Ang lalake sa hardin ng mga bulaklak

1330 Words
Elisha's Pov Huminto ang sinasakyan namin sa harap ng mismong palasyo dahil sa laki at ganda nito na gawa sa mga kumikislap na dyamante ay muli akong napamangha. May mga gwardya na naka bantay sa mismong gate nito papasok. May mga suot itong kulay puti na sumbrero maging ang mga uniporme nila,napakalinis at ayos nilang tignan sa kanilang kasuotan. Naunang bumaba sa akin ang pusang Prinsepe Leo na agad ko din namang sinundan. Derederetso ito papasok sa loob ng palasyo habang ako naman ay naiwan sa labas. Hindi ko alam kung pwede ko pa ba siyang sundan hanggang sa loob, at mukhang hindi na niya napansin na wala na ako sa kaniyang likuran, kaya naman nakatayo lamang ako sa mismong harap ng pmalaking pintuan at pinagiisipan kung susunod pa ba ako. Tatalikod na sana ako paalis ng biglang may babaeng humawak sa aking pulsuhan. Napatitig ako dito, sobrang ganda niya maputi,mahaba ang buhok na kulay puti ,singkit ang mga mata habang ang kaniyang mga mapulang labi ay nakangiti sa akin, halata ang pagiging maharlika nito dahil sa kaniyang magandang kasuotan na kulay asul na hanggang sa paanan niya. "Halika,pasok ka" alok nito sa akin habang hinila na niya ako papasok kaya wala na din akong nagawa kundi ang magpahila sakaniya. "Ako nga pala si Miseria panganay na anak ng Hari at Reyna" pagpapakilala nito sa kaniyang sarili Bigla naman akong nahiya dahil isa pala siyang prinsesa,ni hindi ko manlang nagawang bumagi ng maayos sa kaniya. "Uhm ang pangalan ko po ayyy... "Alisha" hindi na natuloy ang sasabihin ko nung biglang siya na ang nagtuloy ng sasabihin ko na ikinagulat ko. "Inaasahan ka talaga namin ngayong araw nato bilang panauhin namin Alisha kaya alam ko ang pangalan mo"ngiti nito sa akin na nagpagaan ng loob ko kaya napangiti nalang din ako sakaniya ng tipid. May mga nakakasalubomg kaming mga katulomg nila na may hawak na mga pagkain kaya naman napapabaling ang tingin ko sa kanila dahil sa dami nilang naglalakad at mga daladala. Napansin din naman iyon ni Miseria. "Kailangan mo ng magpalit ng damit Alisha,makikila mo mamaya ang Hari at Reyna,halika samahan na kita sa magiging kwarto mo" sabi nito sa akin Habang naglalakad kami ay hindi ko din maiwasang mamangha dahil bawat sulok ay tila ba napag isipang mabuti ang disenyo. Nang marating namin ang kwarto na sinasabi niya ay napamangha ako dahil sa lawak ng kwartong iyon, mas malaki pa ito sa mismong kubong bahay namin bulong ko sa sarili ko. Bigla ko namang naalala ang kubong bahay at tila ba doon ko lamang naalala na hindi normal na biglang nahulog ako sa butas at nakarating dito. Biglang nanlamig ang pakiramdam ko at tila ba gusto ko ng umuwi. Ngunit ano pa nga ba ang uuwian ko? Wala naman ng naghihintay sa akin sa bahay. Mukhang napansin ni Miseria ang pagkabalisa ko. Hinawakan ako nito sa balikat. "Alisha ayos ka lang ba,? Tanong niyo sakin ng may pag aalala. Napailing nalang ako sakaniya baka kung ano pang isipin niya kaya naman ngumiti din lang ako agad "Ang ganda po dito,sobrang laki po ng kwarto sobrang nagustuhan ko" sabi ko sakaniya na siyang tunay din namang nararamdaman ko "Buti naman at nagustuhan mo, ako talaga pumili nito kasi kitang kita ang magandang view sa baba" sabi nito sa akin Nagpaalam ito sa akin at magtatawag lang daw siya ng makakatulong kong mag ayos. Naisipan kong lumapit sa bintana at tignan ang sinasabing magandang view ni Prinsesa Miseria. Napasinghap ako ng makita kong kitang kita ang kabuoan ng palasyo,maging ang mga tao na nadaanan namin kanina ay tanaw mula dito. Napatingin ako sa bandang gilid kung saan ramdam ko na may nakatingin sa akin. Saktong pagtingin ko sa gilid kung saan may mga ibat ibang bulaklak ay nakatayo ang isang matangkad na lalake, maayos ang tindig nito at nakatingin sa akin hindi masyadong klaro ang mukha nito sa akin dahil na din sa taas ng kinaroroonan ko. Ngunit alam kong pareho na kaming nakatitig sa isa't isa. Natigil lamang ang pagtitig ko dito ng biglang may kumatok sa pinto kaya naman agad akong lumayo mula sa bintana at pinagbuksan ang kumakatok sa labas. Bumungad sa akin ang dalawang babae na nakasuot ng mga puting uniporme na sa pagkakalam ko ay ang dalawang makakatulong ko sa pag aayos kaya naman wala akong pag aalinlangang pinatuloy sila. Itinuro nito sa akin ang isang pinto na sa pagkakaalam ko ay paliguan kaya naman agad akong pumunta doon. Balak sana nilang sumunod papasok ngunit hindi ko na sila pinayagan. Hindi na nakakapagtakang napaka luwang din nito at halos pwede na ding tumira mismo dito. Kumpleto na ang mgagagamitin pang ligo gayundin ang mga twalyang gagamitin. Nagsimula ko ng tanggalin ang damit na nakasuot sa akin dahil kumakatok nanaman sila sa pinto. Napangiwi na lamang ako ng makitamg ang dumi ng short ko dahil na din siguro sa pag slide ko kanina pababa patungo sa lugar nato,nakakahiyang naglakad,sumakay at nakipag usap ako sa Prinsesa na ganito ang suot. Sa sobrang kahihiyan ay agad ko ng sinimulan ang pagligo. Hindi ko pa nasundan agad paano gamitin at buksan ang tubig dahil sa wala akong mahanap na tabo ngunit kalaunan ay nasundan ko naman agad kaya naman minadali ko na din ang pagkuskos sa katawan ko at agad na lumabas gamit ang twalya, medyo nahihiya pa akong lumabas na naka tapis lamang pero wala akong makitang pwedeng isuot kundi twalya lang. Pagkalabas ko ay agad akong nagulat ng hindi lamang dalawang tao ang naghihintay sa aking paglabas kundi apa't na babae. Dahil dumagdag ang isang babae na mukhang kapatid ni Miseria dahil na din sa pagkakawig nila sa isa't isa. Nakangiti silang apa't sa akin na tila ba sabik nila akong makita at maayusan na. Kaya naman nung tinuro ang upuan na nakaharap sa salamin ay agad akong naupo. Pero laking gulat ko na lamang ng mapansing may mga parte ng buhok ko ang naging kulay puti. Ngunit wala manlang nagulat ni isa sa kanila. At tila ba wala silang pagbabago na nakita. "Ohhh Alisha bat parang gulat na gulat ka? Ngayon mo lang ba napansin na ang ganda mo? Hihihi" sambit ng kapatid ni Mesiria habang humahagikhik ito "Haynako, Maia masyado ka talagang mapanuri"agad namang sambit ni Mesiria "Uhmmm Maia nga pala ang pangalan ko pangatlo sa magkakapatid" agad namang pagpapakilala nito sa akin. Magpapakilala pa sana ako ngunit naalala kong nasambit na niya ang pangalan ko at mukhang inaasahan din niya ang pagdating ko sa palasyo nila. Nagkwentuhan kaming tatlo habang ang dalawang babaeng naka uniporme ay inaayusan naman ako. Nawala na sa alaala ko na sabihin na ang sanhi ng pagkagulat ko ay dahil sa pagbabago ng buhok ko. Matapos nila akong ayusan ay namili naman agad si Maia ng masusuot ko. Kaya pala niya naisipang sumama kay Mesiria ay para siya ang pipili ng damit ko. Dahil daw goddess of depression si Mesiria ay baka kung anong kulay daw ang mapili nito sa aking ipasuot. Kaya pati sa pananamit ni Mesiria ay si Maia din ang namimili ng mga damit nito lalo na sa mga okasyon. Matapos makapili ng damit si Maia ay agad na pinasuot nito sa akin ang kulay puting damit na may mga nakasabit na ibat ibang uri ng bulaklak at paru-paru sa bandang laylayan nito. Hindi ko maitatanggi na nakadagdag ito ng kaaya ayang kabuoan ko. Napangiti ako ng malaki dahil ngayon ko lamang naranasan na makapag damit ng ganito kaganda gayundin ang maayusan sa mukha. Nang matapos akong ayusan ay napatitig ako ng matagal sa salamin. Napaawanv ang sarili kong labi ng halos hindi ko makita ang nakasanayan kong mukha sa salamin,parang nagiba ang lahat sa akin,lalong nakakapanibago ang naging hitsura ko dahil sa buhok kong may halong puti sa itim kong buhok na hanggang balikat ang haba. Natigil lamang ako sa pagtitig sa aking sarili ng biglang may kumatok sa pintuan. Kaya naman agad akong hinila palabas ni Maia at Mesiria patungo sa pintuan palabas sa silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD