They arrived in Palawan at exactly 7:00 in the morning. SUV ang nagsundo sa kanila na magdadala sa kanilang tutuluyan sa Palawan. Ang katabi niya ay hindi manlang siya kinakausap mula pag-alis nila ng bahay napikon ata ito kagabi dahil sa usapan nila. Pabor din naman yun sa kaniya dahil ayaw din niyang kausapin ito. Ito pa talaga ang maiinis gayong ito naman ang nagsimula ng away nila kahapon.
Maraming villa ang kaniyang nakita pagbaba niya ng SUV. Nasa resort sila sa Palawan na pag-aari ni Lorenzo Villareal, ang best friend ng lalaki. Ayon kay Mrs. Alcantara ay tatlong araw daw sila ni Nicholas na naka-book doon pero kung gusto pa nilang mag-stay ay okay lang din since ito ang wedding gift ng kaibigan ng lalaki sa kanila.
"You'll stay in different villa." Medyo nagulat siya ng marinig ang sinabi ng lalaki. It's not like she expected they'd be staying in the same room—heck, it's actually a favor for her. Mae-enjoy niya ang three days nila dito lalo na kung hindi sila madalas magkikita ng lalaki.
"I need to talk with some investors. Ipapatawag na lang kita kapag may kailangan ako sayo."
Napairap siya sa kawalan bago tumango. Excited na siyang puntahan ang magiging kwarto niya. Mabuti at dala niya ang kanyang polaroid camera, pwede siyang mag-selfie mamaya malapit sa dagat.
"H'wag kang pupunta kung saan...or makipag-usap kung kanino." Tila nagbabanta pang sinabi nito.
"As if naman may kakilala akong iba dito..." pabulong niyang sagot.
"What?" Nakataas na ang kilay na sinabi nito tila gustong ipaulit ang sinabi niya.
"Wala! Ang sabi ko oo po SIR." Pagdidin niya sa huling salita.
"I'm serious Vivienne. Hindi natin kilala ang mga guests dito." Naiinis ng sinabi nito.
"Okay." Pagsuko niya para hindi na humaba ang usapan. Sumakay na siya sa golf cart na maghahatid sa kanya sa villa. Katabi niya sa upuan ang kanyang maleta. Nang lingunin niya ang lalaki ay nakasunod ang tingin nito sa sinasakyan niya kaya inirapan na lang niya ito bago muling humarap sa unahan.
Different villa huh?
Malaki ang villa na magiging kwarto niya. May sarili itong kitchen at bathroom na may hot shower at bathtub. Maganda ang interior at halatang pinag-isipan.Nang buksan niya ang sliding door sa likod ay tumambad sa kanya ang sariling pool na napaliligiran ng mga vines na palagay niya ay sinadyang patubuin doon.
Nagdesisyon siyang maglakad-lakad pagkatapos niyang ayusin ang kanyang sariling gamit sa cabinet. Since busog pa naman siya ay mamaya na siya kakain. Suot ang puting short at itim na t-shirt ay lumabas siya ng villa bitbit ang camera. Maaga pa naman kaya hindi pa masakit sa balat ang sikat ng araw. Mabuti na lang at madami siyang dala na film, siguradong magagamit niya lahat dahil talagang maganda ang lugar. Ipapakita niya ang kanyang mga pictures kay Kaelen pag-uwi, siguradong matutuwa ito.
Inuna niya ang dalampasigan na puntahan. Konti lang naliligo doon dahil mas prefer ng mga guests ang dalawang infinity pool na nadaanan niya kanina kung saan tanaw ang dagat. Nang magsawa siya sa pagkuha ng pictures ay umupo siya sa lounge chair. Agad na may lumapit na staff sa kanya at nagtanong kung may gusto siyang inumin. Sinabi niyang juice na lang kaya umalis din ito agad. Maganda ang service ng resort, mababait din ang mga staff. Kung sana ay kasama niya si Kaelen, siguradong matutuwa ito ng husto. Gustong-gusto pa naman nitong naglalaro sa buhangin kaya lamang dahil sa sakit nito ay limitado lamang ang oras ng paglalaro.
Nang magsawa siya sa tabing-dagat ay nag decide siyang pumunta sa restaurant. Halos tatlong oras din siya tumambay kaya maghahanap naman siya ng ibang view pero magmemeryenda muna siya. Truffle pasta at iced-tea para sa kanyang drinks ang inorder niya. Habang wala pa ang order ay tumingin-tingin lang siya ng mga nakuhang picture kanina. Gayon na lang ang gulat niya ng makita si Nicholas na pumasok din sa restaurant na may inaalalayang magandang babae. Pumwesto ang dalawa sa kabilang parte kung saan may bartender na nagse-serve ng mga drinks para sa mga gusto ng uminom. Umupo ang dalawa sa stool nakatalikod sa pwesto niya.
So this is her role here, huh? A decoy?Kaya naman pala malayo ang villa nila sa isa't-isa ay para hindi niya ito magambala sa plano nito. Oh well! Not my problem. Good luck to him— sana hindi siya magkasakit sa pambababae niya.
Naiinis na mabilis niyang inubos ang pagkain ng i-serve sa kanya iyon. Masama ang tanawin na nakikita niya ngayon, malilintikan talaga sa kanya si Nicholas kapag nakausap niya ito. Nakita pa niyang sayang-saya ang lalaki habang binubulungan ito ng babaeng kaharap.
Napadpad siya sa medyo malayong parte sa restaurant. Mas mabuti na din para di niya makita si Nicholas tutal ay ito din naman ang gusto ng lalaki. Mag-eenjoy talaga siya na hindi niya ito kasama.
"Gusto mo bang i-try mam?" Tukoy ng lalaki sa isa sa mga jetski na nandoon. May ino-offer din pala ang resort na ganitong mga activities. Bukod sa mga jetski ay pwede din na mag-parasailing at sumakay ng kayak.
"Hindi ako marunong kuya eh." Nahihiyang pag-amin niya dito. Gusto niyang mag-enjoy pero ayaw naman niyang isaalang-alang buhay niya para lang masabi iyon.
"You can join me if you want." Nagulat siya ng biglang sumakay sa isa sa mga jetski ang isang lalaking matangkad. Kinindatan pa siya nito bago nito paandarin ang jetski at palayuin doon. Mabilis din naman itong bumalik sa pwesto nila ng staff.
"I can drive this, as you can see…"Nakangiti pa nitong sinabi na tila kinukumbinsi siya.
"W-wag na...salamat nalang." Hahanap nalang siya ng ibang pwedeng gawin or pwedeng bumalik na lang siya sa villa at maglangoy sa pool doon.
"No. I insist, mukha kasing gusto mong i-try. Kahit isang ikot lang. For experience?" Makulit na hirit nito na mas malaki ang ngiti sa kanya.
"Sige na mam. Magaling si Sir Alonzo mag-jetski." Panggagatong pa ng staff para pumayag siya.
"Sige na nga..." Natatawa niyang sinabi sa dalawa bago siya maglakad at sumampa sa likod ng jetski ng lalaki. Inayos naman nito ang upo para magkaroon siya ng mas malaking space. Isinuot din niya ang life vest na ibinigay ng staff.
"You can put your hands on my waist. Baka malaglag ka." Tumawa pa itong bahagya at sinimulan ng paandarin ang jetski. Nang hindi niya sundin ang sinabi ng lalaki ay hinawakan nito ang kamay niya at inilagay sa sarili nitong bewang. Hindi na siya tumutol at nakitawa nalang dahil mas pinabilis nito ang pagpatakbo.
"Woahhh!" Sigaw niya. Panandalian niyang nakalimutan ang inis kay Nicholas. Hindi lang isang ikot ang ginawa ni Alonzo ng makita nitong nag-eenjoy siya. Umikot din ito sa may part kung saan siya nakatambay kanina.
"Thank you! Nag-enjoy ako." Masayang sinabi niya sa lalaki ng makababa sila ng jetski. Inalalayan pa siya nito hanggang sa buhangin. Mabilis niyang tinanggal ang life vest at iniabot sa nakaabang na staff.
"I'm glad I erased that frown earlier. You look much more relaxed now."
"Mauna na ako baka kasi hinahanap na ako ng kasama ko." Paalam niya dito kahit siguradong wala namang pakialam sa kanya si Nicholas dahil busy ito sa kasama nito kanina baka nga kung ano na ang ginagawa ng mga ito ngayon. Halos pangilabutan siya sa naisip na eksena kaya medyo napangiwi siya.
"Is there a problem?" Narinig niyang tanong ni Alonzo marahil ay napansin ang expression niya.
"Wala. Mauuna na ako. Salamat ulit." Akmang tatalikod na siya ng muli siyang tawagin nito.
"I put a smile on your face—the least you can do is tell me your name, right?" he said, flashing a boyish smile. Aaminin niyang gwapo ang lalaki, matangkad at lean ang katawan. Masaya din itong kausap, walang dull moments. Hindi katulad ni—
Heck! Why am I even thinking about that man?
"Vivienne..."
"Nice name. See you around Vivienne"
Nginitian nalang niya ang lalaki at tuluyan ng tumalikod. Magliligo muna siya sa kanyang villa dahil medyo nanlagkit siya sa hangin mula sa dagat. Tamang-tama at kakain siya ng lunch pagkatapos. Past lunchtime na din kasi. Mabilis siyang sumakay sa nakitang golfcart at nagpahatid sa tinutuluyan niya.
Pagkarating ay dumiretso na siya sa bathroom, nilagyan niya ng warm water ang bathtub dahil balak niyang magbabad doon. Pagkatapos ay nilagyan niya ng foaming bath product na nakita niya, dinagdagan din niya ng dried petals ang bathtub. Pagkatapos ay kinuha niya ang red wine sa ref at nagsalin sa kanyang wine glass. Ipinatong niya iyon sa maliit na lamesa malapit sa kanya. And voilà, there she was—relaxing her body, with a glass of wine in her hand.