Kabanata 71 S A B R I N A "Dito na ako," sabi ko kaya agad niyang inihinto ang sasakyan. "Salamat sa paghatid. Aagahan ko na lang bukas," paalam ko bago kinalas ang seatbelt ko, hindi ko na hinintay na sumagot siya at lumabas na agad ako ng sasakyan niya. Nilingon ko siya nang makitang lumabas din siya mula doon. Nakakunot ang nuo niya habang nakatingin sa anim na palapag na gusaling tinitirhan ko. Mas hamak na mas maayos ito kaysa doon sa dati kong tinitirhan nung nagtatrabaho pa ako sa bar. "G-Gusto mong pumasok muna?" alok ko dahil nakakahiya naman yata kung hindi ko siya aayain kahit magkape manlang. Kahit na sa totoo lang ayoko talaga siyang papasukin sa bahay ko. Tumango lang siya habang nakakunot pa din ang nuo. "Sa 3rd floor ang unit ko. Walang elevator kaya maghahagdan lang

