May magbabalik....

1132 Words
"kumusta ka na Mau?!" kumusta?anlakas ng loob ng lalaking toh na mangumusta matapos ng ginawa niya.Fyi lang..kahit sampung taon pa lumipas..magiging okay ako pero hindi ko makakalimutan ginawa mong impakto ka!Parang walang nangyari at feeling close kang magtanong.. Gustong gusto ko sabihin kaso naumid ang dila lalo na nung naiwan kaming dalawa na lang sa table..Ang lukaret kong beshie iniwan nanaman ako.. Kaya pala nitong mga nakaraang araw eh parang problemado si Pearl gawa ni Darwin.siya pala ang ginugulo ng damuhong lalaki na toh.Sabagay..hindi naman nito magagawang magtanong sa family ko at tiyak na katakot takot na sumbat ang aabutin nito..Kung nasaktan ako sa nangyari..Mas nasaktan ang pamilya ko..Ang tagal natanggap ni Tatay si Darwin tapos yun pala ganun lang ang gagawin sa kin..Hindi lang tiwala ang sinira nito kundi pagkatao ko..Maaaring hindi kumalat ang mga litrato o ginamit lang para takutin ako pero mali padin.Mali dahil mahal niya ko..ramdam ko yun at nakita ko yun..Mali kasi pinagkatiwalaan ko siya at minahal ko siya ng sobra..paano niya nagawa yun?!At maling mali dahil lang sa kahinaan niya..ako dapat ang magdusa...At walang totoong nagmamahal ang kayang gumawa nun sa minamahal...Yun ang paniniwala ko dati...Kaya tuloy ngayon kahit gaano ko kamahal si Mike..hindi ko pa din maibigay ang buong buong ako..My tym na naprapraning pa din ako lalo na pag kami na lang sa isang kwarto..Kulang na lang icheck ko ang lahat ng posibleng pagtaguan o pagkabitan ng mga hidden camera..Pero hindi ko naman pinapakita kay Mike..knowing him tiyak na mgaalala yun..at magtatanong... Oo nga pala..alam niya na hindi siya ang unang lalaking minahal ko..infact kilala niya si Darwin..pero inilihim ko ang tungkol sa dahilan ng paghihiwalay namen..Wala naman ako balak itago pero sa tingin ko hindi pa ito yung tamang pagkakataon... "Ehem...." Kung hindi pa malakas na tumikhim si Darwin hindi pa siguro ako kukurap mula sa pagkakatingin sa kanya..Blanko naman ang expression ko..hindi ko din sinagot ang pangungumusta niya.. "2months na ko dito.. Sa Taichung ako nakadestino.Akala ko nga hindi ako makakaalis kasi nga underweight ako.Tsaka di ba pangako ko sa yo na....   itinaas ko ang kamay ko para patigilin siya sa pagsasalita..Kung ang brutal kong utak ang masusunod..sampal sana ang paraan para patigilin ito sa pagsasalita...subalit Dahil linggo at kakasimba ko lang nanaig ang makatao kong puso...Makatao lang at hindi pa mapagpatawad dahil hindi ko pa siya kayang patawarin..not in the near future... "Nonsense lahat ng sinasabi mo dahil hindi naman ako interesado... "Mau" "Its Maureen for you...hindi na kita kaclose so you dont have any priviledge to call me that.. Ibinaba ko ang tingin ko kasabay ng pagbaba ng kamay ko..Ayoko siya tingnan..dahil tiyak feeling nagpapaawa look nanaman ang ibibigay niya sa kin... Kaya naman nagitla ako ng hawakan niya ang isang kamay ko na nakapatong sa mesa..With instinct..Hindi na ko nagdalawang isip pa..hinablot ko ang kamay ko mula sa kanya hinagip ang naicha(milk tea)na nasa harapan ko..na halos wala pa sa kalahati ang nababawas at itinapon ang laman sa pagmumukha niya.. "Ang kapal mong magpakita sa akin at umaktong walang nangyari..at may gana ka pang hawakan ako?" Tumayo ako at walang lingon likod na umalis sa lugar na yun...Wala pa kong tiyak na direksyon na pupuntahan basta diretso lang ang lakad ko..Gusto kong makalayo agad dun dahil pinagtitinginan na kami ng lahat ng tao.. Sobrang pagtitimpi na ang binigay ko sa lalaking iyon pero sinagad niya ko...Nang masigurong malayo na ko ay pinayapa ko naman ang puso ko..Hindi ako ang taong mabilis magalit..In fact medyo mahaba ang pasensya ko kesa sa ilang tao...Hindi ko din alam kung anong sumapi sakin para gawin ang ganong eksena..Marami pa namang Pinay ngayon at Linggo...Chinat ko si Pearl..tinatanong ko kung asan na..ang tagal namang magreply ng babaeng toh.. Hindi naman siya siguro uuwi magisa at ipapaubaya nalang ako kay Darwin hindi ba! Lalakar na sana ako papuntang train station ng marinig ko ang malakas na sigaw na kilalang kilala ko.. "Hoy Maureen Nobnob" And there is my beshie..Sa likuran ko habang hawak hawak sa magkabilang kamay yung mga pinamili namen..Dumaan nga pala kaming Rj mart knina pagkatapos ng simba..Medyo mabigat at madami dami din yun kasi isang buwanang supply namen yun ng grocery..Nakasuot din ang back pack niya  sa likuran niya at ang  back pack ko sa harapan niya... sheeet... napaawa naman ako kay Pearl ng humihingal niyang ilagay sa tabi ko ang mga pinamili namen at iaabot sa kin ang back pack ko... "Alam kong......sinabi ko..... na aalis muna ko......para ...makapg usap kayo.....pero yung magtatakbo ka na para kang hinahabol.....at iwan tong binili natin...abah....in between breaths niyang sabi..." "Naku beshie...sorry sorry..Andun ka lang ba sa malapit all along?!" "Oo naman..alangang lumayo pa ko..ansakit na ng paa ko sa kakalakad natin kanina bukod pa na baka may gawin sa iyong masama yung  kupal na yun"diretso na niyang sabi..siguro nakabawi na sa hingal... Kaya lang ikaw pa pala ang may masamang tangka sa kanya...nagmukang popa(s**o)tuloy yung tao...Sayang! "Beshie sayang?!Kulang pa yun sa ginawa niya sa akin... "Oo nga kulang pa nga yun...Sa milk tea popa naman ako nanghihinayang..Ang box office ang pila..para makatikim nun dahil sabi nila masarap daw..Nakakatatlong sipsip palang ako eh..Tatlo beshie...!!!Tatlo!!!!" Napatawa naman ako ng malakas sa sinabi niya..Milk tea pala ang pinanghihinayangan...Akala ko yung gago na... "Hayaan mo na Beshie..marami pa namang next time!"libre na lang kita ulit huh!" "Abah..dapat lang..hindi naman worth it yung tinapunan mo..Siya tuloy nagpakasasa...Parang siya tuloi nilibre natin..Hindi nga lang niya nainum kundi ipinaligo...Ay sosyal!hahahaha" Sabay kaming tumawa ng malakas..Medyo gumaan yung loob ko dahil dun naglakad na kami papuntang train station para makauwi na..syempre tinulungan ko na siya sa pagbibitbit...baka magwala na eh... Madilim dilim na ng makarating kami ng dorm..Delayed kasi ang train kaya napuno na ang mga nag aantay ng train..Marami rami na din ang nagaabang kung kayat hindi kami agad nakasakay..Pagdating pa sa station namen..wala pang masakyang taxi kayat nag antay kami ng bus ng mahigit kalahating oras.. Kumain lang kami ng hapunan ni beshie at diretso na kami linis ng katawan..Pwede naman hindi maglinis..Malinis naman ang hangin sa Taiwan kaso nakasanayan na eh.. Naalala kong tingnan ang inbox ko at nakita kong my micall si Mike..Magrereturn call sana ako ng madead batt ako... Lumabas muna ko sa charging area para icahrge yung cellphone ko..wala kami saksakan sa loob ng room..Bawal.. Minsan tinatanggal namen saksak ng aircon at dun kami ngchacharge kaso dahil gabi na..oras na ng buhayan ng aircon kaya no choice ako kundi sa labas magsaksak...Matagal pa namang mabuhay ang cellphone ko lalo kapag nadedead batt...nanghihingi na ata ng kapalit..Pumasok na ulit ako ng room..mamaya ko na tatawagan si Mike after ko maglinis ng katawan... Sakto namang palabas na ng cr si Pearl..pinauna ko na kasi siya magshower at ako eh parang nagoorasyon pa sa cr sa tagal ko maglinis..Linis time is also may "pupu time"na nangangailangan ng ibayong konsentrasyon..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD