To my Beloved Man,
Your words. It was like a lullaby. It pleased my system, after the smooth wind soothes me, I started dreaming of a very beautiful one with you.
Your mind. It was a book I couldn't understand.
You. Having you gives me an ethereal feeling I cannot totally decipher.
You turned to be the center of my attention, as our conversation started to be the portal of our closeness.
Cliché, but you are the reasons why I'm having such numerous of unexplainable invertebrate animals moving in my stomach, you drowned me in your dazzling beauty of your smile, even your grimace could almost kill my entire system, you paralyzed me every time that unknowing pat of your skin lingers on mine.
Until those simple talks have gone to simple touches till we became so comfortable with each company.
We became so close.
So close, till I became so used to holding your hands, I used to hold your cheeks, and I can even cling my arms on you, and you even hugged me, casually.
Para sa'yo, casual lang 'yong pagyakap mo pero para sakin binibigyan ko 'yon ng meaning kahit alam ko namang 'in the future' makakasakit lang sa aking feelings.
November 12, First year, second semester.
Binalikan ko ang San Roque High School nang magkaroon ako ng libreng oras.
Inilibot ko ang aking paningin sa buong field na siyang naging santuwaryo ko na ata tuwing alas quatro ng hapon noon.
Naaalala ko iyong mga kalaro kong may kanya-kanya ng pinagkakaabalahan.
Ang iba ay nasa ibang probinsya nag-aaral, iyong iba'y nasa ibang unibersidad nag-aaral, ang iba'y nasa Manila at ang iba'y nasa ibang bansa na. Kahit isa sa kanila ay walang naging schoolmate ko.
Si Ehran naman nasa Boston na, doon siya pinag-aral ng college nina Ninang Hera. Gusto kasi ng mga magulang nito na maging independent siya kaya pinatira ito doon mag-isa. Sa'king naalala ay nasa isang Ivy league school ito nag-aaral, swerte ng mokong.
Pwede ko rin atang hilingin sa magulang kong mag-aral sa ibang bansa pero— baka 'di ko kakayaning mag-isa. At mayaman ba kami?
Nakaupo ako sa bakal na upuan sa sidelines habang nilalaro ng paa ko ang bola. Napadako ang tingin ko sa puno na nasa dulo ng field. Napangiti ako nang maalala niya ang ginawa ko noon kay Zeuon.
Naalala niya kaya 'yong ginawa ko?
Kung naalala nito ay sana nagbukas ito ng usapin tungkol doon.
Gusto kong maalala niya ako.
Nakakatawa ang naiisip ko pero naisip ko ring baka hindi nito ugali ang mag-ungkat ng nakaraan pa o hindi ako tipo ng taong 'kaalaalala'.
Matapos ang halos isang oras na pagtambay at pagmumuni sa field ay naisipan kong umalis.
Katulad ng dati ay may nahagip ang aking 'peripheral vision'. Isang pamilyar ng bulto na nakahiga sa gilid ng oval habang nakaunan sa braso nito.
'Zeoun'
Nakashades ito at sigurado akong natutulog na naman ito.
Kaya lumapit ako rito. Katulad ng dati'y mayroong isang kapangyarihang humatak na sa'kin para lapitan ito.
"Aw," mahinang reklamo ko nang maramdaman kong may tumamang bola sa'king likuran.
Nang lingunin ko kung sino ang may gawa noon ay may isang malakas na bato ng bola na tumama sa mukha ko.
Saglitang nanilim ang aking paningin at nasundan pa iyon ng bato, isa pa ulit na bato ng bola sa mukha ko'y natumba na ako.
Napaungol si Zeuon nang madaganan ko ito. Narinig ko pa ang sigawan at tawanan ng mga lalaking naka soccer uniform at nagsitakbuhan palayo sa field.
Nawalan ako ng lakas na sumigaw dahil sa bigla ng pangyari at sa hapdi ng mukha kong natamaan ng bola.
"Hey," pukaw sa akin ni Zeoun sa pagkakainis, nakahawak na ito sa aking bewang na para bang pinapaalis ako sa kanyang tiyan kasi nakadagan pa rin ako sa kanya.
"Puta, sorry," napapahiyang sabi ko at umalis sa pagkakadagan rito.
"It hurts," usal nito at nagpapagpag ng damit... naningkit ang mata ko sa ginawa niya, mukha ba kong may germs sa katawan at nagpagpag ito kung saan ako natumba kanina?
"De puta, sakit no'n ah," pag-react ko kahit medyo late na.
"Stop cursing," anito.
"Natamaan na nga ako ng bola, 'yang pagmumura ko pa rin inaalala mo? Bwiset!" sabi kong nag-ayos sa nagusot kong damit.
"You're bleeding," sabi nito nang magsimula na ako maglakad palayo rito.
Bigla naman akong naestatwa, dahil sa pagkakaintindi ko sa 'You're bleeding' ay may period ako kaya agad kong nilingon ang aking p'wetan.
"Wala naman e," sabi ko nang makompirmang walang dugo sa pang-upo ko.
"Your cheek, idiot."
"Aba? Ayaw mong nagmumura pero isa ka rin naman pala nagsasalita ng bad words— akala ko pa naman banal ka."
"No one's holy aside from the holy water," sabi nito, napakunot ang aking noo.
"Hala nag-joke ka ba? Nakakatawa hah? In all fairness hahaha sana dinagdag mo rin si Holy mother of God," sabi ko. Joke lang po, Lord.
Tinaasan niya ako ng kilay habang pinunasan ko ang dugo sa aking pisngi gamit ang likod ng aking palad.
Sanay naman akong masaktan, masugatan, magasgasan at mas matindi pa ay mapilayan kaya gasgas sa pisngi, wala 'to.
"Unbelievable." Nakangiwi nitong komento.
Tumayo ito at nagpagpag ng likod at pang-upo. Inisa-isa ko ang ang ginawa nito sa'king harapan kaya naman nagkaroon ako ng sandaling tignan ang kabuuan nito.
5'5 ako tapos katapat ng dibdib niya ang eye level ko masasabi kong aabot sa anim talampakan na ang kanyang tangkad.
Ang kulay nito ay medyo o.a para sa lalaki. Maputi din naman si Ehran at iba kong kilala pero mas maputi at nagmumukhang maputla si Zeoun— bampirang uwak! 'Pale raven', taba ng utak ko.
Napalaki ang mata ko nang huminto ito sa'king harapan at may kung anong kinuha sa bag at inabutan ako ng panyo.
"Aanhin ko yan?" takang tanong ko.
"Stupid, wipe cheek it's gross," sabi nitong nangungunot ang noo. Mas nagulat pa ako sa susunod nitong ginawa nito dahil inayos nito ang pagkakakunot ng aking noo gamit ang hinlalaki nito.
"Stop frowning hindi ka gumaganda."
"Kapal mo, maganda ako!" sikmat ko.
"Who told you that? Your parents? The're lying," sa sinabi nito'y napanganga ako.
"Anyway, you saved me." Mga mata nito'y nakangiti.
Hindi ako nagsalita at masama ang titig ko sa kanya.
"Those balls targeted me it was supposed to be mine. I've scolded my brother so bad and I guess he wanted to take his revenge through throwing balls." Umiling ito. "He and his team mates are stupid, right?"
Nagpatuloy ito sa pagsasalita.
"I took his computer and gadgets because he's not paying attention to his studies," muli nitong sabi. "Oh come on— I'm striking up a conversation here."
Inirapan ko lang siya, 'di ako makamove-on sa sinabi niyang pangit ako. Parang maiiyak ako, pangit ba talaga ako?
"So it's true huh? When you tell a girl that she's pretty she'd remember it for a few days but when you tell a girl ugly she'd remember it for the rest of her life," sabi nitong hindi ko pa rin dinudugtungan.
"So you might remember me the rest of your life, then?"
Napatingala ako sa kanya, ngumisi ito.
To my Beloved Man,
You're unfair because I really did remember you. I wasn't able to forget you, I always remember you. No matter where I go, everything reminds me of you.
The field, the trees, the mountains, the night sky, the stars, the rain, the smell of the books, the library, everything was marked by you.