Bubulong-bulong siya habang naglalakad palabas ng elevator bitbit ang mga folder. Ang walanghiyang asawa kasi niya ay sinabing nasa first floor ang accounting office kaya nagmadali siya pumunta doon only to find out na ang first floor ay tanggapan lamang ng mga nag-aaply na empleyado. Kaya heto at pabalik siya ng sixteenth floor dahil doon daw ang opisina ng hinahanap niya. Demonyito din talaga ang asawa niya, nasa pinakamataas pa naman na palapag ang opisina nito na pinanggalingan niya. This building has forty floors kaya grabi ang hilo niya dahil bukod sa pagbalik-balik sa elevator ay napakabigat pa ng dala niya.
"Goodmorning, Ma'am. For signature po kay Mrs.Aglipayan..." Nakangiting bungad niya sa babae sa lobby ng palapag.
"This way, ma'am."
Agad siyang sumunod sa tinutukoy ng babae. Bumungad sa kanya ang mga cubicle na inookupa ng mga empleyado. Sa dulo nito ay isang kwarto na siyang itinuro ng babae na opisina ng hinahanap niya.
Nang umalis ito ay muli niyang inayos ang kanyang mga folders na dala. Medyo nangangawit siya dahil kanina pa niya bitbit ang mga iyon.
"Hi Miss. Bago ka dito? Tulungan na kita." Hindi na siya nakatanggi ng buhatin ng isang matangkad at gwapong lalaki ang mga dala niya.
"Thank you Sir--?"
"Oh sorry. you can call me Alkhen. I am one of the Senior Accountants." Nakangiting sinabi nito bago maglahad ng kamay.
Tinanggap naman niya iyon. "Nice to meet you, I'm Vivienne..."
Hindi manlang nahirapan ang lalaki sa mga folders. Kulang na lang ay isang kamay ang gamitin nito doon.
"You're new here?" He asked her while they started to walk towards the head's office.
"Yeah..."
"From what department are you? I always roam around here—no wonder I haven't seen you before."
"From the fortieth floor..."
Tila nagtataka naman ito na tumingin sa kanya kaya agad niyang dinugtungan ang sagot.
"I'm the new secretary of the CEO."
"Woah! Nag-resign na ba si Mrs.Clarisse?" Tukoy nito kay Mrs. Alcantara.
"No. Bali kailangan lang niya ng kasama dahil mas madami na ang workload niya ngayon." Pagdadahilan niya dito. Ang awkward naman kasi na sabihin niyang asawa siya ng CEO kaya personal secretary na siya ngayon.
"Nandito na pala tayo..." Inform nito kaya tumango siya. Matapos kumatok ng tatlong beses ay ang lalaki na din ang nagbukas.
"See you around, Vivienne." Paalam ng lalaki matapos nitong ilapag ang mga folders sa table ni Mrs. Aglipayan na may kausap sa telepono.
"Thank you..." she mouthed before he closed the door.
Mrs.Aglipayan is beautiful even in her forties. Mabait ito at sinabi pa sa kanya na naitawag na ni Mrs.Alcantara ang mga papeles na dala niya kaya pinirmahan na lang nito iyon. She even said she'd have Alkhen walk her back to the CEO's office so she wouldn't have a hard time carrying the papers.
Madami silang napagkwentuhan ni Alkhen habang pataas sila sa opisina ng asawa. Taga Bicol pala ito pero nakipagsapalaran sa Manila. Swerte daw na dating accountant ang pinsan nito sa kompanya ni Nicholas kaya nagawa itong mai-refer doon. Masaya itong kausap, walang boring moments dahil natatawa siya sa mga kwento nito.
Hanggang sa makarating sila sa opisina ng lalaki ay nagtatawanan sila kaya ganoon na lang ang gulat niya ng makitang pinapanood pala sila ng asawa habang nakaupo sa sofa ng opisina. Kitang-kita niya ang masamang tingin nito sa kanila ni Alkhen na hindi napansin ng kasama dahil busy pa din ito sa pagkwekwento.
I thought he was in a meeting... What's he doing here?
"That's why I broke up with her---" Kini-kwento ng lalaki ang first girlfriend nito na nakilala sa online. Nainlove daw ito doon dahil maganda at masayang kachat pero ng mag-meet sila ay doon nito sinabi na dati siyang lalaki. Kaya daw pala ayaw nitong kausap siya sa cellphone at palaging naka-mute sa tuwing magvi-video call sila.
Nang tumikhim ang lalaki sa harap nila ay doon lang ito napansin ni Alkhen. Kitang-kita niya ang panlalaki ng mata nito habang namumulang nakatingin sa kanya. Hindi naman niya maiwasan ang pasimpleng tawanan ang ekspresyon nito dahil para itong bata na nahuli ng nanay. Namiss tuloy niya bigla si Kaelen, sobrang kulit din kasi nito.
"I'm sorry S-Sir. I just helped Vivienne bring back all the papers from our department. Babalik na din po ako sa trabaho..."
Hindi nagsalita si Nicholas kaya nahihiyang tumalikod na si Alkhen, bakas ang matinding kaba dito. Hindi na siya nito kinausap sa sobrang pagkataranta at mabilis na lumabas ng opisina ng lalaki.
"I clearly told you to make sure Mrs. Aglipayan signed all of these."
"O-Oo tapos na. May pirma-"
"I asked only you!"
Galit ba ito dahil inabala niya ang empleyado nito? Kunsabagay mahalaga ang trabaho ng bawat empleyado dito, kahit siguro sinong boss magagalit.
"I'm sorry." Mali naman talaga siya. Hindi niya naisip na may trabaho nga palang naiwan si Alkhen.
"If you're going to flirt, do it when I'm not around," he said through clenched teeth.
"Hindi naman!" Mabilis niyang tutol sa sinabi nito.
Flirt agad? Kung hindi mo ako niligaw ng floor edi sana hindi ako nagpatulong sa iba!
"Tinulungan lang ako ni Alkhen dahil sinabi ni Mrs.Aglipayan."
"Tss... I have a meeting in five minutes. You'll take notes for me." Masungit na sinabi nito kaya bigla siyang na-excite.
"Okay. Kakausapin ko lang si Mrs.Alcantara." Kailangan niya ng tips kung paano ang ginagawa nito. Marunong siya, pero syempre mas mabuting tanungin niya ang secretary para perpekto ang kanyang gagawin.
"What for?" Tila mas naiinis na tanong nito ng akmang lalabas na siya.
"F-For...some tips?"
"I thought you knew how! You even bragged about how good you are at handling documents. Are you lying?" he accused.
"O-of course not! Fine, I'll just retouch myself outside." Dahilan niya muli.
He flashed a taunting smile at her, clearly testing her patience. The man should be thankful she had no intention of falling for his accusations.
Eksaktong limang-minuto matapos niyang lumabas ng opisina ng lalaki ay lumabas ito doon. Agad siyang sumunod dito bitbit ang isang ipad at maliit na notebook.
Pumasok sila sa conference room kung saan agad nagtayuan ang mga lalaking nandoon ng makita ang kanyang kasama. Umupo ito sa dulong upuan samantalang siya ay sa kanang upuan malapit dito.
"Sir, our Northern Luzon project is nearly complete. All the paperwork's been finalized, and we're just waiting on the final turnover. Once that's done, every phase will have been executed perfectly—designs, structural integrity, even the materials compliance—all aligned. It's a success, no doubt," Engr. Logatoc said as he flashed the entire structure on his PowerPoint presentation.Humanga siya sa ipinakita nitong structure, napakaraming palapag nito at mukhang maganda ang mga materyales na ginamit. No wonder, Monteguado Empire ang nangunguna sa buong bansa pagdating sa mga construction projects.
Tumango naman si Nicholas doon habang siya ay tuloy-tuloy ang pagte-take ng notes. Madami pa ang nag-present ng mga ongoing projects na halos mapanganga siya. Napatitig tuloy siya kay Nicholas na busy sa ginagawa. Nang mahuli siya nitong nakatingin ay nakita niya ang pagtaas ng kilay nito na tila inaakusahan na naman siya ng kung ano.
"Before we end, I would like to introduce my personal secretary—and also my wife—Vivienne Monteguado. I expect all of you to respect her as my equal."
Nakita niya ang tingin ng mga nandoon sa kanya. Engineers, architects, and also the board members are all looking at her like she's some kind of experimentation.
"I hope this clears up all your questions regarding the incident that happened recently in this company. I don't care about your doubts concerning my competency—I'm here to build a legacy, not to engage in personal matters with any of you."
Pagkatapos ng sinabi ng lalaki ay puro congratulations ang narinig niya sa mga nandoon. Ang iba ay pinupuri pa si Nicholas dahil magaling daw itong pumili ng asawa- maganda at matalino. Nahihiya tuloy siya pero dahil sinabi ni Nicholas na hindi niya kailangang sagutin ang mga ito ay ngiti na lang ang ginagawa niya lalo na ng ang itanong ng mga ito ay tungkol sa pamilya niya. Of course they are curious, isang bilyonaryo ang napangasawa niya kaya inaasahan ng mga ito na sa buena familia din siya nanggaling