Chapter 12 -Expectations

1274 Words
Nanatili silang tahimik ni Nicholas sa loob ng halos kalahating-oras. Hindi na ito nagtanong pa, tila kontento ito sa kung ano lang ang sinabi niya dito. Walang judgement, walang pang-aasar o kahit ano. Hinayaan lang siya nitong sumandal sa balikat nito habang lumulubog ang araw. For the first time, parang nabawasan ang tension sa pagitan nila. Nang hindi na siya makatiis ay nauna na siyang tumayo. Babalik na din siya sa kanyang villa. Hindi niya alam pero sunod-sunod ang tahip ng dibdib niya tuwing magtatama ang mata nila ng lalaki. Hindi naman siya pinigilan ng lalaki. Basta sinabi lang nito na magready na din siya dahil sabay silang magdi-dinner mamaya. Kaya habang nakaharap siya sa salamin ng villa niya, hindi niya maiwasang pag-isipan kung tama bang nag-e-effort siya.Simple lang ang suot niya—white backless dress na may spaghetti straps, soft waves sa buhok, kaunting lip tint, at perfume na paborito ni Kaelen na gamitin niya. She wasn’t doing it for Nicholas. Pero hindi rin niya maitatangging… maybe, just maybe, she wanted him to notice her. Chill, Vivienne, bulong niya sa sarili. It's just dinner. Not a date. Pagdating niya sa main dining hall ng resort, napa-hinto siya sa gilid. Sobrang ganda ng setup. May fairy lights na nakasabit sa mga puno, acoustic music sa background, at mahina lang ang tunog ng mga alon mula sa dagat. Cozy and romantic. Tipong dinner na may effort. She smiled to herself. Okay, Nicholas. Point for you. Papunta na sana siya sa mismong entrance ng open dining area nang may nakita siyang pamilyar na lalaki… nakatalikod ito pero alam niya agad kung sino. Nicholas. Nakaupo ito sa isa sa mga table na malapit sa bar counter, may hawak na baso ng wine. Akmang lalapitan na sana niya ito ng makita niyang may lumapit ditong babae. Napatigil siya at pinagmasdan ang dalawa. It was the same woman from earlier. The woman leaned in closer. She whispered something, laughed, and then — just like that — hinawakan nito ang leeg ni Nicholas at hinalikan ito. Right in front of everyone. She froze from where she stands. Halos manlambot siya sa nakita. Napahawak siya sa sariling dibdib dahil bigla itong kumirot ng husto. Hindi gumalaw si Nicholas. Hindi rin nito pinigilan ang babae. Parang may sumabog sa dibdib niya. She stepped back. Mabilis. Halos natapakan niya ang sarili niyang dress. Are you f*****g serious Nicholas? Inanyayahan mo talaga ako para dito? Asshole! Nag-ayos siya. Nag-effort siya. Kahit peke lang ang kasal sila, sana naman may kaunting respeto. Pero ano nga bang aasahan niya. Yung pagco-comfort nito kanina, malamang eh napilitan ito o siguro nahiya dahil syempre emotional na siya. Halos matawa siya sa sarili. "Vivienne, you dumb girl," bulong niya. “You expected what, exactly?” Nagmamadali siyang umalis, pinipigilang tumulo ang luha kahit alam niyang wala siyang karapatang masaktan. Pero masakit eh. At habang palayo siya ng palayo, nilingon niya ulit ang dining area. Tiningnan niya si Nicholas , tahimik lang ito habang kinakausap pa rin ng babae. She turned away, clenched her jaw, and kept walking. Papunta sana siya sa villa niya pero hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng mga paa niya. Hanggang sa nakarating siya sa isang garden path na may overlooking view ng dagat. “Vivienne?” Halos mapasigaw siya sa gulat. Paglingon niya, nakita niya si Alonzo. Nakasuot ito ng itim na linen polo at puting shorts, nakatayo ito sa pathway na madadaanan niya. May malaki itong ngiti ng magtama ang mata nila pero biglang napawi iyon ng marahil napansin na wala siya sa mood. “Naglalakad ka rin pala,” pilit niyang sabi at unti-unting lumapit. The last thing she’d do is bumalik pa sa pinanggalingan niya. Bahala na si Nicholas—may ka-dinner na naman siya, ‘di ba? O baka hindi na sila nakatiis at ginawa na lang ulam ang labi ng isa’t isa," inis na bulong niya sa isip. “Cool spot.” Marahan niyang sinabi ng maalalang kaharap niya si Alonzo. "Yeah, tahimik dito. Hindi ko inaasahan na makikita kita rito." Tumikhim ito, saka lumapit ng kaunti. "You okay?" "Yup. Super okay." Sobrang sarcastic ang tono niya kaya natawa na lang ang lalaki. "Yeah, you totally look fine… if fine means looking like you just walked out of a heartbreak." Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Umupo nalang siya sa bench na nasa ilalim ng puno, pinilit ang sarili na huminga ng malalim. “Gusto ko lang… makalanghap ng hangin,” mahina niyang sabi. Tahimik si Alonzo. Umupo ito sa tabi niya pero hindi ito nagsalita. After a few seconds, she spoke again. "Alam mo, ang weird," panimula niya. "Bakit tuwing malungkot saka ka lumilitaw. Stalker ba kita?" “Wait,” mahinang tawa ni Alonzo, “I mean, you’re pretty, Vivienne—don’t get me wrong. But trust me, I don’t need to stalk anyone just to get their attention.” Mayabang na sinabi nito kaya kahit paano ay natawa siya. "Do you want to talk about it?" Pang-iiba nito sa usapan. Umiling lang siya. “Hindi.” “Cool. Hindi rin ako magaling sa advice.” Nagkatinginan sila, and she found herself relaxing. Maya-maya, naglakad sila paakyat ng stone path hanggang sa makaabot sila sa isang deck na tanaw ang tahimik na dagat. Doon nila piniling tumambay. May upuang kahoy at dim lights, perfect para sa mga naghahanap ng tahimik na lugar. “Ang ganda dito,” wika niya habang pinagmamasdan ang reflection ng buwan sa dagat. “Hidden spot. I used to come here nung college pa ako. Family resort namin ‘to.” Napalingon siya sa lalaki. “Wait. Family niyo ang may-ari ng resort?” He smiled, kind of smug. “Yup. Alonzo Villareal. At your service.” “Villareal...” she repeated slowly, then napakunot ang noo. “As in... related ka kay Lorenzo Villareal?” “Kapatid. Mas gwapo nga lang ako.” Napailing siya, natatawa. “Okay ka rin eh. Pero seriously, sa inyo talaga ito?” "Oo nga...mukha lang akong tambay pero ako talaga ang in-charge sa buong resort kaya madalas ako dito." Tahimik silang dalawa habang inaabsorb ang malamig na hangin at ang tanawin sa harap nila. Then she asked, “So... anong ginagawa mo dito? Nagbabakasyon ka ba ngayon or nagma-manage?” Natawa ang lalaki sa tanong niya.“Sort of. May kailangan lang ayusin sa resort. Pero mostly to escape the life in Manila.” “Ahhh,” Napakunot ang noo niya. “Babae?” “Hindi naman. Something like that.” “Uh-huh.” Tumawa siya. “So may tinataguan ka? Nakabuntis ka no?” "Grabe ka naman, miss. Hindi ako irresponsible—certified boy scout ako. Always ready… and safe!" Nakangising sagot nito. “Teka, ikaw ba? Anong ginagawa mo dito? May tinataguan ka or bakasyon?” “Basta,” she smiled. Nagkatinginan ulit sila, parehas tahimik. Hindi niya alam kung bakit, pero hindi siya naalarma. Bago pa lang si Alonzo sa buhay niya, pero somehow, he felt... safe. Natural. Still, napatingin siya sa dagat. Should she be here? Kasama ang isang lalaking halos di niya kilala? Pero bumalik ang alaala ni Nicholas. Ang eksena kanina.Yung masakit na pakiramdam na hindi niya alam kung bakit. No Self! Don't tell me nagugustuhan mo na ang lalaking yun? Pero imposible, mas iisipin nalang niya na nainis lang siya dahil nag-effort siya kahit paano tapos ganoon ang maabutan niya. Bigla siyang nagdesisyong... Yes. She deserves this break. At least kay Alonzo, safe siya. Walang contract sa pagitan nila, hindi niya kelangan magpanggap. “Thank you,” she whispered. “For what?” “For not being him.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD