Isang araw silang nagtagal sa hospital dahil hindi pumayag si Nicholas hanggat hindi sinasabi ng doctor na okay na siya. Gusto na niya itong pagalitan dahil medyo OA na ito, noon ngang na-allergy sya sa kanilang bahay dahil hindi niya alam na may nuts ang chocolate cake na inuwi ng Tito Ron niya eh uminom lang siya ng cetirizine.
"Are you really fine now? Hindi ka na ba nahihirapang huminga or may makati pa ba sayo?"
Napairap na lang siya sa tanong ng lalaki. Naka-tatlong beses na yata itong nagtanong sa kanya mula ng makauwi sila kanina.
"I'm fine, Nicholas. Besides, normal lang ang nangyari kagabi."
Nakita niya ang pagdaan ng galit sa mata ng lalaki ng sabihin niya iyon.
"Normal? You nearly died, and now you're telling me this is all normal? Damn!"
"Hindi naman sa ganoon. Ang sa akin lang eh wag mo na akong pagtuunan ng pansin. Hindi ba at may trabaho pa tayo bukas?"
Alas-otso na at nasa sala sila, nagkakape ito habang siya ay hindi alam kung paano magpapaalam papunta sa kwarto. Actually, katatapos lang ng kanilang dinner. Ang Lolo ng lalaki ay umuwi sa bahay nito kaya nakahinga siya ng maluwag dahil sa kwarto niya siya matutulog.
"No! You're staying here... until you've fully recovered." Pinal na sinabi nito na agad niyang ikinainis.
"Pero nangako ka..." Umiiling na sinabi niya dito, ipinapakitang tutol siya sa sinabi ng asawa.
"You told me I'd be your secretary after our wedding." Dagdag pa niya.
He snapped easily "I said until you recovered!," giit pa nito.
At anong gagawin niya maghapon bukas?
She'll be bored here!
"Fine. You're coming with me tomorrow..." bakas ang pagsuko sa lalaki kaya napangiti siya. This time totoo siyang masaya.
Nakita niya ang pagtitig na ginawa ni Nicholas pagkuwa'y umiwas ito ng tingin.
"Sige. Matutulog na ako kung ganoon. Since wala naman ang Lolo mo, sa kwarto ako matutulog."
Hindi na niya inantay na magsalita ang lalaki dahil dali-dali na din siyang tumakbo sa hagdan para pumanhik sa kanyang kwarto.
Kinabukasan ay maaga siyang nag-asikaso. Eksaktong alas-siyete ay pababa na siya ng dining para kumain. She was told Nicholas had already left, but she just shrugged it off. Dapat lang iyon lalo pa at hindi ito pumasok kahapon. Sigurado siyang madami itong gagawin ngayon.
"Thank you Manong. Magte-text na lang po ako kapag susunduin ninyo na ako." Nakangiti niyang sinabi kay Manong Rene matapos siyang pagbuksan nito. Nagpakilala ito bilang driver niya na siyang tinutukoy ni Nicholas.
Wearing a silky ivory blouse tucked into a navy pencil skirt that hugged her hips, and black stilettos to match, she walked confidently into the company. Nakita niya ang tingin sa kanya ng ibang papasok na empleyado pero hinayaan na lang niya iyon.
Akmang tutuloy na siya sa elevator ng lapitan siya ng isang gwardya.
"Ma'am, may I see your ID?"
Wala nga pala siyang ID! Patay!
"Sir kasi kilala ako ng CEO. Pwede mo siyang tanungin..." Nahihiyang sinabi niya dito. Pinagtitinginan na siya ng mga empleyado. Ang iba ay nagbubulungan pa.
Bahagyang tumawa ang gwardya sa sinabi niya pagkatapos ay tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.
"Miss. Maganda ka pero mahigpit ang patakaran ng kumpanya. Ngayon, kung wala kang ID at maipapakitang appointment. I guess, magsimula ka ng maglakad palabas ng pinto para matapos na ito. H'wag nating sayangin ang oras ng bawat isa." Striktong sinabi ng guard.
Namula siya sa sinabi nito. Hinalungkat niya ang bag para hanapin ang cellphone. Nandoon ang contact ni Mrs. Alcantara pero sa kamalasan ay hindi niya iyon mahanap. Naiwan pa yata niya sa kwarto.
So much for my first day!
"Pero Sir, kilala po talaga ako ng CEO. Kahit po kayo pa ang tumawag sa kanya para sabihin na nandito ako." Natataranta ng sinabi niya dito dahil hahawakan na siya ng gwardya, desididong paalisin siya doon.
"Miss. Alam kong gumagawa ka lang ng paraan para magpapansin kay Sir. Hindi lang ikaw ang pumunta dito at ginawa yan. Last time, may isa pang nag-claim na anak ni Sir ang dinadala niya."
Wala na siyang maisagot sa gwardya. Hindi din naman niya ito masisisi dahil ginagawa lang nito ang trabaho nito. Kasalanan din naman niya dahil nakalimutan niyang sabihin iyon kay Nicholas.
She decided to leave dahil sa crowd na nilikha niya. Sigurado siyang hindi magugustuhan ni Nicholas ang komusyon ngayon.
"What are you doing?! Let her go!"
Nanlaki ang mata niya ng makita ang pagpasok doon ni Lolo Nikolai. Speaking of timing. Hindi naman pala siya ganoon kamalas.
"Sir, kasi wala po siyang ID at appointment pero nagpipilit na kausapin ang CEO." Sumbong dito ng natatarantang gwardya, hindi pa din siya binibitiwan.
"She's the CEO's wife. She doesn't need an appointment to see her husband."
Narinig niya ang pagsinghap ng mga nakarinig. May iba pa doon na nagbubulungan samantalang ang iba ay tila biglang na-curious sa kanya.
Agad siyang binitawan ng gwardya at sunod-sunod na nag-sorry.
"Sorry po mam. Hindi ko po alam. Pasensya na po talaga kayo..." Bakas ang takot sa gwardya habang sinasabi iyon. Nakatungo pa ito at hindi na siya matingnan sa mga mata.
"Let's go, Hija. I promise this won't happen again."
"It's fine, Kuya. Hindi din naman po ninyo alam." Nakangiting sinabi niya sa gwardya bago siya sumunod sa matanda.
Pagkarating nila ng opisina ni Nicholas ay nagbabasa ito ng kung ano sa laptop nito. Bahagya lang sila nitong tiningnan pagkuwa'y bumalik na sa ginagawa.
Suplado...
"What are you doing here, Lo? Why are you with my wife?"
"I just passed by to check on you. Akala ko ay hindi ka papasok at kakasal ninyo lang. Wala ba kayong plano na mag-honeymoon?" Curious na tanong ng matanda na ikinapula niya ng pisngi. Gusto niyang sabihin na hindi naman mahalaga yon pero baka naman magtaka pa ito.
"By the way, Hijo. We need to formally introduce your wife to our employees. Kanina ay muntikan na siyang kaladkarin ng gwardya palabas." Sunod naman na sinabi nito.
Nakita niya ang biglang pagbaling ng lalaki sa sinabi ng matanda. Ngayon ay biglang nasa kanila na ang atensyon nito.
"We're planning to go to Palawan, Lo. Aalis kami bukas kaya inaasikaso ko na ang mga dapat kong ayusin dito. And what do you mean muntikan na siyang kaladkarin? I've already informed the front desk officer that my wife will be arriving today." Madiin na sinabi nito na tila iritado.
Alam ng frontfesk officer? Kaya ba ganoon na lang ito makatingin kanina?
Sasagot pa sana siya ng marinig niyang may tinawagan ang lalaki sa cellphone nito.
"Notify the front desk officer immediately that today is her last day. Ensure all her compensation and bonuses are processed without delay. I will not tolerate incompetence in my company. Then, gather everyone in the conference room before lunch break. I have important matters to address."
"Baka naman nakalimutan lang ng front desk officer ang bilin mo Nicholas." Hindi na nakatiis na sinabi niya dito kahit nakikita niya ang matigas na ekspresyon ng asawa. Ayaw naman niya na may matatanggal dahil sa kanya.
"It's her job, not about whether or not you're recognized. How can I trust her with bigger responsibilities if she can't even handle the small ones?" Striktong sinabi nito kaya hindi na siya sumagot. Mabuti na lang at hindi naman nito tinanggal ang gwardya, siguro ay naisip ng lalaki na kasalanan ng front desk officer iyon.
"Anyways, I leave you two here. It's almost my appointment. Ikaw naman Hija, h'wag ka masyadong magpagod. Dapat nga ay hindi ka na muna pumunta dito. Okay ka na ba ngayon?" Baling nito sa kanya.
"Opo Lo." Maliit ang ngiti na sinabi niya dito. Tumango naman ang matanda na tila kumbinsido.
"Ikaw naman Nicholas, siguraduhin mo na hindi na mauulit ang nangyari kanina. Vivienne is part of the family now. Ayoko na tatratuhin siya ng ganoon ng mga empleyado." Striktong sinabi nito.
"I'll make sure that it will not happen again, Lo. Don't worry, I can take care of my wife."
"Good...and make sure to give me grandchild. Dapat ay may mabuo kayo sa Palawan." Masayang sinabi ng matanda na akala mo ay nanghihingi lang ng candy.
Hindi niya ipinahalata ang gulat lalo pa ng balingan siya ng nito sa halip ay mas matamis na ngiti ang ibinigay niya dito.
"Of course, Lo." Nicholas answered for her.
Nang tuluyan ng umalis ang matanda ay nagkatinginan sila ni Nicholas.
"Don't worry about what my grandfather said.Tinitingnan lang nun kung anong magiging reaksyon natin. Sakyan mo nalang." Patiuna nito.
Agad siyang tumango pero nagi-guilty siya. Mabait kasi ang matanda sa kanya kaya ngayon ay hindi na siya kumbinsido sa paraan ng pagpapakilala ni Nicholas nito sa kanya.
"Mukha namang hindi nakakahalata ang Lolo mo.." Pilit pinapasigla ang boses na sinabi niya dito.
"Don't be fooled by his facade, Vivienne. He can't possibly build an empire if he's so easily deceived." Makahulugang sinabi nito.
Natigilan siya sa sinabi nito. Oo nga no, hindi kaya inoobserbahan lang sila ng matanda? Kung ganoon dapat mas convincing ang maging acting nila.
"Kailan mo ba makukuha ang mana mo?"
"In three months, when I turn 27."
So he's twenty-six now?
"Three months nalang naman pala, eh bakit six months ang kontrata natin?" Medyo naguguluhang tanong niya dito.
"Stop asking, Vivienne. Since you're so determined to work here, I might as well put you to use..."
Hindi niya gusto ang narinig sa lalaki lalo pa ng pasadahan siya ng tingin nito tila may gustong ipahiwatig.
Agad niyang pinagkrus ang braso sa dibdib at handa ng sikmatan ang lalaki ng marinig niya ang malakas na pagtawa nito na tila nang-uuyam.
"You're really something else, woman. Stop thinking I'm fantasizing about you. What I meant was this." He gestured to the papers on the side of his desk.
"Take this to the accounting office and ensure that Mrs. Aglipayan signs everything."
"Okay," pagsuko niya dito.
Ilang beses pa ba siyang mapapahiya sa araw na ito?