Pagbalik niya ng kwarto ay agad niyang tiningnan ang kanyang bank account. She had already requested the transfer of two hundred thousand to her mother's account. Her mind raced, weighing the decision. Sure, it's a lot, her mind focused on the money. But everything comes to an end if it's not handled properly.
Wala pang limang minuto ay tumawag na ang ina sa kanya. Natuwa siya doon.
"Ma!"
"Mabuti naman at nagpadala ka na. Make sure na wag ka ng umalis diyan sa trabaho mo. Maganda na ang sahod mo."
Bahagya siyang nalungkot.Akala kasi niya ay kukumustahin manlang siya nito.
"Opo. Hayaan ninyo po at simula ngayon ako na ang bahala sa mga gamot ni Kaelen. Isend ninyo na lang po sa akin yung mga kailangan pa niya."
"Ikaw ang nagsabi niyan. Ayaw kong sa susunod manunumbat ka Vivienne!" May tunog pagbabanta pa sa boses nito.
"Hindi po, Ma. Pagbubutihin ko po dito para mas madami po akong maipadala sa inyo."
If money would make her mom happy, then she would provide it. After all, what's the point of being her daughter if not for this?
"Kailan ka uuwi?"
Natuwa siya sa tanong nito.
"Hinahanap ka ni Kaelen. Sinanay mo kasi na kasama ka pagkatapos umalis ka ngayon!" Medyo masungit pa na sinabi nito pero kilala niya ang ina. Kahit ganoon ang ugali nito ay mahal pa din siya nito. Never naman siyang pinagbuhatan ng kamay, madalas ay puro salita lamang.
"Baka po sa birthday ni Kaelen,Ma. Sabihin ninyo nalang po sa kanya or nandiyan po ba siya?" It's three weeks from now. Balak niyang bilhan ang kapatid ng mga laruan na madalas nitong ituro sa kanya sa tv. Sigurado siyang matutuwa ito doon.
"Tulog na. Sige na matutulog na din ako."
"Okay, Ma. I miss you po."
Hindi na sumagot ang ina sa halip ay pinatay na nito ang tawag. She was happy with their small talk—more than happy, actually. It felt like their relationship was moving forward, even if just a little bit.
Pagkagising niya kinabukasan ay agad siyang naligo. May sarili siyang walk-in closet sa kanyang kwarto kung saan siya nagbihis. Ang kanyang mga damit na dala at ang pinamili nila kahapon ay maayos na nakatupi, ang mga kasambahay na ang nag-ayos noon.
Nang makababa siya sa living room ay mga katulong lang ang kanyang dinatnan. Agad siyang binati ng mga ito na agad din naman niyang sinuklian.
"Ma'am, nasa dining na po si sir." Inform sa kanya ni Daisy ng nakangiti. Kilala na niya ang mga ito dahil ipinakilala sa kanya ni Mary habang nagto-tour siya sa buong bahay.
Truth be told, she found herself walking toward the dining area, where she did, indeed, find him—sitting at the table, sipping his coffee. He didn't look up as she entered, his focus entirely on the cup in his hand.
"Good morning, sir," she said, her voice polite but guarded, unsure of what to expect next.
He glanced at her for a brief moment, his expression unreadable. "Morning," he muttered, his eyes returning to the coffee as if it were more interesting than her presence.
Bahagya pa siyang nahiya dahil napasarap yata ang tulog niya. Nauna pa kasing magising ang lalaki sa kanya.
"Eat your breakfast. The photographer will be here later for some pictures."
Tumango siya dito. Agad namang inihain ng mga kasambahay ang pagkain niya. Nahihiya pa siya sa mga ito dahil first time niyang pinagsisilbihan.
After breakfast, dumating nga ang photographer. He told them that they will keep the photo simple yet natural. Tumatango nalang siya dito dahil for formality lang naman ang picture. Baka daw kasi hanapan sila ng abuelo ng lalaki ng pruweba pagkatapos ay wala silang maipakita.
The photographer instructed them to pose like a couple—natural, intimate, yet controlled. His arm rested around her waist, but it felt like a business move, not affection. She stood stiff, forcing a smile, her body language telling a different story.
For the final shot, the photographer positioned them face-to-face. "Put your hand on his chest," he instructed her, his voice sharp as he adjusted the lighting. She hesitated for a second before placing her palm lightly against his chest, the fabric of his shirt cool under her touch.
Nicholas moved behind her, his breath grazing the back of her ear as he leaned in slightly, a calculated closeness. She could feel the heat of his body, yet the distance between them felt greater than ever. She forced herself to smile, but it was a tight, strained thing, aware of every second passing in this uncomfortable stillness.
Nang matapos ay nakahinga siya ng maluwag. Tatlong oras din halos iyon dahil paulit-ulit silang pinapose ng photographer. Nakikita niya ang pagkainip sa mata ni Nicholas pero mabuti at hindi ito umangal. Kunsabagay ay kailangan niya ang mga pictures.
Muli siyang naligo ng mabilis bandang alas-dos. Nandoon na ang make-up artist niya sa kwarto ng matapos siya. Agad din naman silang nagsimula. She requested a simple make-up for her look na agad namang sinang-ayunan nito.
"You're so beautiful madame. No wonder, pakakasalan ka agad ni Mr. Monteguado." Nakangiting papuri sa kanya ng babae. Tinulungan din siya nito sa kanyang damit at sapatos.
She gazed into the mirror, her reflection is a harmonious blend of her father's Filipino-Spanish lineage. Her almond-shaped eyes, rich in warmth, were framed by soft curls that cascaded into a low, elegant bun, with a few tendrils gently caressing her face. Her nose, gracefully sculpted, complemented her high cheekbones and defined jawline, features that spoke of her mixed heritage. Full, naturally tinted lips curved into a serene smile, enhancing her radiant complexion. The simplicity of her gown, adorned with delicate lace, accentuated her poised demeanor.
"Thank you." Hindi maiwasan ang lungkot sa boses niya. If only his father is alive, hindi nito hahayaan na gawin niya ang ganito. He had always been so protective of her, while she, on the other hand, was the one being naughty—always testing his patience, always pushing his limits.
"Your princess is getting married, Papa," she whispered softly, her voice tinged with both sadness and warmth. "Even though it isn't real, I know you're up there, happy to see me in my wedding gown."
Si Mrs.Alcantara ang kasama niya papunta sa opisina ng judge na magkakasal sa kanila. Nauna na doon si Nicholas na tumawag na kay Mrs. Alcantara ng isang beses para tanungin kung malapit na sila.
Pagdating doon ay agad ng sinimulan ang seremonya. Kagaya ng sinabi ng secretary ay lima lang silang nandoon kasama ang judge. May isang lalaki na tingin niya ay ang tinutukoy ng sekretaryang kaibigan ni Nicholas. Palakaibigan itong ngumiti sa kanya. He was just as handsome as Nicholas—lean, tall, with muscles in all the right places.
Lutang siya habang nagseseremonya. Kung hindi pa tumikhim si Nicholas ay hindi niya maririnig na tinatanong na siya ng Judge kung bukal sa loob niya ang pagpapakasal dito.
"I do." Simpleng sinabi niya pagkuwa'y ngumiti ng maliit sa kaharap. Nanliliit naman ang mata nito na tila naiinis sa kawalan niya ng atensyon sa ginagawa.
"By the power vested in me, I now pronounce you husband and wife. You may kiss the bride."
Nicholas kissed her on her right cheek briefly. Pakiramdam niya ay hindi iyon halos tumama sa pisngi niya sa sobrang bilis.
Pagkatapos nilang magpirmahan ng dokumento ay agad din na umalis si Nicholas kasama ang kaibigan nito na nagpakilalang Lorenzo Villareal. Ipinagkibit-balikat naman niya iyon. Inihatid siya ng driver sa bahay ng lalaki.
Gayon na lang ang gulat niya ng madatnan ang Abuelo ni Nicholas na nandoon. Ipinakita na ito ng lalaki sa kanya sa picture kaya mabilis niya itong nakilala.
"So it's true...Nicholas married you?"
Halos manginig siya sa boses na ginamit ng matanda sa kanya.
Where the hell are you Nicholas?