Puno ng tao na nakasuot ng formal na kasuotan ang bulwagang pinasok namen ni Mkie..All Taiwanese people.Ako lang ata ang Pinay kaya all eyes ng pumasok kami ni Mike..Buti na lang at nakaabrisiyete ako kay Mike kung hindi napaluhod na ako dahil nangangatog na ang tuhod ko sa sobrang kaba..
Dumiretso kami sa mahabang mesa nasa harap..Yun ata ang nakaassigned sa mga immediate family members..nakita ko kasi dun ang mga kapatid nito..mga asawat anak at maging si Madam Chu..Iisang upuan na lang ang available ng lumapit kami..para sana saming dalawa ni Mike yun kaso parang nanadya si Madam Chu at isinama nanaman ang babaeng kawayan..
"I did not know that Mike will invite you"sabi pa nito sa akin..At bakit naman tingin nito na hindi ako iimbitahan ni Mike eh ako ang girlfriend..mas may karapatan ako kesa sa babaeng kawayan na yun..Yun sana ang gusto kong isatinig pero nagtimpi ako at ngumiti na lang.Marami pa naman tao.Mahirap gumawa ng eksenang pagsisihan ko..
"I hope you wont mind but Shin will sit here..Anyway...I see a vacant sit out there"turo pa nito sa bakanteng upuan sa dulo ng pasilyo...
"Its okay Mom...We will sit there.."si Mike na ang sumagot para sa akin
"But you can sit here with us since this table is for family members..."
Ako lang ba o binigyang diin talaga ni Madam Chu ang salitang FAMILY members..Nanakit na toh ha..hindi man pisikilan pero pasimple kung magparinig!Naramdaman kong pinisil ni Mike ang kamay ko na nasa braso nito!
"Its fine..Mau and I will sit there.."may pinalidad sa tono ni Mike..Hinila ako nito palapit sa kapatid nito upang ibigay ang regalo namen.Taliwas sa mukha ni Madam Chu..nakangiti ang kapatid nito sa akin at bineso pa ako..Laging ganon ang mga kapatid nito sa iilang beses na nagkita kami..
Nagsimula ang pagtitipon..simple lang naman ito kung tutuusin..naging bongga lang gawa ng cater ang pagkaen at mga wine na sineserve..its not like children's party at all..Parang business party ang naging labas..since most of them is talking about business.That is what i heard from Mike nung magtanong ako kung ano ano yung mga pinag-uusapan ng mga tao dun.Hindi naman ako iniiwan ni Mike na mag-isa kahit pa pinipilit ito ng ina na kausapin si babaeng kawayan..Minsan lang ito nawala sa tabi ko..nung mgpaalam itong magccr..Medyo natagalan nga lang ito makabalik..siguro antagal nagpigil nito o kaya pila ang tao sa restroom!
Napatingin kami sa stage ng tumunog ang mikropono doon..Nakita namen na umakyat si Madam Chu at ngayon ay tinetest ang mic...Wala akong naintindhan sa mga sinabi nito.Chinese eh..basta namalayan ko na lang ngpapalakpakan at umakyat si babaeng kawayan sa stage..Pumailanlang ang musika...Nagsimula itong kumanta..Hindi ko din maintindhan ang kinakanta nito pero masasabi kong maganda ang boses nito..Lahat ng mata ay nakatingin dito.Mga humahanggang mata!Isa pa ulit masigabong palakpakan ang narinig sa buong function hall ng matapos ang kanta nito..
"Maureen please join us on stage"
Kulang ang salitang nagulat ng tawagin ni Madam Chu ang pangalan ko.Anu naman pakulo kaya nito..Napatingin sa mesa namen ang lahat ng nandoon..
"Shin here sang!What will you do for us Maureen?!I do hope you have some talent!
Nalintikan na..anong talent ang ipapakita ko?Hindi ako pwedeng kumanta at baka biglang umuulan..Walang wala akong talent dun..I love music but music hates me..Pag sayaw naman..hindi ko alam kung matatawag itong talent.Marunong ako..pero pwede na bang ipansabay sa talent ni babaeng kawayan?!Nakahanda na kong tumanggi ng gagapin ni Mike ang kamay ko..at ngumiti ng pagkatamis tamis sa akin...
Sabay kami naglakad papuntang unahan..Nauna lang akong umakyat ng stage dahil kinuha nito ang cellphone ko at ibinigay sa audioman..Kapagkuwan ay umakyat na din ito at sinamahan ako..Sa amin na ngayon nakatutok ang mga mata ng naroon..Nakita kong umismid si Madam Chu ng madaanan namen kanina..Pumailanlang ang pamilyar na musika..Tiningnan ko si Mike na nagkataong nakatingin din sa akin..
"Its KlokLok Time!"walang boses na sabi nito...Napangiti ako ng maluwag sa sinabi nito..Sa sobrang pagkahumaling ko sa t****k eh may mga compilation ako ng kantang kahit nakapikit ako ay kaya kaya kong sayawin.Now..thats my talent..Masasabi kong Im one of the KlokkLok queen in Taiwan..Nakatulong pa ang pagsabay sa akin ni Mike kung kaya lalo akong ginanahang magsayaw!Tumingin ako sa paligid..mukhang naibigan naman ng mga manunuod ang ginagawa namen ni Mike sa stage at nakikita kong napapaindak ang ilan..may mga ritmong pumapalakpak din..Buti na lang uso na ang KlokkLok..Salamat KlokkLok...you saved my day!
Malakas na palakpakan ang ibinigay sa amin ng mga tao doon..maging ang babaing kawayan ay pumapalkpak..Tanging si Madam Chu lang ang matiim na nakatingin lang..Sinulyapan ko si Mike ng gagapin nito ang kamay ko..Hingal na hingal ito at pawisan..Sabay sinu ba naman ang hindi hihingalin..limang dance songs ata ang sinayaw namen..Nagbunga din yung iilang beses na pinipilit ko siyang mgKlokkLok at kabisado na niya mga steps..Hindi ko naman inaasahan na magagamit namen iyon sa biglang pagkakataon tulad ngayon..Bumigat ang pagkakahawak nito sa akin..Malamang napagod na ito at gusto ng umupo kung kaya naman inakay ko na siya pababa ng stage..Nasa huli baitang na kami ng tatlong baitang na hagdan ng mapaluhod ito..nabitiwan nito ang kamay ko..Napasinghap ang mga tao sa paligid..Dali dali ko itong dinaluhan..Nakita kong namumutla ito hawak ang dibdib nito..
"aaahhhh"dumaing ito sabay tuluyang napahiga..Nagsigawan ang mga tao sa paligid..Hindi ako makagalaw..maging ng alisin ako ni Madam Chu sa tabi nito ay hindi ako nakapalag..
"Jiào jiùhù chē"sabi nito..Pinatatawag nito ng ambulansiya ang mga tao..Taranta na din ito..sinamaan ako nito ng tingin..
"Jiùhù chē"narinig ko pang sabi ng ilan..Nakita ko ang pagkakagulo ng mga tao..Nakita ko din ang mabilis na pagtawag ng ate nito sa cellphone..
Tiningnan ko ang nakahandusay na si Mike..Tila nawalan ito ng malay marahil sa sobrang sakit...Hindi ako makagalaw..Anong nangyayari?Bakit napalitan ang masayang pagtitipon ng ganitong eksena?Lalapitan ko sana ulit si Mike ng sigawan ako ni Madam Chu..
"Chūqù...Get out..you will never do good!"
Natigilan ako sa kinatatayuan..Bakit ako ang sinisisi nito..Nabigla din ako sa bilis ng pangyayari..Naramdaman kong nilapitan ako ng isa sa mga ate nito...Inaalo ako.. nito at pinaupo sa isang bahagi ng bulwagan..hanggang sa dumating ang ambulance at maisakay si Mike ay hindi ko na ito nagawang lapitan....