Chapter 6

3225 Words
To my Beloved Man I can describe you perfectly. Zeuon Almonte had enough tallness to add more of his remarkable attributes that will justify 'more' of your appeal. One of the reasons why the girls I noticed like you so much. You weren’t the bulky type, not so muscular, but your physique was a total loss of something they say 'hunk', if being hunk does not have to be so muscular then you are in the packs of hot people. What can I do for you? I can push through... Even to my limits, knowing at something that you might be aware of my existence. The moment where you were there sitting along the bleachers, even with no eye on me could even sunder the feeling of being rejected.     Tapos na ang training ko sa futsal at palabas na ako ng Gymnasium nang mabanaag ko si Zeuon na nagbabasa ng libro habang naglalakad. 'Kung 'di ba naman tanga itong taong ito at sa daanan pa talaga naisipang magbasa'. Dahil nga hindi na mawawala ang mga dimunyung sumasapi sa’kin. Kaya sinalubong ko ito, hindi pa niya ako napapansin kaya hinayaan ko siyang banggain ako. Hindi na ako nagtaka nang rumehistro ang gulat sa magaganda nitong mga mata nang tumilapon ang librong bitbit nito. Habang nangyayari ang kamalasan nitong ginawa ko na mas tamang sabihing ‘pagpapapansin’ ko ay hikndi ko napiinigilan ang mapangiti. "Stupid," usal nito habang pinulot kanyang libro. "Sino kaya? Sino kaya ‘yong tangang nagbabasa sa daan?" pangangasar ko habang tinataasan ko siya ng kilay. "You purposely bump me," sabi nitong nagpang-abot na naman ang mga kilay. "So?" pangdadagdag ko sa inis nito, lalo pang kumunot ang noo nito sa aking sinabi. "Wait, I know you." Napaturo ito sa mukha ko, ako naman ay napairap na lang sa sinabi niya. Hanggang ngayon hindi niya pa rin ako maalala? "Ako si Thress," pagpapakilala ko at inabot ko ang aking kamay at nagpapakilala rito. “Theresita Ligaya.” "Stupid! Ikaw ‘yong babae sa field ng San Roque High School." "Ang hina naman ng memorya mo, ako nga 'yong babaeng binato ng bola ng kapatid mong suwail."   ‘Hind ako makapaniwalang ganito ang reaksiyon niya. Makakalimutin ba ito o hindi lang talaga ako ganoon ka-importante para alalahanin pa nito? "No, before that, ikaw iyong babaeng kumuha noong hinihigaan ko noon," sani nitong may pangungunot ng noo at mukhang may inaalala pa. "Good, naalala mo pa 'yon? Sa tagal na nating classmates ngayon mo lang naalala ang mukhang to?" proud na sabi ko habang humalukipkip. "At ikaw din ‘yong sumipa ng bola sa mukha ko!" napasigaw na ito at mas lalo lamang na itinuro ang aking mukha. "Te-teka hindi ko sinasadya 'yon." Itinaas ko aking dalawang kamay, sana nakalimutan na lang nito ang parteng ‘yon. "Sabi na nga ba eh," sabi nito at pinitik ang aking noo. "A-aray!" pagrereklamo ko. Samantlanag hindi naman masakit ang ang panduduro nito sa kanya. "Ikaw pala 'yong bastos na babaeng 'yon? hah?" "Aray! Ang sakit non ah? Mas masakit pa 'to sa ginawa ko sa'yo bwiset to," sabi ko nang muli niya akong pitikin sa noo, kahit hindi naman talaga masakit, inirapan niya ako at nilagpasan ma at  nagpatuloy sa paglalakad. "Aba? nang-iwan lang?" Pagkatapos mo ‘kong kuryentehen iiwan lang agad ako? Hindi siya makakapayag kaya sinundan niya ito hanggang sumakay sila ng bus. Hanggang sa pareho pa sila ng upuang inupuan. "Are you following me?" tanong nito. "Aba? Gagong to, pauwi na ako no?" "Don't cuss," pagmamando niya.  Tinignan niya ako ng masama hanggang sa pagbaba nito ay sinadya kong sundan ito. Sa Hanggang sa pumasok sila sa isang subdivision, na may nakalagay na Vista Fuhrer. 'Aba! Yayamin pala 'tong kumag na to?'  Kung ‘di ba naman ako pakialamera at talagang sinundan ko siya hanggang sa pumasok ito sa gate ng isang subdivision na hindi man lang ako hiningan ng i.d pass. Nilakad na nila ang mahabang pavement, habang inisa-isa niya 'yong mga malalaking bahay, hinulaan niya kong saan sa malalaki at magagandang bahay ng mga iyon ang bahay nito. Pero nakalagpas na sila ng subdivision at palabas na sila sa isa pang gate ay wala pa rin itong bahay na pinasukan, lumiko pa ito sa kanan, hanggang sa pumasok ito sa isang village. Sa village na na ito’y may malalaki ring mga bahay, malinis at tahimik ang village na, bigla itong pumasok sa parteng parang isang compound na magkarugtong na dalawang malaking bahay na three-storey. Isasara na sana nito ang gate pero tumakbo ako palapit rito at pinigilan ang pagsara ng gate, nakataas na naman ang kilay nito. "Nauuhaw kasi ako." Nakangising sabi ko kaya tinignan niya ako ng masama ni Zeuon. "Go home," utos nito na hinding-hindi ko susundin.  "Grabe ka naman friend, sinundan kita all the way here tapos 'yon lang sasabihin mo? Unfair!" Sinubukan kong mag-English iyon lang ang kinaya ko. "Sinabi ko ba sayong sumunod ka?" pananaray na naman nito. Pasalamat lang talaga siya crush ko siya at gwapo ito kaya nagagawa ko ang mga bagay na ito.  "Eh diba, friends na tayo? Ayokong may masamang mangyari sa iyo sa daanan,” sabi ko na may pagpapa-cute pa, sana lang ang mukha akong cute na tignan o natataeng tikbalang. Kahit na hindi ko naman talaga alam kung ano ang itsura ng tumataeng tikbalang.  "We're not friends, umuwi ka na," pagpupumilit niya na mas lalo lamang akong nadaragdagan ng porsyento ng enerhiya upang mas lalo pa siyang kulitin. Itinutulak niya ang balikat ko pero nagmamatigas ako siyempre, ang dami kayang dimunyu sa isip ko. Napahinto kami sa pagtatalo nang may humintong kotse sa likuran ko. Isang lumang Mitsubishi Mirage, hindi naman sa pagmamayabang pero mukhang mas mahal iyong sasakyan namin. Pero ko hindi pa rin afford ‘yan, isa lamang akong palamunin. "Yon," tawag ng babaeng boses sa amin likuran. Isang magandang babae ang nakita kong nagbaba ng tinted window sa driver's seat, kaya natulala ako, kapatid siguro nito iyon dahil medyo kahawig ni Zeoun. "Hi Ma," bati ni Zeoun sa magandang babae.  Hindi ako makapaniwalang napatitig sa babaeng tinawag niyang ‘ma’, mukha pa kasi itong bata, napaurong ako noong pumasok si Zeuon at binuksan ang main gate para makapasok ang kotse.   Nakatingin lang ako hanggang sa binuksan ni Zeuon ang garahe at lumabas ang maganda nitong Mama niya na mukhang kapatid niya lang. 'Ano kaya ang beauty regimen nito? Gumagamit ba ito ng maxi peel, ponds, olay o Myra e?'  'Maganda rin naman ang mama ko... pero, iba ang ibinata naman ng ina niya' "Your classmate?" tanong ng ina nito. "H-hah?" tanong ni Zeoun, ayaw niya ata akong ipakilala kaya ako na lang ang nagsalita, makapal kaya mukha ko. "Ako po si Thress, nandito po ‘ko kasi may gagawin po kasi kaming project." nakangiting tugon niya. Tinignan ako ni Zeuon ng masama. "Ganon ba? Sige, Yon pumasok na kayo." Tinignan niya ako na para bang sinasabi na umalis na’ko, pero nagmatigas ako, pakapalan na lang ng mukha. Sa gitna ay may malawak itong bakuran, may basketball court na may pintura rin ng futsal court na siyang naghahati sa dalawang malaking bahay. Nabibilib nga ako kasi rubber court iyon. Agad kong nilibot ang mga mata ko nang makapasok ako sa bahay nila, modern iyon, cream ang kulay ng pintura at marbled tiles nila, mga mesa’t mga estante ay gawa sa kristal, parang bahay lang din naming.   Mahilig sila sa mga jars, vases, figurines na display. Nagsimula na akong umupo sa sofa sa living room nito kung saan ako dinala ng mama nito, pero mahina niya akong sinita at pinalipat sa kabilang maliit na sala na wari ko'y karugtong ng patio pergola sa labas kaya’t gawa sa varnished type na upuang kahoy ang narito pero may cushion naman. "Yon, bat mo naman pinalipat si Thress d’yan?" Hala buti pa Mama ni kilala na ako, pero siya hanggang ngayon ‘di ko pa narinig na tinawag akong ganoon. “Uh— natutuwa kasi siya sa upuan rito, astig daw?" Napangiwi ako sa ginawang dahilan ni Zeuon. Napaka-lame naman kasi ng palusot niya, sino bang hunghang ang gugustuhing sa labas kong may mas marami akong makikita pictre frames sa loob? Muli akong pinalipat ng Mama. Ano ba talaga? "If I were you, uuwi na lang ako." Nakahalukipkip itong humarap sa’kin "Bakit, kakatayin niyo ko, parang sa wrong turn, tapos magdidiwang kayo?" "Nonsense, just go home," sabi nitong sobrang busangot ng ng mukha. Taray talaga. "Sa ganda ng mama mo wala nang gustong umuwi," saad ko. "Pesky," komento nito sa aking sinabi.  "Pesky-hin mo mukha mo," sabi ko na lang dahil wala naman akong alam na idudugtong pa.  "Stupid," pambawi na naman nito at sinabayan pa iyon nang pag-irap ng magaganda niyang mga mata. Umamba akong susuntukin siya, hindi ko naman gagawin baka lang matakot sa akin, kahit matangakad at malaki siya mukhang mas malakas naman ako. Mukha lang naman.  "Yon, dumating na ba si Ziger? Tanong ng Mama niya. Naka-apron na agad ito na may bitbit na tray ng juice at French bread roll. Medyo nahiya ako nang kaunti, ang intensyon ko lang naman makipagkaibigan, pero sayang ang tinapay kaya nagpasalamat ako. Napansin ko ang suot na uniform ng ina nito na para bang teacher, bigla kong naalala, uniform ito ng mga teacher sa San Roque High School, Teacher pala ang ina nito? "I'll just change my clothes," paalam ni Zeoun at iniwan muna niya ako ng irap, siraulo! "Nakakatuwa naman, minsan lang magdala ng kaklase ‘yan dito si Yon." Ngumiti ang Mama nito. "Ah-ah— nagpapatulong po kasi ako sa kanya, nahihirapan ako sa research namin kasi fluent po kasi si Zeoun sa English kayatalagang pinilit ko siyang isama ako rito, pa-pasensiya na po," pagdadahilan ko. Magaling talaga ako s amga lusutan. I’m a football player! Hah! And I’m proud of it. Pero ngumiti lang ang ina nito, na para bang proud na paroud pa sa anak. "Ano ka ba okay lang 'yon.” Ngumiti ito. Nailibot ko ang aking paningin sa kanang dingding kung saan may nakatayong transparent divider cabinet na seradora, nakikita kong na hitik sa mga nak-frame na certificates, trophies at mga naka-frame ding medals. "Kay Zeuon po lahat ng mga 'yan?" tanong ko sa Mama. "Oo,'yong mga trophy sa pinakailalim akin ‘yan tsaka sa Papa niya, 'yong sa pangalawa naman kay Ziger tapos 'yong pangatlo at pang-apat sakanya." Nakangiti at proud na sabi ng Mama nito. Parang si Mama din mahilig mangolekta ng mga awards namin, ang kaso ang naiambag ko lang ay riboon na may most— industrious, utusan kasi ako noong Elementary ako.   Dalawa ang cabinet na ‘yon, mga framed na picture naman nilang pamilya. Medyo marami-rami kaming napag-usapan ni Tita Zelena— oh! Progressing at Tita na ang tawag ko sa Mama ni Zeoun.  Scholar si Zeoun dati sa San Roque bilang isang journalist at columnist ng newspaper campus nila. Tapos scholar din siya ngayon sa unibersidad nila, ang kailangan naman nito ay ma-maintain  ang grades na hindi bababa ng uno't singkwenta. Nakakapressure, nahihirapan na nga akong mag-maintain ng 1.75 eh.' Napatingin ako noong may biglang pumasok sa receiving area at nag-bless ang maldito nitong kapatid na si Ziger sa ina nito, aba? May natirang modo pa pala sa batang ito? Nginitian ko siya pero ginawaran lang niya ako ng tinging nandidiri. Napataas tuloy ang kilay ko sa ginawa ni Ziger, mas malala pa pala ang ugali nito sa kapatid niya. Hospitable at approachable ang mama nitong si Tita Zelena. Ang  ama nitong ubod ng gwapo na si Tito Gerio ay hindi ko pa nakikita, nasabi ko lang na ubod ng gwapo kasi nakita ko ang family portrait nila sa Main living room. Namana ni Zeuon ang pagiging gwapo sa ama nito, pero may features na naman si Zeoun sa ina nito kasama na roon ang maputlang kulay nito. Isang piloto ang ama nito at ang isang magandang bahay katapat naman ng bahay ng mga ito ay sa kambal ng ama. "Hindi ka pwedeng umalis hangga't hindi tayo nakikita ni Mama na gumagawa ng project, kung hindi ka ba naman stupid, hindi mo sana sasabihing gagawa tayo ng project," sabi ni Zeoung nang simple akong magpaalam, nagtetext na sa’kin si Mama, mahilig pa naman mangurot iyon. "Eh 'yon lang naisip ko eh." "Stupid, bakit ka kasi pumunta rito?" tanong niya. "Hindi ko nga alam eh." Dinala niya ako sa patios pergola nila tanaw ang harding may makukulay na bulaklak, may swing din doon na upuan kaya nagiliw ako umupo roon. "Edi... 'yong sa subject nating Adventure Tourism nagagawa ng article, tulunga mo ‘ko do’n,” sabi kong nakangisi. “Tss,” tinatamad nitong reak at bumalik sa loob ng bahay nila, bumalik itong may bitbit na laptop. "Babalik ulit ako rito, ang daming pagkain eh," sabi kong nakangisi, hindi kasi nauubusan ng pagkain 'yong mesa nila, kanina cake, tapos sumunod ang pizza tapos naman biglang Lasagna, di kaya matae ako nito? Tapos nakikita ko pa ang mga pinsan nitong ubod ng gagandang lalaki, naglalaro sa basketball court. "Focus, ‘wag ka nang magpapakita rito, ayaw ni Papa na makakita ng pangit," sabi nito. "Ang sama mo,” sabi kong napapanguso na at totoong nasasaktan na sa panlalait niya. Masama ang titig ko sa kanya at ni hindi man lang ito natinag. Umiling ito na parang ang disappointing ko. "Wala ka namang ganda eh," napapangiwi nitong sabi. Ako naman ay halos magusok na ang aking ilong sa walang habas na panlalait nito. "Hindi mo lang nakikita 'yon, tumingin ka kasi sakin, dali! Titigan mo 'ko!" pangmamando ko at inilagay ang dalawang palad ko sa magkabilang pisngi at pinagkikisap ang dalawang mata ko para mas lalong magmukhang cute. "Gross," nakangiwing sabi nito. "Parang may poop sa harapan ko." "Ang baboy mo," komento ko at tinampal niya ang braso nito. "Ikaw ang baboy... tignan mo nga sarili mo?" sabik nitong inolahad pa ang palad sa akin harapan, mula sa taas hanggang.  At akong uto-uto ay tinignan ko naman sarili niya, tapos inamoy ko pa talaga. "Wala namang amoy baboy ah?" sabik ko na lang at inirapan siya.  "Stupid," sabi nito at nagmakeface siya.  Ganoon ang eksena namin nang maabutan kami noong papa niya. Kaya’t bigla na lang akong napatayo sa kinauupuan ko upang batiin ito, nabangga tuloy ang hita ko sa mesa, at mas lalo lamang akong napahiya. "I'm here to check you both," sabi ng papa nito.  ‘At bakit po, may gagawin ba kami?' Gusto ko sanang i-comment kaso mas pinili ko na lamang na manahimik.  "Yon, I have something to tell you later, you may go to our library right after this, " sabi ng papa nito.  "Yes, Uncle," sabi ni Zeoun at tumango.  Nagtaka tuloy ako bigla at bakit 'Uncle' ang tawag niya sa kanyang papa.  Ang ibig bang sabihin noon ay step father niya ito? Kung ganoon, bakit kamukha niya ang lalaking tinatawag niyang Uncle?  "After I send her home, uncle, I’ll go upstairs," sabi ni Zeoun at nagpaalam na ang papa nito na tinatawag niyang uncle.   Nag 'okay' lang ito bago ako tinapunan ng isang tipid ng ngiti, sobrang intimidating ng papa s***h uncle nito at parang ang unfriendly tignan nito. "I know what you're thinking," sabi ni Zeoun kasabay nang pagpitik ng kamay niya sa aking harapan upang magising ako sa aking pagkatulala. "He's my father's twin brother," sagot ni Zeoun kaya’t napatango-tango na lamang ako. "Ang sweet naman nila, ayaw nilang maghiwalay kahit pa may sarili ng silang pamilya," komento ko ngunit mga irap lamang ang aking nakita rito at marahil iyon na lang din ang sagot niya sa aking sinabi.  "Ganoon ba talaga ang uncle mo?" bulong kong tanong at baka may makarinig sa akin.  "Oo... parang si Papa, naiirita sila kapag may pangit sa harap nila," simpleng tugon nito habang abala na ulit ang mata sa mga papel na hawak nito. "Totoo ba talaga?" tanong kong may kasamang nganga pero hindi man lang nito sinagot.  “Zeoun, sabi mo hindi mo crush si Taylor Hill ba’t dinala mo siya rito?” Napatingin kami sa nagsalita, isa sa pinsan nitong naglalaro kanina lamang. Ayaw kong ngumiti, pero mahilig talaga ako sa mga magagandang tao at bagay, kaya’t hindi ko na rin mapigilan ang aking itinatagong ngiti para sa gwapong pinsan nitong lumapit sa amin.  “Hello, good evening sa’yo…” bati ko sa mahinang boses, nakakahiya pero sayang a opportunity na makausap ang gwapong pinsan nito.  “Hello, Good evening, hawig mo si Taylor Hill, crush ni Zeoun,” sabi ng pinsan nito. Ngumiti na lang ako ng hilaw bilang pasasalamat sa sinabi nito dahil hindi ko naman kilala ang tinutukoy niya tao at hindi ko alam kung good looking pa iyong ikinompara niya sa  akin.   “Oo, Taylor Hill na kinulang sa paligo at hilod,” sagot ni Zeoun. De putang lalaking to! Biglang tumawa nang malakas ang pinsan nito.  “You’re mean, Zeoun, by the way I’m Graygun, what’s yours?” tanong nito matapos akong balingan habang hindi pa rin nawawala ang bakas ng saya nito mula sa pasmadong bibig ni Zeoun. Hayop ka, Zeoun! “Uhm— Thress,” nahihiyang sabi ko, hindi ko alam kung dapat na akong makipagkamay rito at kota na sila sa panlalait sa akin.  “Nice to meet you, Thress…” sabi nito at ito na mismo ang kumuha ng aking kamay.  Oh my gosh, hindi ko naman sinasabi na kinilig ako pero pwedeng ganon na rin.  “Tss… can’t even see that your blushing because of your dirty tan,” komento ni Zeoun na siyang nagsira ng mga pusong nagsilabasan sa paligid ko.  Napabuntong-hininga na lang ako nang muling tumawa si Graygun hanggang sa nagpaalam na ito sa amin ay hindi nawala ang tawa nito. Pag patuloy na ganito si Zeoun mukhang mawawala na ang pagka-crush ko sa kanya, gago siya.  "Pshh... stupid... let's go, i'll send..." iyon ang pambungad niya sa akin matapos kong magpasalamat sa tulong na ginawa niya sa akin. "Talaga ihahatid mo ko?" excited kong tanong. "Stupid hanggang sa gate lang, wag kang mamihasa," panananaray na naman nito. "Akala ko 'you will send me home?" ginaya niya na naman ang pagi-english nito habang nagmi-make face. "Wow? Was it my obligation to send you home? Did I insisted you to—" "Hindi na, nakakahiya naman sayo, kaya ko namang humakbang papunta sa gate niyo," pagmamaktol ko na kaagad na pinutol ang ano pang sasabihin nito. Napapairap na lang ako sa napakabahong ugalit nito.  "Bye." Ngumisi si siya habang hinahatid ako nang tanaw. At least hiknatid nang tanaw, pero iyong pahiwatig na natutuwa siya sa pag-alis ko ang talagang nakakasira ng mood. Hindi sa hindi na sira ang mood ko, mas lalo lamang na nasira. Hanggang sa pag-uwi ay dala-dala ko ‘yong sinabi niya. Napatingin ako bigla sa salamin ng matapos mag half-bath. Morena ang aking kulay, bilugan ang aking mata ngunit para sa’kin ay maganda naman iyon— baka tingin ko lang? Maliit lang aking ilong, medyo may pagkamalaki ang aking nguso at pangahin ako.  So pangit ako?                    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD