Chapter 11 -Sunset

1466 Words
Hindi niya namalayang nakatulog siya sa bathtub. Nang tingnan niya ang orasan ay alas-tres na doon. Mabilis siyang lumabas ng banyo at nagbihis. Kumakalam na ang sikmura niya dahil hindi pa siya kumakain. Isasabay na lang niya ang kanyang meryenda mamaya. Isinuot niya ang puting sundress na kasama sa ipinamili sa kanya ni Mrs.Alcantara. Ipinartner niya doon ang simpleng beach sandals. Matapos maglagay muli ng sunscreen ay dumiretso na siya sa floating cottage restaurant dahil doon niya balak kumain. Maganda ang view ngayon doon, pupwede na din niyang panoorin ang sunset mamaya. Dahil sa gutom ay agad niyang nilantakan ang inihaw na bangus at liempo na dinala ng staff sa kanya. Umorder din siya ng cucumber juice at Ube Tres Leches cake para sa kanyang dessert. Hindi pa siya nangangalahati sa kinakain ng may umupo sa kanyang harapan. Nakita niya si Nicholas na magkasalubong ang kilay at tila galit sa kanya. Hindi niya ito pinansin at ipinagpatuloy lang ang pagkain, sayang naman kung hindi niya mauubos. "Really?! After how many hours of contacting you, I'll find you here eating by yourself?!" Halos mailuwa niya ang kinakain ng marinig ang galit ng kaharap. "You told me to mind my own business, so here I am," she replied sarcastically, setting down her utensils and crossing her arms over her chest. "Why weren’t you answering your phone?! I’ve been calling you—I even texted that we’d have lunch together!" "Oh wow, so now it’s my fault?" Maniniwala na sana siya kung hindi niya ito nakitang may kalampungan kanina! "Don’t use that tone with me. I told you—I had to speak with some investors. Why is that so difficult to understand? And if you remember, I also asked you not to talk to anyone." "Oh bakit? Masama ba? Ikaw nga diyan kasama mo ang babae mo hindi naman ako nagreklamo!" Halos matutop niya ang bibig ng kusang lumabas ang mga salitang iyon sa kanya. Nakita niya ang amusement sa mukha ng lalaki kaya bago pa ito magsalita ay inunahan na niya. "I mean hindi n-naman k-kita inistorbo k-kanina dahil alam kong busy ka..." Naiinis siya sa sarili dahil nautal siya. Nakakadistract ang paninitig ng lalaki na tila gustong basahin ang laman ng isip niya. “Oh, really? That’s how you spent your time? Wrapping your arms around some bastard?” "Huh?" "Nevermind! Tapusin mo na yang pagkain mo, mamaya ay sasama ka sakin dahil may kakausapin ako." May pinalidad sa tono ng lalaki. Tumango na lang siya para hindi na humaba ang away nila. Nakita kasi niyang tumitingin din ang ibang mga staff sa kanila. Nakakahiya naman na sabihin ng mga itong sa harap pa ng pagkain nila nagawang magtalo. "Ikaw kumain ka na ba?" Mahinahon na ngayong tanong niya dito. Medyo na-guilty din siya dahil hindi nga pala niya chineck ang cellphone niya kanina. "I lost my appetite. Tapusin mo na yan, sabay na tayong aalis dito." Masungit na sinabi nito ng hindi tumitingin sa kanya. Mabilis na niyang tinapos ang pagkain. Sinusulyapan niya ang lalaki pero sa dagat ito nakatingin, nakakunot ang noo na tila naiinis ng husto. "Saan tayo pupunta?" Hindi napigilang tanong niya dito matapos nilang bumaba sa floating cottage. Hindi ito sumagot at dumiretso lang sa mabilis na paglalakad. Wala tuloy siyang magawa kundi ang habulin ito. Nalampasan na nila ang mga villa pero hindi pa din siya sinasagot ng lalaki. "We're here." Nagulat siya ng makita na nasa harap sila ng isang cabana. Manipis na kurtina lang ang nakapalibot doon. Sa loob ay may kutson na pwede mong higaan. Tanaw mula roon ang palubog na araw. Ibig sabihin ay sa likod na parte ng resort sila napadpad. Wala na halos guest doon, kahit ng tanawin niya ang ibang mga cabana na kahilera ng sa kanila ay walang nag-oocupy. "Anong gagawin natin dito?" Naguguluhang tanong niya. Napatingin siya sa lalaki at wala sa loob na naikrus ang kamay sa kanyang dibdib. "Don’t go there. That wasn’t even on my mind." Na-relax siya ng marinig ang sinabi nito. Mabuti na yung nagkakaintindihan... "You’ll stay here while I work—so you won’t accuse me of anything else." ani nito. "Huh? Bakit? Okay lang naman—" "Hindi ka aalis dito!" Tila nauubusan ng pasensyang sinabi ni Nicholas. Napaupo na lang siya sa kutson ng marinig ang sinabi ng lalaki. Hindi na siya nito muling kinausap dahil may tinawagan na ito sa cellphone. Maya-maya ay may tatlong staff na lumapit sa kanila. Ang isa ay bitbit ang laptop ng lalaki, habang ang dalawa ay may bitbit na mga pagkain. Busy siya sa pagnguya ng mga chips habang tinatanaw ang dagat. Ang lalaki naman ay busy sa pagsagot ng mga tawag at pakikipag-usap sa laptop nito. No wonder he's a billionaire dahil kahit sa bakasyon ay dinadala nito ang trabaho. Nang magsawa sa kinakain ay isinandal na lang niya ang kanyang likod sa malambot na kutson. Nakaka-relax ng husto ang ambiance sa lugar. Hindi niya namalayan na nakaidlip na siya. Halos magkaumpugan sila ni Nicholas ng bigla siyang tumayo mula sa pagkakahiga. Pagkamulat kasi niya ay nakita niya ang paninitig na ginagawa ng lalaki sa kanya. "S-Sorry nakatulog ako. Tapos ka na ba?" Magkasunod na sinabi niya dito. Eksaktong palubog na pala ang araw. Hindi sumagot ang lalaki. Lumipat ito sa paanan ng hinihigaan niya at minwestrahan siyang umupo sa espasyo sa tabi nito. Hindi na siya tumutol dahil baka kung ano pa ang sabihin nito sa kanya, besides ay gusto niyang i-capture ang sunset. Marami siyang nakuhang pictures ng sunset. Si Nicholas sa tabi niya ay nakita din niyang kumukuha ng pictures. Hindi napigilang kunan niya ng pasimple ang lalaki gamit ang polaroid niya. Nakatalikod naman ito sa kuha niya, half lang ng katawan ang makikita habang sa background ay ang kahel na kalangitan. Hindi na muna niya ipi-print iyon, isinave na lang muna niya sa storage ng kanyang polaroid. "Do you want to know a secret?" Hindi mapigilang sabihin niya sa lalaki matapos niyang itago ang kanyang polaroid sa dala niyang bag. Nakita niya ang bahagyang paglingon ng lalaki sa banda niya. Hindi ito sumagot kaya nagpatuloy siya. “My father died at sunset.” She said it without blinking, her gaze steady on the horizon as the sun sank slowly into the sea. Hindi niya tiningnan ang reaksyon ng katabi. “He saved me from drowning that day.” "I'm sorry to heard that." Narinig niyang sinabi ni Nicholas pero tipid lang siyang ngumiti. She wasn’t sure if it was the moment itself that made her say it, or maybe it was the quiet knowing that once their contract ended, they’d go back to being strangers—and secrets like this one would never matter again. “Sometimes I think about how unfair it was. How I lived and he didn’t. I still wish it had ended differently.” She paused, letting the breeze catch her hair. Sigurado siyang ganoon din ang iniisip ng ina niya kagaya ng madalas nitong isumbat sa kanya noon na kung hindi dahil sa katigasan ng ulo niya, buhay pa sana ang ama niya at kasama pa nila ito. “But then I think... if I let every sunset break me, wouldn’t that make it worse? Wouldn’t he hate to know that the most beautiful part of the day only ever reminds me of losing him?” He reached out, gently brushing her fingers with his. Hindi siya tumutol, hinayaan niyang hawakan ng lalaki ang kamay niya. She didn’t want his pity—that would be the last thing she’d ever allow herself to need. And yet, his presence beside her brought a strange kind of calm, as if simply having him there steadied something in her. One look at him, and the heaviness in her chest dissolved—as if, in that hour, he was the only person who mattered. "Your father let you live...and I don’t think he did that so you could carry guilt with you for the rest of your life." He looked at her, eyes steady, voice calm. "He gave up everything so you could keep going. So you could breathe, laugh—and forgive yourself one day." "You think so?" Malungkot na tanong niya dito. It was the first time she had ever shared this with anyone—and what shocked her most wasn’t the confession itself but the fact that it was Nicholas she said it to. Nicholas, of all people—the one she always clashed with, argued with, her contract husband. "What happened wasn’t your fault. And I don’t think your father would’ve wanted you to carry this pain for the rest of your life." After he said those words, everything fell quiet—not in the way silence feels empty, but in the way it feels safe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD