To my Beloved Man,
And yes it happened, I was able to catch your attention, not the whole of it but having the chance to talk to you was a success.
You're an energizer, a motivation and at the same time a walking information.
You've got a brilliant mind, maybe it is how you captivated every girl's hearts.
Alam mo bang isasa hindi ko malilimutang araw sa alma mater natin ang ang makasama ka sa loob ng library, syempre hindi mo alam 'yon.
Naisip ko agad, gusto kong makapagtapos kasama ka.
Gusto kong makasama ka, sana kasama kita, sana... Iyong mga aklat na ipina kita mo sa akin noon, sana agad kong nabasa iyon nang malaman ko kung sino ka, kung ano ang nasa isip mo sana binasa ko iyon.
You're unreadable, but sorrow will show on your expressive raven-like eyes.
Sana...
"Well that's not what I meant a while ago, just so you know," sabi nito at inilapag ang mga aklat na hiniram.
Umirap ako. "Wag kang mag-alala di ako sensitive."
Nagkibit ng balikat si Zeoun. "I just don't like to be misunderstood."
"Okay," sabi kong sinalubong ang mga mata nito.
"I'll give it back after three days," tukoy nito sa library card niya na nakahold sa librarian, mga novels at literatures ang hiniram nito.
"Kaya mong basahin lahat 'yan, sa tatlong araw lang?" tanong ko.
Ang rules kasi mahihiram lang ang libro ng tatlong araw pero nakadepende sa book number kung kaunti lang ang stocks.
Sa isang library card ay tatlong libro lang ang p'wedeng hiramin, kaya anim ang bitbit nitong mga libro.
"Stupid, syempre hindi," sabi nito. Ang sungit talaga ng lalaking ito.
"Edi ikaw na brainy," sabi kong umiirap.
Tumawa ito saglit napatitig ako sa kauna-unahang pagkakataong makita ang full set of white pearls teeth nito ika nga nila.
"Patingin nga," sabi ko.
"You don't seem interested," sabi nitong napapasaring sa katotohanang ayaw kong amin sa harapan niya kung hindi niya lang sinampal sa akin.
"Titignan ko lang malay mo, magustuhan ko at babasahin ko."
"Let me guess, you're not into books," hula nitong tumama sa banga talaga.
"Yes, cause I'm into sports." Panggagaya ko sa English niya.
"So what's your favorite sport?" tanong nito.
Saglit akong napatulala dahil sa biglang pagbago ng mood nito, kanina ang sungit nito tapos ngayon nagbago ang atmosphere.
"Football."
"What's your position?"
"Midfielder, Forward, p'wede ring defender at goal keeper mabilis ang muscle coordination ko eh," pagmamalaki ko.
"Is that even possible?" tanong nito.
"Ang alin?" Napataas ang kilay nito sa tinanong ko..
"Ang magkaroon ka ng maraming position?" Nangalumbaba na ito at nakatitig na sa'kin na para bang napakainteresado ng usapan namin— 'Wag ka nga d'yan Zeoun! Nailang ako kaya panaka-naka akong nag-iiwas ng tingin sa kanya.
"Oo naman, kung pareho mo bang kaya ang required skills sa position na 'yon, bakit hindi?" tumango-tango ito pero mukhang hindi kumbinsido.
"A-at tsaka p-parang ano lang yan eh— ahm... bookworm— Ang isang bookworm p'wedeng maging sport-minded and and vice v-versa, ang s-sport lover p'wedeng maging book lover." Nauutal kong sabi.
"Gabby," ngumiti ang mga mata nito, pero kahit nakangiti ay mababanaag ang kakaibang pait na nakadepina sa maiitim na mga mata nito.
"You chose the complicated words and comparison instead of leaving your first answer as it is. That was palpable. You don't need to expand your answer, the more you talk the less, the sense would manifest."
Huh?
"Hindi 'yon komplikado, hindi mo lang maintindihan kasi magkaiba siguro ang lebel ng isipan natin," sagot kong 'di nagpatalo.
"No, we have the same level of thinking. Don't complicate words, don't knot things, it'll be hard for me to understand," sabi nito at kaagad na binuntunan ng pagngisi.
"Pero 'di ba mas maiintindihan kapag pinaliwanag pa?" dugtong kong hindi sumusuko.
"Explanation may understood with few and right words," tugon niya naman. Napapairap na lang ako sa bawat sinasabi niyang nagpahiwatig kung gaano siya ka-superior.
"Ang ibig ko lang namang sabihin, Ikaw! P'wede kang gumaling sa sports kahit na iniisip mong mas nagi-excel ka sa academics at specialty mo 'yon, pwede ka rin gumaling sa extra curricular activities."
"Whatever," sabi nito at nagkibit lang ito ng balikat, ko tuloy ang bobo ko kasi hindi ko nabigyan ng tamang sagot ang tanong nito.
"I'm enlightened, talk less, act more," sabi nitong nakangiti ang magagandang mata. Bigla akong naguluhan sa sinabi niya. Hindi ba at sa usapan namin mas maiging magsalita ng marami kaysa ang kumilos?
"Eh ikaw? Bakit mo hiniram ang mga librong 'yan?" tanong ko na lamang kaysa sabihin ang ano mang nasa aking isipan.
"Pag-aaralan?" pamimilosopo nito at nagkibit lang ito ng balikat.
Napairap ako, ang tino rin kausap. "Ano nga?" pagpupumilit ko.
Ilang segundo niya muna akong tinitigan bago ito nagbuka ng bibig.
"I feel like I'm travelling when I am scanning these," tukoy niya sa mga libro nito.
"Oh? Paano mo ginagawa 'yon?" Nahihiwagaang tanong ko, hindi naman kasi ko mahilig magbasa, nakaka-antok iyon.
Inabot nito ang isang libro sa'kin.
"Finding Angela Shelton. She was trapped by her past filled with nightmares then, she started looking for women who have a similar story to her."
Ipinatong din nito ang isang libro.
"The house at Hungry mountains by Des Morley."
"This mystery novel for me is really catchy and also... the description of the location compelled me, try it," sabi nito pero hindi talaga ako mahilig magbasa.
Gusto ko lang marinig siyang nagsasalita.
Nakakaengganyong pakinggan ito, ang pamamaraan ng pananalita nito ang siyang bumubuhay sa interes ko sa kanya, promo na ang gandang lalaki nito.
"Remarkable Creatures by Tracy Chevalier, this novel tells Mary Annig's past being unfortunate at times and it also tells her discovery of unusual things, dinosaur skeletons, you know her?" tanong niya ngunit umiling ako. "Oh, she was forgotten, I really like this story."
Tumitig ako sa kanya.
Hindi man sapat na husgahan ko ang ekspresyon ng mga mata nito, ngunit mahahagilap ang lungkot at may mas malalim pang hindi ko mahanapan ng tamang salita.
Maganda ang mga mata nitong nagpapahayag ng iba't-ibang klase ng emosyon. Ngunit singlalim din ng dalawampung talampakan ang ibig sabihin no'n.
"Four corners, a journey into the heart of Papua New Guinea by Kira Salak."
Tinignan ko ang imahe ng cover ng libro.
"Kira Salak took a three-month solo trip to Papua New Guinea, then she stayed in the village that practices cannibalism but you know what's scary? It was the demons of the past that's hunting her in her head," pagpatuloy nito.
May pagkakapareho ang mga librong ipinakita niya sa'kin. Mga madidilim na nakaraan.
"Eh ano 'yang isa?"
"Geography," sagot nito.
"Gusto mong maglakbay?"
"I want to find myself," sagot nito.
Napatawa ako sa sinabi nito. "Baka sa kakahanap mo sa sarili mo, makasalubong mo 'yan sa daan ah?" biro ko.
"And once I meet him, even halfway through my trip, I will come back to where I came from and stay there forever and live happily..."
"Ever after?" ako na ang nagdugtong.
"Yes," sagot niya.
"Naniniwala ka sa Fairytales?"
"Not really but I believe in happy endings. I believe that everyone has been proffered a significant other by who's above us, a happy ever after, and I want that too."
Napanganga ako sa sinabi niya, nais kong sagutin iyon ng... 'Gawin natin 'yong dalawa'
'Iyong happy ending, gawin nating dalawa, Zeoun.'
To my Beloved Man,
You never fail when it comes on amazing me, your name, your simple gestures, your mannerism, and your philosophy, you always surprises my heart and leaves prints that will be tattooed there forever leaving a beautiful masterpiece inside.
You're the kind of a man that girls' been always looking for, intelligent, soft speaker, features are undeniably perfect, and I never wonder why girls were throwing themselves over a super stud Zeuon Almonte, with a super subtle perception.
But happy endings?
I guess we've separated it.
On the other half, there's happy but it doesn't stay,
On the other half there's an ending and it stays.
On the whole, we are happy in a different way.
I was here on the other side.
You were there on the other side.