Chapter 9- Mrs. Monteguado

1178 Words
Nang matapos ang meeting ay nag-decide siyang kumain sa cafeteria ng kompanya. Pwede naman daw magpadeliver sabi ni Mrs.Alcantara pero dahil gusto din niyang makita ang cafeteria ay siya na lang ang pupunta. Dahil fifteen minutes lang ang snack break ay wala masyadong empleyado ang nandoon. Buong palapag ang cafeteria. Tuwang-tuwa siya sa mga pagkain na nandoon lalo pa at libre ang lahat para sa mga empleyado. Luckily, may ID na siya ngayon. Ibinigay ni Mrs.Alcantara pagkatapos ng meeting kaya iyon ang ipinakita niya. Agad niyang nilantakan ang isang slize ng pizza at isang serving ng carbonara. Masarap ang pagkaluto, kumuha din siya ng croissants dahil sobrang sarap nitong tingnan at hindi nga siya nagkamali. Patapos na siya ng makita niya si Alkhen na palapit sa kanya.May bitbit itong kape na galing din sa counter. "Vivienne, it's good to see you again. Sorry kanina, medyo kinabahan ako kay Sir." Natatawang sinabi nito. "Okay lang yon. Thank you nga pala sa pagtulong kanina." "Bakit dito ka kumakain? You can have your snacks delivered." "Katatapos lang kasi ng meeting kaya ako nalang pumunta dito. Besides, gusto ko din makita ang company cafeteria." "Oh sige. Enjoy your snack. Kumuha lang ako ng kape dahil may iniutos sakin sa labas ang head." Natatawang sinabi pa nito kaya tinanguan na lang niya. After eating her snack, agad siyang bumalik ng opisina. Inayos naman niya ang ibang mga files. She arranged it based on dates. Eksaktong alas-onse ay papunta na siya ulit ng conference room kasunod ng asawa. Puno ng mga empleyado ang mas malaking conference room na ayon kay Mrs.Alcantara ay madalas ng venue sa tuwing may meeting kasama ang mga empleyado. From engineers to security guards, ang ilan na nakita na niya sa meeting kanina ay nakita din niya ngayon. "Good morning!" Ang boses ni Mrs.Alcantara ang nagpatigil sa bulong-bulungan ng karamihan. Ang iba ay tila curious sa kanya dahil katabi niya si Nicholas na walang kangiti-ngiti. "This meeting has only two agendas. First is regarding the upcoming anniversary of the company and the second one is to formally introduced the wife of our CEO." She could hear gasps from the employees. They seemed incredibly curious about the last statement. Pero inignora iyon ni Mrs. Alcantara sa halip ay binasa na sa mga empleyado ang memo tungkol sa gaganaping anniversary na mandatory ang pag-attend ng lahat. She can hear excitements around. Ang iba ay nag-uusap na tungkol sa susuoting gown dahil formal ang party. When it's time for the second agenda, nagulat siya ng makitang tumayo si Nicholas pagkuwa'y inabutan ito ng microphone ng technical staff na nandoon. "This is my wife Vivienne Elara-Monteguado..." baritonong pagpapakilala ni Nicholas sa kanya kaya ngumiti na siya sa lahat. "I do not feel the need to explain myself, but given the incident involving my wife earlier, I will not allow it to go unaddressed. I expect nothing less than the utmost respect for her at all times." She could see various reactions from the employees, mostly from the women. Some seemed to feel pity, while others smiled at her genuinely, even raising their eyebrows in curiosity. Natapos ang meeting na tensyonado siya. She was certain that the employees would treat her differently from now on, but she knew she had no right to complain.Ito naman kasi talaga ang purpose ng pagpapakasal nila ni Nicholas. Umalis si Nicholas pagkatapos ng lunch, siya naman ay tinuloy ang ginagawang pag-a-arrange ng files. "Let me in!" Gulantang siya ng marinig ang malakas na boses kasunod ang pagpasok ng babaeng maganda sa loob ng opisina ni Nicholas. Kasunod nito ang mga security guard na pinipigilan ito. Galit na galit ang mga mata ng babae habang pinapasadahan siya nito mula ulo hanggang paa. Hawak na ito ngayon ng dalawang security guard sa braso pero minwestrahan niya ang dalawa na bitiwan ang babae. Mukha namang hindi ito armado. She's beautiful, probably around the same age as her. Sino naman kaya ang babaeng ito? "Oh my God! I can't believe Nicholas married a commoner like you!" halos sumabog sa galit ang babae matapos isigaw iyon sa kanya. Kalma Vivienne! "Come again?" She then flashed her sarcastic smile after saying those words. "You know my husband?" pagpapatuloy niya. "Of course! I've known Nicholas for years, and I can't accept the fact that he would marry someone like you. Who are you by the way? A b***h he met at club? or perhaps a willing p***y at bed?" Tila nagpanting ang tenga niya sa pang-iinsultong ibinato ng babae. "Oh, I see..." she said with a grin, laughing briefly as she glanced at the woman, who only stared back at her as if she were a lunatic. "Maybe you saw your own reflection in the office glass, that's why you felt the need to describe it. Don't worry, next time, I'll make sure to have my husband put up some curtains, so you won't have to be so distracted." Kitang-kita niya ang panlalaki ng mata ng babae.Mas namula ito sa galit sa sinabi niya. "Nicholas is mine! Kasal nga kayo pero sisiguraduhin kong sa papel lang yon! Just like the old times, he will end up in my bed, pleasured." "Oh? So you're the one he's telling me---" Agad na nagliwanag ang mukha ng babae ng marinig ang sinabi niya kaya mas ngumisi siya dito. "Na babaeng desperada na sinasabing anak niya ang dinadala nito?" Dugtong niya. "Nicholas would never say that! I know him too well!" Oo. Hindi iyon direktang sinabi ni Nicholas, she's wondering now what exactly is his relationship with this woman. f**k buddy? or girlfriend? But she's married, kabit ba si Nicholas? "You're married right?" Tila nagulat pa ang babae na alam niya ang bagay na iyon. "No! I am already divorced!" Proud pang sinabi nito. Hindi siya makapaniwalang tiningnan ang babae. H'wag nitong sabihin na hiniwalayan nito ang asawa dahil kay Nicholas. "I love Nicholas! Hindi ko hahayaan na mapunta lang siya sayo." Deklara ng babae na nakapagpatigil sa tanong sa isip niya. "Oh, honey, you're too late," she said with a hint of apology in her voice. "I'm already Mrs. Monteguado..." ipinakita pa niya ang singsing na ibinigay ng lalaki noong ikasal sila. "No! I'm sure Nicholas will do something about this! I'll make him change his mind—just wait!" "Sure." Nabo-bored ng sinabi niya ngayon dito. Wala namang saysay kung papatulan pa niya ang babae.What she said was enough; she had done her part, playing the role of a loving wife.The rest is up to Nicholas. I'm sure he'll make the right decision, especially since his personal choices could impact the company." "I'm sorry mam. Hindi na po namin siya napigilan kanina kaya nakapasok siya sa kompanya." Tinanguan lang niya ang dalawang security na nagsabi noon. Agad din ang mga itong umalis kasunod ng babae na nagmamartsang lumabas ng opisina. She needs to talk to Nicholas, ayaw na niyang maulit ang ganito. Paano nalang kung may mga susunod pang mga babae at mas desperada sa kaharap niya ngayon. Ayaw niyang makipag-away lalo na kung lalaki lang ang dahilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD