“Sobrang tahimik naman natin tipong kahit may umutot na napakahina ay maririnig,” ani ni Carlyn ng maupo na sa kanyang lames. Tahimik nga naman ang lahat na para bang nagapakiramdaman. Wala naman akong ganang makipagwentuhan dahil siguradong mapupunta ang usap kay Sir Agaton. “Mga bakla nabalitaan niyo ba? Grabe raw si sir Agaton. Lahat daw ng makitang mali kahit katiting lang ay hindi pinalalampas. Akala mo nga raw ay isang halimaw nagagalit sa kung sinong pinapagalitan,” kwento ni Carlyn. Hindi ako lumingon para hindi mahalatang nakikinig ako. Well, hindi naman ako interesado kaso nga lang ay naririnig ko si Carlyn. “Oonga raw, Ante. Nakakatakot ng raw si sir Agaton. Akala mo nga raw manlalapa ng mga empleyado kapag nakasalubong sa hallway,” pagsang-ayon ni bakla. “Napano kaya si

