“Happy birthday, Dasha!” Malaki ang ngiti ko sa mga kapatid ko na bumati sa akin. Few months have passed and my birthday came. Marami ang nangyari. Pinag-iisipan ko pa kung sasali ako sa music club tulad noong sinabi ng isa ko pang kaklase. Marami rin akong napuntahan na mga social gathering at party kasama ang pamilya ko. Kilala na nga ako ng mga kaibigan nina tita Leah at papa at kasama na ako sa mga binabati nila. “Thank you.” I smiled more. Hindi natuloy iyong bonggang debut party na gusto ni papa para sa akin. Tinanggihan ko kasi iyon at kahit na pinipilit nila ako at sinabihan na once in a lifetime lang ang ganoon, hindi pa rin ako pumayag. Nahihiya kasi ako kay papa. Hindi naman na kailangan pa ng ganoon, sapat na sa akin ang makasama lamang ang pamilya ko sa aking 18th birthday.

