Chapter 5- Grandpa

1192 Words
The man's simple question was enough to intimidate her. Pakiramdam niya ay nasa ilalim siya ng microscope at sinusuri nito sa paraan palang ng pagtingin. Napakagat-labi siya. "Yes, sir..." pormal na itinugon niya sa matanda. Dahan-dahan itong tumayo ng sofa pagkuwa'y lumapit sa kanya. Halos mangatog ang tuhod niya sa sobrang tensyon. "That makes you my granddaughter then!" Nagulat siya sa biglang pagbabago ng boses ng matanda. Malaki ang ngiti nito sa kanya. "Welcome to the family, hija! I'm Nicholas's grandfather—my name is Nikolai Monteguado." Niyakap siya ng matanda. Nahihiya siyang ngumiti din pabalik. Pakiramdam niya'y nawala ang mabigat na pakiramdam. "Nasaan pala ang asawa mo? Bakit mag-isa kang umuwi?" "A-Ah may inasikaso lang pong importante, sir." "You can call me Lolo Hija. Asawa ka na ng apo ko kaya pamilya na tayo ngayon." "How about your parents?" Natigilan siya sa sinabi nito. Hindi niya alam ang isasagot doon. "Hijo!" Agad siyang nabunutan ng tinik ng muling magsalita ang matanda. Akmang lilingon sana siya ng biglang may brasong pumulupot sa kanyang baywang. Pagkatapos ay kinabig siya para humalik sa kanyang noo. It was Nicholas in his white dresshirt. Agad niyang naamoy ang mamahalin nitong pabango. Uminit ang pisngi niya ng makita ang pagtitig ng matanda sa kanilang dalawa. Nangingiti pa ito na tila natutuwa sa palabas na pinapanood. "Mabuti naman at nakauwi ka na Hijo. Akala ko ay magtatrabaho ka pati sa gabi ng kasal mo." "May inasikaso lang kami ni Lorenzo, Lo. Besides, I wouldn't miss our first night as a married couple." Sinulyapan pa siya ng lalaki ng nakangiti pagkatapos sabihin iyon. Uminit ang pisngi niya kaya bahagya siyang tumungo. No wonder madaming nagkakandarapa sa lalaki. Sobrang gwapo pala nito kapag nakangiti... What are you thinking Vivienne! "Bueno, kumain na tayo mga apo. Napagod ako sa biglaang pagbyahe papunta dito.Kung bakit ba naman kasi naisipan ninyong magpakasal ng biglaan. Nagulat na lang ako ng tumawag itong si Nicholas na ikakasal na kayo ngayon." "I told you, Lo. Matagal kaming nagkahiwalay kaya ngayong bumalik na siya, itinali ko na agad." Natitigilan siya sa ugali ni Nicholas ngayon. Malayong-malayo kasi iyon kapag silang dalawa lamang o nung nasa opisina ito. He looks more relaxed and happy now. "Edi sana manlang pinatagal ninyo kahit isang linggo. We can prepare a grand wedding in that short time, Hijo. Anong silbi ng connections natin kung hindi natin gagamitin. At isa pa, baka maturn-off itong asawa mo dahil hindi sa simbahan ang kasal ninyo." "This is how she wants it, Lo." Agap ng kanyang asawa. Tumingin ang matanda sa kanya at tila humihingi ng kumpirmasyon. "O-opo, Lo." Nakita niya ang gulat sa kanyang katabi ng marinig ang sinabi niya. "Sige. Basta ngayong taon ay aayusin natin ang kasal ninyo sa simbahan.Hindi naman ako papayag na magalit ang magulang ng asawa mo dahil maging sila ay wala ng ikasal kayong dalawa. Kailangan din iyon para malaman ng lahat ng boards na may asawa ka na. One of these days, I'll throw a party just to announce that you two tied the knot." Halos manigas siya sa narinig sa matanda. Hinawakan naman ni Nicholas ang kamay niya at bahagyang pinisil iyon. "Ok, Lo. Magbibihis lang po kami saglit ng asawa ko. Bababa din po kami agad." "Pasensya ka na, Hija. Medyo na-excite lang ako na makilala ka. Bueno, magbihis na muna kayong dalawa at kakain na tayo." "Petrina!" "Dalhan mo muna ako ng tsaa sa living room." Narinig niyang sinabi ng matanda sa katulong na nandoon bago siya hilahin ni Nicholas para pumunta ng kwarto. Agad din naman siyang binitiwan ng lalaki pagka-akyat nila ng second floor. Akmang magtutungo na siya sa kanyang kwarto na nasa kaliwang pasilyo ng muli siyang hawakan nito. "Your clothes are in my room. Dinala na nila Mary kanina." "Mabuti at naayos agad nila." Hindi niya agad naisip ang bagay na iyon. Magkahiwalay nga pala sila ng kwarto ng lalaki. "I already informed them yesterday." Tipid na sinabi nito bago maglakad at buksan ang sariling kwarto. Agad siyang sumunod dito. His room screamed masculinity.The interior was a mix of black and gray—just like most of the things in the room. It was spacious, with its own sofa and coffee table. On the other side stood a king-sized bed. There was also another room, which she assumed was the bathroom. "You can change in the walk-in closet. I'll use the bathroom." "Okay, sir." Agad niyang tugon dito. "You can call me Nick or Nicholas from now on." "Okay, Nicholas." "Better." Narinig niyang sinabi ng lalaki bago siya talikuran nito at mauna ng magtungo sa walk-in closet siguro ay kukuha ng pamalit. Nang makita niyang pumasok na ang lalaki sa cr ay pumasok na din siya sa walk-in closet at sinarhan iyon. Agad niyang nakita ang kanyang mga damit na maayos na nakatupi sa tabi ng mga damit ni Nicholas. Kumuha siya ng simpleng dress na puti at cycling. Akmang maghuhubad na sana siya ng dress ng maalala niyang tinulungan nga pala siyang mag-zipper ng make-up artist niya kanina. Hindi niya maabot ang dulo ng zipper para maibaba. Seven minutes had passed, and she was still struggling with her dress. Narinig na niya ang pagtawag ni Nicholas sa labas ng walk-in closet. "You done?!" "A-Ah eh...mauna ka na. Susunod na lang ako." Naiinis na siya sa kanyang dress. Kahit anong gawin kasi niya ay hindi niya mabuksan iyon sa likod. "What's taking you so long? I've been waiting for almost five minutes now. If you don't come out in the next minute, I'm coming in!" Tunog pagbabanta na sinabi ng lalaki kaya napairap siya ng pasimple. Nicholas "Impatient" Monteguado... True to his words, pumasok nga ito habang itina-try pa din niyang buksan ang damit. Nagkatinginan sila sa malaking salamin sa harap. Bakas ang frustration sa kanya samantalang sa lalaki ay pagkainip. "Susunod na nga lang ako!" Naiinis ng sinabi niya dito. Hindi sumagot ang lalaki sa kanya. Lumapit lang ito sa kanyang likod. Dahan-dahan nitong ibinaba ang zipper ng kanyang dress, hindi pinuputol ang eye contact sa kanya sa salamin. "What the--?!" "No bra? Really?" Namula siya sa tanong nito. Is this the first time he's seen someone without a bra? May foam naman ang dress na suot niya pero may n****e tape din siya para sure. Sasagot pa sana siya ng marinig niyang may tinawagan ito sa cellphone. Akmang kukunin na niya ang damit para sa cr na magbihis ng agad mag-init ang mukha niya sa sinabi nito. "Buy one hundred pieces of bras, make sure to deliver them within this day." Aba't! "Size?" Tumingin saglit sa dibdib niya ang lalaki kaya agad niyang pinag-krus ang braso niya doon. "32A, the smallest bra size." Simpleng sinabi nito na halos ikausok ng ilong niya. "FYI, I'm a 34B."Naiinis na sinabi niya dito pero ngumisi lang ang lalaki. "Do you prefer lacy bras, or something simpler?" Dugtong pa ng lalaki na tila nasisiyahan sa reaksyon niya. "I prefer neither. Excuse me!" Hindi na nakatiis na nagmartsa siya palabas at agad na pumasok sa cr. Dinig pa niya ang malakas na paghalakhak ng lalaki sa ginawang pang-iinis sa kanya. May araw ka din!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD