Kabanata 72 S A B R I N A Nagising akong nakayakap ng mahigpit si Sander mula sa likod ko. Hindi ako agad bumangon dahil ayokong magising ko siya o baka dahilan ko lang yun sa sarili ko. At ang totoo ay ayaw ko lang talagang bumangon dahil nage-enjoy pa ako sa yakap niya. Hindi ko na maalala yung huling beses na nayakap niya ako ng ganito kahigpit at hindi ko maitatanggi na sobra kong na-miss ang mga yakap niyang ganito. Kahit ano pala talagang gawin ko hindi ko pa rin kayang pigilan ang nararamdaman ko sa kanya. Siya pa din talaga kahit gaano pa niya ako nasaktan. Mahihirapan na talaga akong kalimutan siya lalo na at may anak pa kami. Narinig kong bumuntong hininga siya kaya agad akong napabaling sa kanya. Nahuli kong nakadilat na ang mga mata niya. Gising na pala siya. Gaano katagal n

