41 "Iiwanan mo na talaga ako rito?" Napailing naman ako at bahagyang ngumiti kay Kia na kasalukuyang busy sa pagtutupi ng aking mga damit. Sa bahay ako ni Darius natulog kagabi samantalang bumalik naman ako rito sa condo ko pagsapit nang umaga para mag-impake ng aking mga gamit na dadalhin at ililipat ko sa bahay ni Darius. "Magkikita pa rin naman tayo sa trabaho, Kia. Don't over react," saad ko. "Ipagpapalit mo na pala ako diyan kay Sir Darius, ha! Nakakasakit ka ng feelings," pagdadrama niya. I chuckled. "Hindi naman namin desisyon na mag-live in. Sinuggest iyon ng Daddy ni Darius at sa tingin naman namin ay ayos nga naman ang suggestion na iyon. Para you know, mas makilala namin ang isa't-isa," depensa ko. "Para namang kahit hindi sabihin ng tatay ni Sir Darius, maglilive in pa r

