"Tignan mo naman ang itsura mo, litaw na litaw 'yang puting gown sa sobrang itim mo. You look like a mess. 'Di ba sabi ko naman sayo mag-gluta ka? Mayaman naman ang pamilya mo ah. Ang pangit mo tignan sa gown, kainis." lait ni Jover sa akin habang inaayos niya ang necktie niya habang magkaharap kami sa altar. Parang lason ang mga salitang binitiwan niya.
Nanikip ang dib-dib ko. The man standing in front of me was my fiance, my soon to be husband— Jover Ivano Claveria. Dalawang taon na kaming magkarelasyon. Dalawang taon na matatamis na salita lamang ang naririnig ko sa kaniya. Dalawang taon na naniwala akong mahal niya ako at mahalaga ako sa kaniya.
At ito siya ngayon, masasakit na salita ang binitiwan sa araw mismo ng kasal namin.
Biglang ang maingay na simbahan ay tumahimik. Naging ilang din ang pare na nasa harapan namin dahil siya lamang ang nakarinig sa sinabi ng lalaki na papakasalan ko sa akin. Walang ideya ang mga bisita, ibang malalaking angkan, ang pamilya ko na sinasaktan na ako gamit ang salita ng lalaking nasa harapan ko.
Napapikit ako. Hindi makapaniwala. This can't be real. . . I heard it wrong, right?
"What's wrong with you?" bulong ko, halos hindi ko na igalaw ang bibig ko dahil ayaw kong mapansin na ang iba ang nangyayari. Ayaw kong gumawa ng eksena sa araw ng kasal ko.
"What's wrong with me?" parang natutuwa pang tanong niya, puno ng pangungutya ang mga mata niyang nakatingin sa akin. "Ang tanong ay, what's wrong with you? May sira ba ang utak mo? Naniwala ka talagang may magmamahal sayo? Sa ganiyang pustura mo? Ang itim itim mo. Kung hindi ka lang mayaman at anak ng mga Bellanti, wala talagang papatol sayo. No man will ever love you, not truly."
Hindi ko masikmura ang mga naririnig ko mula sa lalaking minahal ko. Para akong masusuka o ano.
"Papakasalan kita." sabi na naman niya, ngumisi siya, "dahil sa kapangyarihan na meron ang pamilya mo, dahil sa yaman niyo. Tinuring akong anak ng mga Uncle at ng Tatay mo, kaya madali lang na makapasok ako sa buhay niyo. . . Para maramdaman ko at magamit ang kapangyarihan at yaman niyo. Once the ring are on, you're my key to all of it. Laruan ka lang sa akin."
Nangangatal ang kamay kong nakahawak sa bouquet ng rosas. Humigpit ang hawak ko roon at may ilang mga tinik na naiwanan na tumusok sa kamay ko. Pero hindi ko ininda ang sakit dahil mas masakit pa ang mga sinabi ng lalaking minahal ko sa akin ngayon.
Para akong nahihilo habang nakatingin sa mapangutyang ngisi ni Jover sa akin ngayon.
Kasal namin ngayon. Ito dapat ang pinakamasayang araw ko dahil ito ang pinakahinihintay kong mangyari sa buong buhay ko. Wedding supposed to be a happy event of my life but he turned it into a nightmare. . The man I onced love is mocking and shattering me in front of everyone.
Dati kapag binibiro niya ako tungkol sa kulay ko. . . "Nigra", "Maitim na singit" at nang nakiusap ako sa kaniya na tumigil na ay sinasabi niya sa akin na "JOKE" lamang daw 'yon. . . pero ngayon ay iba. . . It was vicious, deliberate, meant to wound and hurt my feelings.
"Jover. . " nanginginig ang labing tawag ko sa ngalan niya. "Sabihin mo na nagbibiro ka lang. . . please. . " nanginginig din ang boses na sabi ko. Pinipilit kong mag-isip ng positibo dahil hindi matanggap ng sistema ko ang nangyayari.
Ngumisi na naman siya. Dati in love na in love ako dahil ang charming niyang tignan sa ngisi niyang 'yon. . . ngayon ay isang masahol pa sa hayop na lalaki ang nakikita ko.
"Nagbibiro?" tumawa siya ng mahina. He leaned closer to me, ramdam ko ang mainit niyang hininga sa pisngi ko. "For you to know, I f-cked your best friend an hour before this ceremony. Jennifer. Little sweet Jennifer with her sexy body and pouty lips. . . She begged me for it, and I give it to her."
Ang mga salitang binitiwan niya ay parang hinati ako sa dalawa. Parang libo libong karayom ang tumusok sa puso ko. . Nanginginig at nanghina ang tuhod ko. Na kapag hindi pa niya ako nahawak ay sasalampak na lang ako basta sa sahig.
Kaagad pumasok sa isip ko ang ibang imahe. . Noong nakaraang buwan, sa engagement party namin. . Nakita ko silang dalawa na nasa madilim na parte ng venue at nakahawak si Jennifer, ang best friend ko sa braso ni Jover at sobrang saya nila tignan habang tumatawa pa.
Three weeks ago, magkatabi sila sa family dinner. Sobrang dikit nila sa isa't isa. . Normal ko naman ng nakikita na gano'n, akala ko nga ay gano'n lang talaga. . . I didn't know there's something happening between the two of them. I trusted them. . The both of them. F-ck.
Mas lalong nanginig ang kamay ko, parang mabibitawan ko na nga ang bulaklak na hawak ko. . . Bigla akong natakot.
Dadalhin na ako ni Jover sa hometown niya sa Dagupan. May helicopter na naghihintay na sa labas ng simbahan, handa ng lumipad patungo sa hometown niya pagkatapos ng kasal.
Anong gagawin niya sa akin roon? Sa lugar na hindi ako pamilyar, walang mahihingan ng tulong, walang makakarinig ng sigaw ko?
Natigilan ako sa pag-iisip nang biglang tumikhim ang pare. Puno ng pawis ang noo niya habang puno ng kaba na dumako ang tingin niya kay Balthazar— ang ama ko na para bang humihingi ng permiso na simulan ang seremoniya.
"Ipag-papatuloy na. . . " bigla siyang napiyok kaya naman tumikhim siyang muli bago nagpatuloy. "Let us proceed to the vows. Katana Gyda Bellanti and Jover Ivano Claveria. . . please take each other's hand."
Hindi maitago ang nginig ng kamay ko nang hawakan ni Jover ang kamay ko. Ngumisi siya sa akin bago niya hinigpitan ang hawak niya ro'n hanggang sa tumunog ang ilan sa buto ko.
So. . . this is my future? Being drag to his hometown and be his toy? His prisoner?
"Jover Ivano Claveria, do you take Katana Gyda Bellanti to be your lawfully wedded wife, to have and to hold, in sickness and in health, until death do your part?"
At habang sinasabi 'yon ng pare ay kusang tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan sa aking mga mata at umagos 'yon patungo sa aking mukha.
Mas lumawak naman ang ngisi sa labi niya, mas inilapit niya ang mukha niya sa akin at kitang kita ko ang kalupitan sa mga mata niya.
"Oh, I take her, Father." madiin na sabi niya, nakakalason ang tono niya. "I'll take her in sickness, in health, and in shame. I'll take her dark skin, flawed body, her useless tears. And hold her. . . " napangiwi siya, "by the throat until death does us part."