Chapter 6- Allergy

1390 Words
Nakabusangot siya pababa ng hagdan dahil sa inis sa lalaki. Hindi kasi siya tinantanan nito kahit natapos na siyang magbihis sa cr. Ang mas nakakairita ay makita niya ang kaoorder lang nitong bra na ipinapasok sa loob ng bahay pagkababa nila sa sala. "Mary, put all of her small BRA inside our room..." nakangising utos ng lalaki sa katulong habang nakatingin ito sa kanya. "Mary, pakiayos ng lagay sa tamang side ng closet... baka kasi pag-interesan ng ibang suotin! Medyo may naaamoy pa naman ako..." Pasaring din niya dito. Oo at binayaran siya ng lalaki pero wala naman siyang pinirmahan na bawal niyang sagutan ito ng pabalang. Kung tutuusin dapat niyang magalit dahil nilabag nito ang pinakauna nitong isinulat sa non-disclosure. Syempre, private ang bra diba? Tss... "What do you mean?!" Tila naiiskandalo na agad na sinabi nito. Bahagyang nawala ng ngisi na kanina pang ipinapakita sa kanya. "Nothing! Syempre magkatabi ang mga damit natin. Malay ko ba kung pag-interesan mo yung BRA ko diba?" "Don't even think of it!" Pinasadahan pa siya ng lalaki ng tingin na animo'y himala ang sinabi niya pero ngumisi lang siya dito. "If you think I'm planning to use your bra to let off some steam, I'd rather stay celibate," he said with a smug grin. "As if naman may kriminal na umaamin sa ginawa nila! Tanga lang ang aamin agad!" balik niya rito, hindi siya magpapatalo. Kasal na sila! Safe na ang 50 million, six months nalang bago niya makuha ang full. "So you really think I fantasized about that body of yours? Think again." Sasagot pa sana siya ulit ng makita niya ang paglapit ng lolo ng lalaki sa kanila. Tingin niya ay galing ito sa labas. "What's going on with you two? Having a lover's quarrel or something?" Walang umimik sa kanila. Ang matanda naman ay napailing na lang pagkuwa'y tinapik ang balikat ni Nicholas na ngayon ay masama pa din ang tingin sa kanya. "Pasensya ka na sa apo ko Hija. Sana ay hindi ka magsisi na nagpakasal ka sa kanya..." Gusto niyang matawa sa sinabi ng matanda lalo na ng makita ang expression ni Nicholas pagkadinig noon. "Oo naman, Lo. H'wag po kayong mag-alala. Kahit madalas na mukhang may dalaw ag ASAWA ko eh alam ko naman po na mahal na mahal ako nyan..." Pagkatapos sabihin iyon ay pinakita niya ang pinaka-sincere niyang smile. Nakatingin lang ang lalaki kaya pinandilatan niya ito ng mata ng tumingin ang Lolo nito dito saglit. "Don't worry about us, Lo. We're fine." "Sige. Pumunta na tayong dining at ng makakain na tayo." Natatakam siya ng makita ang lahat ng nakahain doon. Mas madami ang pagkain ngayon siguro ay dahil kinasal sila at dumating ang lolo nito. "You want this, Hija?" Tanong ng matanda ng makita siyang nakatingin sa putaheng may salmon. She's not familiar about the food pero mukhang masarap. Tipid siyang tumango dito. "Ako na,Lo..." Narinig niyang sinabi ni Nicholas pagkatapos ay agad siyang nilagyan ng pagkain sa plato. "Thank you." "I'm happy to see the both of you this in love. Naniniwala na ako sa'yo, Hijo, na hindi mo nga girlfriend ang babaeng iyon." Tila may naalalang nakakainis ang matanda nang sabihin iyon. Sino naman kayang babae? Well wala naman siyang pakialam doon, mas mabuting pagtuunan niya ang pagkain dahil masarap nga ang ibinigay ni Nicholas sa kanya. "I told you, Lo. She's nobody. I don't even know why she's making those claims, saying I'm the father of her child!" Halos masamid siya ng marinig ang sinabi ng lalaki. Agad siyang inabutan ni Mary ng tubig. "Kaya nga kailangan nating i-publicize ang pagpapakasal ninyo. Kumalat kasi ang video ng babaeng 'yon na nagsasabing may anak kayo. Pati ang mga board members, nagtatanong na kung totoo ang lahat ng 'yon." "Let them wonder. Besides, it has nothing to do with my work as CEO." "But we have to clear your name. I won't allow blind items like that to spread about you. 'A CEO who got the Senator's wife pregnant.' It will tarnish your reputation, especially since some are saying it's you. You were one of the most sought-after bachelors, well... before you two got married. The media's always been looking for something to use against you." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ng matanda. So this is the reason why he got married, may nabuntis itong asawa ng senador? Kung totoo man iyon o hindi, makakaapekto nga ang eskandalo sa kumpanya nila. "I told you, Lo, stop stressing over the media. It's what they do. No matter how we handle things, they'll always find something to talk about." Natutuwa siyang makinig sa pagtatalo ng dalawa pero biglang nakaramdam siya ng init sa kanyang lalamuna. Ang braso niya ay namumula na din. Nahihirapan na din siyang huminga kaya napatingin siya sa katabi. "What happened?" Mabilis nitong tanong sa kanya. Itinuro niya ang braso na ngayon ay mayroon ng mga pantal. "Allergic reaction. What did you eat?" He asked worriedly. Ang matanda naman ay nakatayo na ngayon at mabilis lumapit sa banda nila. "Almond-crusted salmon..." Nicholas almost whispered, his voice laced with disbelief. He stared at her for a moment, as if trying to piece together the situation in his mind. "Almond..." Nanghihina ng sinabi niya dito. How can she be stupid! Bakit hindi niya naisipang itanong ang ingredients ng pagkain. She's allergic to any kind of nuts. "f**k!" Mabilis na sinalo siya ng lalaki ng tuluyan ng mandilim ang paningin niya. The soft beep of the heart monitor is the only sound as she slowly regains consciousness. Her eyelids flutter open, and she blinks, trying to adjust to the bright white lights overhead. She feels a tightness in her chest and a lingering heaviness in her head. Nicholas is seated beside her, his hand resting on hers, looking exhausted and deeply worried. "W-what happened...?" Nanghihinang tanong niya kay Nicholas na nakahawak sa kamay niya. The circles on his eyes tells her that he didn't even sleep. "Thank God, you're awake," Nicholas said, his voice thick with relief. His hand gently squeezed hers as he looked at her, a mixture of concern and guilt in his eyes. "You had an allergic reaction... to the food." "How... how bad was it?" "It was so bad that your husband almost punched the doctor because you were still not awake, Hija." Nanlaki ang mata niya ng sabihin iyon ng Abuelo ng lalaki na kapapasok lang sa silid. Nakapagpalit na ito ng damit hindi katulad ni Nicholas na suot pa din ang damit kahapon. "I was worried." Nicholas gently caressed her faced. Hinayaan naman niya iyon dahil siguradong umaarte ito dahil nandoon ang matanda. "Bakit nga pala hindi mo alam na allergic siya sa nuts, Nicholas?" Baling naman ng matanda sa asawa na ngayon ay nakatingin lang sa kanya. "It's my fault, Lo." Nakuha pa niyang ngumiti kahit nanghihina pa siya. "I didn't told him even before." Tumango naman ang matanda na tila satisfied sa sagot niya. "You two can rest first. Ikaw Hijo, magpahinga ka muna at gising na naman ang asawa mo." "I'm fine Lo..." Sagot nito ng hindi lumilingon sa matanda. Medyo naba-bother tuloy siya sa paraan ng pagtitig nito. Galit ba ito dahil hindi niya sinabi? Nagduda ba ang matanda na wala talaga silang relasyon? "Sige, tutuloy na muna ako. May kailangan lang akong ayusin." Nginitian na lang niya ang matanda. Tumango naman ito sa kanya bago lumabas ng silid kasunod ang driver nito. "I'm sorry." Mahina niyang sinabi sa lalaki ng makitang sila nalang dalawa doon. "Nagduda ba ang Lolo mo dahil dito?" Nakita niya ang pagdaan ng emosyon sa mata ng lalaki. "Really? You'll asked me that after you almost died?!" "I thought--!" She felt a sharp pang of guilt as she bit her lip, her thoughts racing. Bakit? Mali ba? Nicholas voice broke through her inner turmoil. "You thought I was mad because that old man might have doubted us because of what happened?" he asked, his tone filled with disbelief, his brows furrowing as he searched her face for an explanation. She glanced at him, surprised by his words. "From now on, you'll tell me about all your allergies." The words caught her off guard. Hindi niya inaasahan iyon. But then, he leaned in closer, his eyes intense, and said, "Or better yet, tell me everything about your life..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD