para maline-up ako at makalaban na sa susunod na taon.
Kabado akong lumabas ng restroom matapos makapagpalit ng playing uniform.
Nakikita ko ang ibang trainee na magagaling din, pito kamin kinaya ang training ng isang semester.
Magkakaroon ng game kaming mga trainees, hahatiin iyon para ikampi sa mga seniors para mabuo ang dalawang team na maglalaban.
All set na ang mga maglalaro, ako ang right winger at ang leader na si Carrie and pivot, ang forward.
Sa unang mga minuto ng laro ay maayos pa, pero dahil nga sa may pagka-diktador na wala-sa-hulog at hindi effective na leader si Carrie kaya naka-score agad ang kabilang team.
Limang minuto pa lang kami sa court pero nakascore agad ang mga ito.
Nagro-rotate ang position naming apat, ang left and right winger, ang fix at pivot, suporta kaming winger, pero nakailang attempt na si Carrie ay nahaharang ang bola ni Dianne na siya namang goalkeeper sa kabilang team.
Hindi naman sa nagmamagaling pero alam kong walang matinong kalkulasyon si Carrie sa pagsisipa ng bola, kahit pa senior ko siya.
Ang nasa isip kasi nito na maka-goal siya sa patuloy na pagsipa ng bola, hindi man lang niya inaapplay ang natutunan nito sa training.
Ang lalo pang nagpainis sa'kin ay nasa kay Carrie palagi ang bola, na para bang wala itong tiwala sa mga kasama namin, kahit ang ibang kasama nitong senior ay naiinis na sa tinuturan nito.
"Ang damot niya sa bola," komento ni Kyra ang kasama ko, natawa ako kasi nagawa niya pang magkomento ng laro namin.
"At kapag feeling mo kaya mong ilusot ang bola sipain mo!" sigaw sa akin ni Fate.
Sa huling sampung minuto bago ang half-time ay tinodo ko ang opensa, hinahabol ko ang nagdi-drible si Carrie sa gitna balak niya na namang isipa sa goal, nakita kong bukas sa likod nito at nandoon si Fate kaya pinasa ni Carrie kay Fate, nang tumakbo ako sa gitna ay pinasa sa'kin Fate ang bola, may gigil kong sinipa ang bola.
Napasigaw kami nina Fate, Kyra at Hale kasa ma ang goal keeper namin, bukod kay Carrie.
"Makinig ka Thress kapag sinabi kong ipasa mo, ipasa mo, 'wag kang magrisk," sabi ni Carrie at nais ko siya ang taasan ng kilay. Naka-goal na nga kami.
Ilang minuto'y nasa amin na naman ang bola, pinasa ni Carrie kay Hale iyon, umikot ako at pinasa sa'kin ni Hale ang bola, sa kanang gilid ay nandoon si Kyra tumakbo sa gitna dahil bukas iyon— ako ang sisipa sa goal.
"Ipasa mo sakin Thress! Bilis!" sigaw ni Carrie, hindi ko siya sinunod, nag-rotate kami ni Fate, pinasa niya ulit kay Hale at agad na pinasa sa'kin nang makahanap ako ng butas at mabilis na sinipa sa gild ng goal keeper.
Napasigaw ako nang tumalbog sa net ang bola, para akong maiiyak, dahil sa wakas ito ang pangalawang beses niyang nakagoal.
Mula noong araw na nakakalaro ko sila Ehran ay isang beses pa lang ako nakagoal.
Niyakap ako ni Hale at nakipag-high five pa 'yong dalawa kong kasama at nag-thumbs up ang ibang seniors, bukod kay Carrie na masama ang tingin sa'kin.
"She did the right way," sabi ni Margo na senior at nakapag-high five sa'kin.
"Sayan, kung sana pala umariba ka noong una Thress," komento ni Kyra
"Ang importante naman tie na tayo," sagot ko.
Nagkaroon ng ilang minutong pahinga nang i-huddle kami ng aming coach.
Muling bente minute sa second jalf ng aming laro at napansin kong hindi ako pinapasahan ng bola ni Carrie. Sira ulo ba siya? Magkakampi kami rito!
Kaya naman naka-goal na naman ang kalaban nila, sampung minuto nalang ang natitira at napapagod na'ko, bigla akong napahinto sa gitna ng court, nahahapong ikinawit ang dalawang kamay sa'king bewang.
Tumingala akong tumatakbo, naglalabas ng inis, napadako ang tingin ko sa bleachers, sa pinakataas na parte, nanalaki ang aking mata nang makita roon si Zeoun, nagbabasa ng libro.
The mere fact na nasa gymnasium ito kahit hindi ito nakatingin sa laro samin, pero nandito siya.
Kaya tumakbo ako ng mabilis at agad na dumepensa, hindi ko alam kung paanong para akong lumulutang habang pursigido akong maka-goal at makita ng coach namin na may potensiyal ako o ang katotohanang nandito sa paligid ang energizer ko.
Napasigaw ang mga kasama ko nang muli akong maka-goal.
May ilang minute pang natitira, hindi ko alam kung hindi ba sinadya iyon ni Carrie pero sumubok siya sumipa sa goal pero natamaan ang aking mukha, dahil sa bigla ang napa-atras ako at namali ng apak ang kanang paa ko kaya'y naramdaman ko ang pagtupi ng aking sakong, halos marinig ko ang pagtunog ng buto ko roon, sa bigla ay napangiwi na lamang ako at kasabay nang mahinang igik kaysa ang mapasigaw ng malakas.
"Goal!" sigaw ni Carrie. "Sorry, Thress," niya ulit. Hindi ako makareak dahil nahilo ako bigla.
Nagkatinginan ang iba dahil sa ginawa ni Carrie. "Sorry, 'di ko sadya kala ko makaka-goal ako para di tie." Tumawa si Carrie.
Inalalayan ako ni Hale sa pagkakaupo ko.
Nag-huddle ang cpach namin sa'min matapos magpahinga, at nilalagyan naman ni Hale ng bandage ang sakong kong nagka-sprain.
Nagbihis na ako sa locker room at nagmamadaling lumabas, nagpaalam na ako sa mga kasama ko hindi ko na kasi nakita si Zeoun.
Palabas na ko ng gymnasium nang mabulaga ako ni Carrie.
"Oy? ang bida nating teammate," kunyari ay kinausap nito ang kasamahan din namin.
Nilagpasan ko lang sila't 'di na nagsalita. Ba't ba kasi nang-iwan si Zeoun? Close ba kami?
"Uy, goodluck sayo ah? Sana 'di lumaki ulo mo," pahabol nito.
Paika-ika akong umupo sa waiting area para sa bus nang may tumayo sa'king gild.
"You're cool," sabi nito.
"Zeoun?"
'Di ako makapaniwalang nandito pa rin siya akala ko umuwi na agad.
"Yeah! That's totally me," sabi nito at isinara nito ang binabasang libro, tinanggal ang salamin at inilagay sa case.
"Oh? Eh? Bakit ka pa nandito? Sino hinihintay mo?"
"Waiting for My love." Nakangiti ang mata nito na nakatingin sa'kin, bigla namang nanginit ang pisngi ko sa sinabi niya. Hala ako ba 'yon?
"Si-sino?" Wow! Feeling ako kung kabahan naman! Ano? gusto mo na ako? Sige gusto naman talaga kita eh.
"Hi Zeoun, I'm sorry for keeping you wait here."
Napalingon ako bigla sa nagsalita sa kabilang gilid ko naman, natulala ako sa ganda noong babaeng tinanguan din ni Zeoun.
"It's okay, actually I just got—" hindi ko na pinagpatuloy ang sarili kong makinig sa usapan nila dahil agad na huminto ang bus sa maing harapan.
Bukod sa napahiya ako bigla akong nasaktan. Bukas ko na lang siya tanungin, nakaka-insecure ang ganda ng babae. Girlfriend niya? My love daw sabi eh.