40 "What's with the commotion?" Nahigit ko ang aking hininga nang maramdaman na palapit na nang palapit ang tunog ng sapatos ng isa sa mga taong kinatatakutan ko ngayon. Darius' father. "Seems like everyone's already here. Oh, someone is still missing," saad niya at tila ba ay kinakausap ang kaniyang sarili. Kinagat ko ang aking labi bago ako lumingon sa gawi niya. Nanlaki naman ang aking mga mata nang saktong tumingin ako sa kaniya ay ang pagtingin niya rin sa dako ko. "Is she your woman?" tanong nito at tumingin sa gawi ni Darius. Ilang beses naman akong napakurap bago tumingin din kay Darius. Is he talking about me? "Yes, she is," Darius answered. Oh, crap. Ako nga. Ako nga ang tinutukoy ng tatay niya. The patriarch let out a harsh breath. "Let's go to the dining hall, shall

