Tulala ako ng makauwi ng dorm.Ni hindi ko alam kung paano ako nakauwi..Hindi ako makaiyak..Wala na ata akong iiyak...Naubos na ata luha ko kanina sa pagtitipon..Wala pa din akong balita sa kung ano na ang naging lagay ni Mike matapos itong isakay sa ambulansiya... Kumakaen sina Pearl ng pumasok ako ng room..Nakita ko ang nabiglang itsura sa mukha ng mga ito.. "Anyare sayo Mau?!dali dali itong tumayo at inalalayan ako pauwi sa bed ko..Nakita ko ang sarili ko sa vanity mirror dahil halos katapat lang ito ng higaan ko..May mga nalaglag ng ilang hibla sa nakapusod kong buhok..Parang akong may black eye gawa ng kumalat na mascara ko..paga na din labi ko kakakagat ko para pigilan pa ang labis na pag-iyak.. "Hoy...Mau...ano bang problema?Bakit ganyan mukha mo...Dios...penge nga tubig!"tumalima

