To my Beloved Man,
I shifted my program but it does not affect me, easy peasy, I can say. I'm not a busy student hah! Befriending you was my job that time I guess? Umaasa kasi akong maging magkaibigan tayo kapag naging classmates na tayo.
Your smiles might be priceless but that's something I'd love to see. I like you more that time... probably more than liking football.
Zeoun, your visage suits how wholesome your name sounds like that it is perfectly carved on you.
First year second semester. Tourism na ang aking kurso, hindi naman ako naghahabol ng ibang subjects dahil pareho lang naman ang subjects noong unang semestre.
Nakaupo ako sa pinakagilid malapit sa bintana.
Favorite spot ito ng crush ko. Hindi ito pumasok ngayong araw kaya ako na lang muna ang papalit rito.
Nakapangalumbaba ako na kunyaring nakikinig sa discussion ng professor nang may naramdaman akong tumabi sa'kin, hindi ko binigyan ng pansin iyon.
Ngunit di kalaunan naaamoy ko ang pamilyar na pabango nito na isang Clive Christian ' X ' Perfume Spray— isang perfumer ang panganay kong kapatid at may maliit itong Fragrance company. Nag-aral ito sa ibang bansa para sa perfumery kaya may alam ako ng konti sa mga perfume at nalalaman ko kung mamahalin iyon o imitation.
Kaya alam kong si Zeoun ang tumabi sa'kin.
'Pumasok pa siya, eh matatapos na ang klase,' himutok ng aking butse.
Sa boring na subject naming International Tourism and Trends ang lalaking ito lang ang tanging gumigising sa'kin kaya nga ko lumipat sa upuan niya baka may maiwang amoy niya— ang harot ko!
"You are on my chair— move," saad nito.
Napataas ang aking kilay na singkapal ng kilay ni Betty La fea— may pagka-demanding kasi ang tono nito.
Isang linggo na kaming magkaklase at ngayon lang ako nito kinausap pero ang presko pa ng dating nito.
'Nakakabadtrip lang.'
"Mainit," tipid kong sagot na kunwari hindi ako interesado na kausap siya.
Wala akong paki kunyari na inagawan ko siya ng pwesto pero sa totoo lang nilalamig na ako at kinikilig.
Walang namang pangalan ang inupuan ko kaya hindi niya p'wedeng angkinin na sa kanya itong aking inuupuan ngayon.
Pero parang napahiya rin ako sa sarili ko nang mabasa niya ang pangalan nito sa armchair. Vandalism 'to ah! Rule breaker!
'Zeoun'
Para sa'kin siya ang may pinaka-unique na pangalan sa lahat ng nakilala ko, siya ang lalaking may napakagandang mukha na bumagay pang lalo sa pangalan niya.
'Siyempre, crush ko siya kaya lahat sa kanya maganda.'
"Can you hear me?" bulong nito at kunot na naman ang noo.
Palaging nakakunot ang ang noo ng lalaking ito sa tuwing nakikita ko siyang kinakausap ng iba.
Tumango na lang ako bilang tugon sa tanong niya ayaw ko kasing mabad-trip siya sa'kin, iniiwasan ko na ang magpapansin.
"Then move," may diin ang pang-uutos nito.
Umiling ako.
Ayaw kong umalis kasi sa oras na gawin ko 'yon hindi ko siya makakatabi. Minsan na nga lang kami magtatabi.
At occupied na ang row na kinabibilangan ng upuan nito kaya ang ibig sabihin no'n kailangan kong bumalik sa upuan ko sa unahan, nasasayangan ako sa pagkakataong maamoy ito.
"Stop vexing me," bulong niya ulit.
"Ano bang problema mo?" 'di ko naiwasang magtaas ng boses.
'Sabing ayokong umalis kasi hindi na kita makakatabi eh.'
Napahiya ako noong napahinto sa pag-didiscuss ang professor namin at tinignan ako ng masama isama pa ang mga ususera't ususerong mga kaklase namin.
Napayuko na lang ako pagkatapos kong humingi ng tawad sa professor nila.
"You're exhausting." Inirapan siya nito— 'parang bakla.' Ginantihan ko din siya ng irap.
"Bakit ba galit na galit ka sakin?"
Bigla na naman akong napasabunot sa'king buhok, paraan ko 'yon para ikastigo ang sarili, kasi tumaas na naman ang boses ko, dahilan ng paghinto sa pagsasalita ang professor namin.
Ang sungit kasi 'di na lang umupo kong saan siya nakaupo ngayon.
"Will you please..." Mariing napapikit si Zeoun. "I'm not mad, I just want you to get out of my chair, simple."
"Okay na diyan ka na umupo, kailangan talaga dito? Eh nakaupo ka na naman?" Naiirita ko itong nilingon ngunit agad din akong nagbawi ng tingin, hindi ko siya matingnan ng diretso ang mukha nito.
"That's my chair we're arguing over petty—"
"Alam mo di tayo magtatalo kung hindi mo ako pinipilit na paalisin ngayon." Binili niya pala ang upuang to?
Masarap sa pandinig ang marinig itong magsalita kaya dinudugtuan ko rin ang usapan namin, kahit pa sabihing hindi naman ako gustong makausap. Para-paraan lang!
"Why do you have to answer with a high pitch?"
Nakakainis man ang tunog ng pananalita nito. At nakakairita man ito minsan sa kaka-English hindi ko pa rin nais na matapos ang bulungan na may kasama ang pagkiskis ng mga ngipin. Ang sweet kaya namin! Feeling kong bet niya 'ko eh!
"Ang arte nito," sabi kong umiirap.
"Shut up and go back to your seat."
"Hoy, ako napupuno na ako ah? Hindi 'to High School, first come first serve sa upuan pag College, di mo alam?" Dinuro ko siya— konti na lang lalapit na sa makinis niyang pisngi pero winaksi nito ang hintuturo, pero may sapi na naman ako't binalik ko ulit para ituro na naman sa mukha.
Tinignan niya ako ng masama habang inaalis ang daliri ko pero siyempre nagmatigas ako, nagdampi kaya balat namin. Ayie Thress simpleng haplos.
Nagsukatan kami ng tingin, na para bang iyon na ang paraan namin para magsagutan— paraan ko naman para tumitig, dahil nga ayaw kong alisin pagduduro sa mukha nito kaya hinawakan niya ang daliri nang mahigpit, sobrang higpit, na halos baliin na nito.
Nakikita ko ang pangigigil kay Zeoun. Hala pumapatol sa babae!
Napasigaw na ako sa kit, pero may halo talaga ang sigaw na 'yon, parang may kasamang kilig kasi nakatitig siya sa'kin— nang masama— Hala! Makatitig parang may gusto ko sa'kin, charing!
Ngunit ang sigaw ko sa pagkakataong ito ay malakas kaya't nakakuha ng atensiyon sa loob silid.
"Sorry," hinging tawad.
"Mr. Almonte and your seatmate, it seems like you're not interested in my class you both can step out in this room," sabi ng propesor.
Nainis akong napayuko kasi hindi man lang ako kilala ng boring naming professor, 'di ba ko kaalaalala?
"NOW!" sigaw ulit nito, pero hindi ako gumalaw, gumamit siya ng 'can' ibig sabihin may choice akong mag-stay sa room.
Pero si Zeuon ay nagsisimula nang magligpit ng kanyang mga gamit. Tahimik itong tumayo at dumaan sa back door at marahan nitong isinara ang pinto.
"How about you?" Nakapamewang na ang professor namin, Hala walang choice?
Nataranta akong tumayo, nagkanda-hulog pa ang mga gamit ko nang makalabas ako ng kwarto, ang mga libro, binder at mga papel na hawak ay binatawan ko na lang ng kusa kaysa mahirapan ako.
"Instead of holding it firmly you just let go of it? You're such a mess," komento nito— in fairness, haba ng sinabi niya!
Tiningala ko muna siya at hinayaan ang mga gamit kong nakakalat sa sahig, napapatingin ang ibang estudyanteng dumadaan.
"Kailangan kong bitawan para maayos ko," sagot ko at nagsimula na akong magpulot ng mga gamit niya kaso napahinto ako nang yumuko ito at pinulot ang naapakan nitong may library card.
"Hoy! —hmmp," may ritmo pa iyong pagkasabi kong sabay ng pagdurugo sana rito nang agad niyang tinakpan ang aking bibig.
"I'll be in trouble again," mahina pero madiing sabi nito.
Tinanggal ko ang kamay niya, wait pa-touch nga ulit!
Nagmamaktol ako sa isipan ko, sana hindi ako napalabas kung hindi dahil sa kanya.
'Siya nga ba ang may kasalanan Thress? o Ikaw?'
Nagulat ako nang tinulungan niya akong pulutin ang mga gamit ko.
Bigla akong ng napaisip. Dalawa kaming ipinalabas sa room kaya pagkakataon ko na para kaibiganin ito at kailangan hindi ko na papainitin ang ulo niya o asarin pa.
Kung siguro maputi lang ako tulad nito ay mapapansing namumula na ako dahil sa ginawang pagtulong nito pero hindi eh, morena ako kaya paniguradong hindi halata.
"S-salamat," kabadong sabi ko.
Pero parang gusto kong bawiin ang sinabi ko nang ipinatong niya ang mga gamit sa bitbit ko.
'Kapal! Pasalamat ka crush kita!'
Pero kung pinabitbit siya sa akin to, ibig sabihin magsasama kami? Este— ngayong oras na to.
"I'll borrow this," sabi nito at itinaas ang aking library card. Kaya siguro ako tinulungan nito para lang hiramin ang library card, ko.
"Teka," tawag ko, "Anong gagawin mo diyan?"
"Stupid talaga."
"Gagong to, iniistupid pa ko?" bulong.
"I can hear you."
"Ikaw ang stupid diyan eh, kung kumuha ka na lang kaya ng library card mo?"
"Stupid, I already have one, I'll borrow yours so I can borrow more than three books," sabi nitong umiiling na parang sinasabi niya talagang ang bobo ko.
Nagkatitigan kami saglit napatikhim na lang ako nang biglang gumulo 'yon t***k ng puso ko lalo na noong hinawakan niya ang aking siko upang paunahin ako sa paglalakad.
"Tsk una ka!"
"Tss," sabi nito at inirapan ako. Hala ang taray!
Habang naglalakad ito sa'king unahan ay pinagsawa kong titigan ang likuran nito, iyong batok nitong namumula na para bang kapag hinawakan ko'y iguradong mamarka doon ang hawak niya.
Ang likod nitong siguro masarap yakapin at haplusin, 'yong pang-upo niyang maunbok na nakaka-tempt hawakan at pisilin, napailing ako bigla nang maisip kong lumalagpas na'ko sa limit ng aking isipan.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga binti nitong natatakpan man ng slacks ay alam niyang may maganda at makinis din ang balat doon, nakakababa ng confidence makitang mas maputi at makinis pa ito sa'kin. Napatingin ako sa balat kong kayumanggi at bumuntong-hininga.
"Aray," napausal ako nang mabangga sa transparent door ng library, hindi ko napansing papasok na pala kami, 'di ko naman alam na hindi pala ito gentleman, dahil hinayaan lang nitong sumara ang pinto at hindi man lang ko na-inform.
"Ang bastos mo," pagtataray ko rito.
"You're really stupid." Umiiling na sabi nito.
"Di ka gentleman," asik kong muli.
"I was, but you doesn't want it so." Nagkibit ito ng balikat.
"Sinong may sabi ng ayaw ko ng gentleman?"
"I held your elbow a while ago and you avoided me." Muling nagkibit ito ng balikat.
Hindi agad ako nakapagsalita. "Akala mo lang 'yon pero gus— ewan ko sayo ang sensitive mo para 'yon lang," sabi ko at binangga ito.
"Let's stop arguing, it's so exhausting."
Hinawakan ako nito nang magaan sa balikat para kunyaring alalayan.
Nagugulo ang sistema ko sa simpleng paghawak nito. Pigil ang ngiti ko hanggang sa bitawan niya ako. Hala 'yon na 'yon? Napairap ako.
"See? If you can yourself right now you look disgusted. I should have been doing all that," sabi nito.
"Hindi ako nandidiri sayo ang o.a mo," sagot ko. "At hindi rin ako nakakadiri, 'di ako mukhang mayaman pero di ako nakakadiri."
Ganoon ang naging usapan namin hanggang sa makahanap kami ng mauupuan.
Bago umupo ay tinitigan niya ako. "I'll just borrow books," sabi nito.
Ngumuso ako. Ba't ka nagpapaalam? Pilit kong itinago ang ngiti ko.
Nang makaalis ito'y nangialam ako sa binder nito, nakita ko ang registration form na nakaipit roon.
Wala sa loob na nahaplos ko ang mukha sa 2x2 picture na nakadikit sa registration form nito, nang maisip kong nakawin ito.
Dahan-dahan kong tinanggal kahit medyo napunit ang papel ng registration form, pinilit ko hanggang sa matanggal ito.
Patay malisyang iniwan ko lang iyong binder nito sa mesa at nagkunwaring nagbabasa nang dumating itong maaliwalas ang mukha.
Hahanap akong mangagayuma sa kanya charing!