MONIKA
I woke up early, already feeling exhausted. Kia did not let me eat whatever I want last night. I ate my salad while she ate samgyupsal infront of me.
That was pretty exhausting.
"Aga mo, ah?"
Speaking of the b***h who ruined my mood early in the morning. Inirapan ko siya bago umupo sa upuan sa dining area.
I reached out for a glass of water and immediately chugged it down. Tubig nalang yata ang bumubuhay sa akin.
"Pupunta ba tayo sa Inara?" tanong niya.
I nodded.
"Pakihanda na ng isusuot ko," utos ko at nag-iwas na ng tingin sa kaniya.
Agad naman siyang sumunod. Tamad akong tumayo para pumunta sa harap ng refrigerator. Dahil yogurt ang una kong nakita, iyon ang aking kinuha. Buti na lamang at may ilan pa kaming prutas at granolas.
Kung hindi pa rin ako kakain, baka himatayin na ako habang nasa Inara kami.
Pagkatapos kong kumain ay dali-dali akong tumayo para pumasok sa aking kuwarto. Nadatnan ko naman doon si Kia na namimili pa rin ng damit
"Just choose some casual look, Kia. Ang tagal mo namang pumili," reklamo ko.
"Baka may ibang model at manager doon, ano? Hindi ako papayag na matalo ang alaga ko!" She hissed.
Napailing naman ako bago humiga sa aking kama.
Hindi pa naman nag-iinit ang likod ko sa kama, agad na kong hinila patayo ni Kia. Ipinakita niya sa akin ang hawak na red dress na halos kaparehas ng isinuot ko noong go-see sa Inara.
Umiling ako sa kaniya. "Ayaw ko niyan."
The last time I wore something like that, Darius wasn't impressed. Hindi ba siya nagandahan sa katawan ko?
At the end, I wore a black dress. Not too revealing but enough to emphasize my body.
"Kia, tara na!" sigaw ko bago lumabas ng condo.
Hindi ko na hinintay pa si Kia at naglakad na papunta sa parking lot. Nang makarating ako sa parking lot ay agad din naman akong sumakay sa aking kotse na si Kia ang nagd-drive.
Matapos ang ilang minuto ay sumakay na rin si Kia sa loob.
"Ang tagal, ah?" reklamo ko.
"Pasensya na, ha? Inuna kasi kitang ayusan," iritableng sagot niya.
Napailing na lamang ako bago sumandal sa upuan ng kotse. "Gisingin mo na lamang ako kapag nasa Inara na tayo," utos ko kasabay ng pagpikit ng aking mga mata.
****
"Monika, gising!"
Naalimpungatan ako dahil sa malakas na pagpalo ni Kia sa balikat ko at sa lakas ng boses niya.
I glared at her. "Bakit ba?!"
"Nasa Inara na tayo."
Nanlaki ang mga mata ko at agad na inayos ang sarili. Dapat ginising niya ako nang mas maaga!
Matapos kong iretouch ang makeup ko at siguraduhing hindi mukhang bloated ang mukha ko, sumunod na ako kay Kia palabas ng kotse.
"Ang yayaman naman ng mga tao rito," bulong niya habang iniikot ang mata sa parking lot.
Napatango naman ako. Almost all of the cars parked there are from high-end brands. Siguradong nakakalula ang presyo ng mga 'yan.
"Tara na," aya ko at nagsimula ng maglakad.
Sumunod naman sa akin si Kia.
Nang dumating kami sa main building kung saan naroon ang office ni Darius ay ipinakita ko lamang sa guard ang ID na ibinigay sa akin ni Darius noong pumunta ako rito noon. Palatandaan daw iyon na nagtatrabaho ako sa loob.
Muntik na ngang hindi papasukin si Kia dahil wala siyang dala. Buti napakiusapan ko 'yung guard na manager ko ang aking kasama.
"Nandiyan ba si Sir Darius?" tanong ko sa secretary ni Darius na nasa labas ng office niya.
The secretary nodded at me. "Miss Monika Chavez po, tama?" tanong niya.
Tumango naman ako bilang sagot.
"Hinihintay na po kayo ni Sir Darius sa loob," dugtong niya at itinuro ang pinto ng office ni Darius.
I nodded at her. "Salamat."
Lumingon naman ako sa gawi ni Kia sa aking likod at sinenyasan siya na papasok kami sa loob.
Hindi ko na siya hinintay pang makasagot at naglakad na papunta sa direksiyon ng office ni Darius. I knocked three times before I entered. Sumunod naman si Kia.
Naabutan namin si Darius na busy sa paglalaro ng ballpen niya. Kumunot ang noo ko. Wala ba siyang gagawing trabaho?
Nang tumingin siya sa gawi namin ni Kia ay agad siyang umayos ng tayo. "Nandiyan na pala kayo," he stated.
He gestured the seat infront of his table. Agad naman kaming pumunta roon ni Kia at umupo.
"She's Kia. My manager," pakilala ko.
"Good morning po, Sir," Kia greeted.
Darius nodded at her before looking at me. "My secretary already did some photoshoot bookings."
Kumunot naman ang noo ko. Agad-agad?
"The first one is today. It is for a jewelry brand."
Mas lalong kumunot ang noo ko. Ngayon na agad?
"May iba ka pa bang appointment, Miss Chavez?" he asked.
Nag-angat naman ako ng tingin sa kaniya. "Well, I'm going to Solasta later to decline their offer," sagot ko.
"Cancel it."
My brows furrowed. "Pero kasi—"
"They already knew that you declined the offer. Don't bother going to Solasta anymore."
Magtatanong pa sana ako pero sinipa na ni Kia ang paa ko. Nang tingnan ko siya ay pinanlakihan niya lamang ako ng mata. Wala akong nagawa kung hindi manahimik.
Darius handed me a folder which I immediately accepted. "That's your schedule for the whole month," he remarked.
Dali-dali ko naman iyong tiningnan. Some are indoor photoshoots na karamihan ay gagawin dito sa Inara at may isa ring runway.
Nag-angat ako ng tingin kay Darius. "Ano 'yung schedule for next week? 'Yung tatagal ng tatlong araw?"
"That's an outdoor photoshoot," he answered.
"Uh, saan?"
"Palawan."
Nanlaki ang mga mata ko. Palawan agad? Hindi ba't masiyado pang maaga para sa out of town trips?
"May problema ba, Miss Chavez?" he asked casually.
Tumingin kay Kia na agad naman akong pinanlakihan ng mata. Umiling ako bilang sagot kay Darius.
"My secretary would guide you on what you're going to do next week. Hindi ako makakasama sa trip kaya siya na ang bahala sa iyo."
I tried my best to hide the dissapointment on my face. Hindi siya sasama? What a bummer.
"Pwede ko namang isama ang manager ko, hindi ba?" tanong ko.
He nodded. "Absolutely."
Marahan akong tumango habang nakatingin pa rin sa schedule ko. Bukod sa isang out of town photoshoot, wala ng ganoong katagal na booking.
I subconsciously looked at Darius as I squinted my eyes. Kung mawawala rin ba ako ng tatlong araw, mamimiss niya ako?
----