MONIKA
"Just accept that freaking job, Monika. Maghanap ka na lamang ng ibang lalaki at mag-back out diyan kay Darius— I mean, Sir Darius pala."
I rolled my eyes. "Anong magba-back out? That doesn't exist in my vocabulary, Kia."
"Oh, eh anong gagawin mo, ha?"
"Uh, I also got accepted in Solasta," I remarked and shrugged my shoulders.
"Inara is way more popular and better than Solasta, Monika."
"Atleast hindi ko makakasama roon si Darius!" giit ko.
"Are you sure that you want him to miss you? What if working with Inara would make your bond closer? Isn't it better?"
Napalabi ako at ikinunot ang aking noo. Oo nga, ano? I can flirt with hi— Uh, no. I'm a professional and I should set aside my personal feelings towards him. At isa pa, magiging boss ko siya. Ang awkward naman siguro noon, hindi ba?
"Pero kasi Kia—"
"Ah basta, just accept their offer. Kung gusto mo talagang pumunta sa Paris at makilala ng mga malalaking fashion brands, then work in Inara." She cut my words off.
Malakas akong bumuntong hininga. Tama nga naman siya.
"All right. Babalitaan nalang kita mamaya," sabi ko at akmang papatayin na ang tawag.
"Tatanggapin mo na?" pahabol na tanong niya.
"Oo na," sagot ko at pinatay na ang tawag para hindi na siya makasagot.
I heaved a sigh. Mukha ngang palpak na agad ang plano ko sa simula pa lamang. Ganito ba talaga ako kamalas?
Walang gana akong naglakad pabalik sa room 406 kung saan nandoon si Darius. Hindi ko tuloy maiwasang maisip na sinasadya niya ito. Namiss kaya niya ako?
"What is your decision, Miss Chavez?" Agad na tanong niya nang makapasok ako sa loob.
Nakailang lunok muna ako bago sumagot sa kaniya. "Tinatanggap ko po, Sir."
He clicked his tongue. "Great. Let's go to my office."
Naglakad na siya palabas kaya't napailing na lamang ako at sumunod sa kaniya.
Nang makarating kami sa office niya ay agad siyang umupo sa swivel chair. Inilibot ko naman ang paningin ko sa kabuuan ng lugar. Maganda at halatang pang-mayaman. Sa isang shelf ay may iba't-ibang trophies na sa palagay ko ay ang mga award na nakuha ng Inara.
"Are you done examining my office, Miss Chavez?"
Naputol ang pagmamasid ko sa office niya nang magsalita siya. Tipid naman akong ngumiti sa kaniya.
I looked at his desk. The metal with his name engraved with it was noticeable. Darius Fontanilla, CEO.
"Take a seat," he ordered and gestured the seat infront of his desk.
Agad naman akong sumunod sa utos niya at umupo.
He handed me a folder after I sat. "I already asked my secretary to prepare the contract. You can now check it."
Nanlaki naman ang mga mata ko. Agad-agad?!
Nanginginig ang kamay ko nang buklatin ang folder. And he's right. Kontrata nga ang laman niyon. My brows immediately furrowed before gazing up on him.
"A six month contract?" tanong ko.
He nodded. "May problema ba?"
I swallowed the lump on my throat before answering. "Hindi po ba parang ang tagal naman? I mean, bago palang ako."
"Inara conducts a trial period for those young models like you."
"A trial period?" takang tanong ko.
"My employees would assess if you're capable of being a part of our company for good. Inara is not just all about photoshoots and runways, Miss Chavez. We are also looking for models who have the capabilities to work for our company permanently."
Agad na nagsalubong ang mga kilay ko at takang tumingin sa kaniya. "Just like a regular model, ganoon ba?"
"Bingo!" He remarked as he clicked his tongue.
"Can I read the contract once again?"
"Sure," he answered as he drummed his fingers on the table.
After a couple of minutes, I finished reading the contract once again. It was nice. Wala naman akong nakitang nakapagpataas ng kilay ko.
"Do you have a pen?" tanong ni Darius— Sir Darius, I mean.
Tumango naman ako at payak na ngumiti. Kinuha ko ang aking ballpen sa dala kong bag at agad iyong ipinakita sa kaniya.
"Do you have any objections about the contract?" he asked.
I shook my head. "None, Sir."
Matapos sumagot ay agad ko ring pinirmahan ang kontrata. Their offers are great and the name Inara itself would make my name more known.
"Welcome to the company, Miss Chavez," he said as he offered his hand for a hand shake.
Agas ko naman iyong tinanggap. "It's my pleasure, Sir."
****
"You already signed the contract?!"
Napangiwi naman ako sa lakas ng sigaw ni Kia nang makarating ako sa condo ko.
I rolled my eyes. "Bakit ganyan ka kung maka-react? It wasn't a big deal."
"Ilang photoshoot ang inoffer sa'yo? Dalawa? Tatlo?"
"They offered me a six-month contract. Why?" sagot ko bago tumingin sa gawi niya.
Nanlaki naman ang mga mata niya na tila ba inaasahan na sabihin kong nagbibiro ako. But I am not.
"Ibig sabihin, under ka na talaga ng Inara?!"
Tumango ako.
"Oh, s**t! What did you do? Anong ginawa mo para offeran ka ng ganoong kontrata?" sunod na tanong niya.
I shot a brow up and crossed my arms. "Katulad ng normal na ginagawa sa mga go-see," sagot ko.
"Are you sure na hindi mo blinackmail si Sir Darius para bigyan ka ng ganiyang klaseng kontrata?"
Umirap naman ako. "Nababaliw ka na ba?"
Umupo siya sa tabi ko at iniharap ako sa kaniya. "Pa-samgyup ka naman!"
"Wala pa akong suweldo," tanggi ko.
"Grabe! May alaga na ako na model sa Inara! Hindi ako makapaniwala!"
Umirap akong muli. Maka-alaga naman 'to.
"Sabi ni Darius, bumalik daw ako sa Monday. Sumama ka sa akin, ha?"
Sunod-sunod naman siyang tumango. "Sasama talaga ako kahit hindi mo sabihin!"
Napailing naman ako at mahinang tumawa.
"Nadecline mo na ba ang offer ng Solasta sa 'yo?" tanong ni Kia.
I shook my head. "I'll just talk to the boss later."
"Ha? May number ka?"
Tumango ako. "Bakit?"
"May number ka ng boss ng Solasta?!"
"Oo nga. Binigay niya sa akin bago ako umalis. Bakit ba?"
"Bakit parang ang suwerte mo ngayong araw?"
I winced when she nudged my arm. "Baka ikaw 'yung malas sa buhay ko," biro ko.
Sinamaan naman niya ako ng tingin.
"Teka nga, hindi mo pa nasabi sa akin kung bakit naging boss doon si Darius. Ang sabi mo noon, wala siyang trabaho, hindi ba?" she asked.
My brows furrowed. "That's what I'm thinking too."
"Hindi mo ba itinanong kanina?"
I sighed deeply. "It looks like he didn't even remember me at all."
-----