Kabanata 70 S A B R I N A Lumapit siya sa pwesto ko nang hindi mabasa ang ekspresiyon. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano. Pero sigurado namang galit siya. Kailan ba siya hindi nagalit sa akin simula nang bumalik ako dito? Ibang-iba talaga siya sa Sander na nakilala ko noon. Ang layo-layo na niya sa lalaking minahal ko noon. Sobrang maalaga at mabait niya sa akin noon hindi tulad ngayon na kung ituring niya ako ay para akong hayop. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang tuluyan na siyang makalapit sa pwesto ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Wala naman akong gustong sabihin sa kanya pagkatapos ng naging pag-aaway namin kanina. Gusto ko na lang umuwi sa apartment ko at makapagpahinga. Pakiramdam ko sobrang pagod na pagod ko. Ite-text ko na lang siguro ang mga kasamahan

