"Mo Lin...have you seen yourself with 2years from now?"
nagulat ako sa biglang tanong na iyon ni Mike...Nasa kaohsiung kami ng mga oras na yun..Taroko Park to be exact at inaantay ang pagbubukas ng mga ilaw..Maganda kasi dun paggabi..Kaya habang nagpapalipas oras...tambay muna kami sa cofeeshop.Sight seeing na din kasi kita mula dun ang fountain at carousel na nasa gitna ng park.Pareho nameng off kaya naisipan namen na mejo lumayo sa nakasanayan..Dati rati kasi hanggang Tainan lang kami..Para medyo malapit sa dorm ko para hindi abutin ng curfew..Pero after ng 1 year anniv namen hindi na ko natatakot na lumayo ng konti kasi kahit abutin naman kami ng gabi sa daan pwede naman na kami magcheck in sa hotel lalo pat may stay out form akong pinapasa sa dorm..Gusto nga sana ni Mike na sa bahay niya na ako magstay kapag off ko kaso ayoko pa..Leave in na matatawag yun hindi ba?Hindi naman na ako bata..at me nangyari na din naman samin ni Mike..tska moderno na din ang panahon ngayon..kaso nagaalala pa din ako..
Una sa iisipin ng pamilya ko..
Oo at boto sila kay Mike kaso syempre hindi ko pa naman siya napapakilala ng personal..Hindi pa nakikilatis nila Tatay kumbaga...Sino ba namang magulang na mas gugustuhing magleave in muna ang anak bago pakasalan..Im not against the idea of leaving together out of marriage kaso ayoko lang maging alalahanin pa nila Nanay lalo at nasa malayo ako..Hindi man sila magsalita..andun pa din yung paalala..
pangalawa...iniiisip ko..Paano kung mabuntis ako hindi ba?Go home Philippines ang peg ko..Buo naman tiwala ko kay Mike na papanagutan niya ko gusto ko lang yung pareho na kaming ready..Yung hindi lang dahil sa bata kaya kami magsasama.Yung sigurado kami sa magiging future ng pamilya namen..Mahal pa naman magpaaral sa Taiwan..katumbas na ng house and lot ang halaga..
and lastly..yung mother niya..Kung dati hinala lang na hindi ako bet ni Madam Chu ngayon eh kumpirmado na..
Nung ipaalam kasi ni Mike yung tungkol sa amin sa Mama niya..ay nag walk out ang ginang..Oras ng hapunan pero hindi kumaen at ngkulong sa kwarto..Hays..Ayoko naman dumating sa point na kakailanganin mamili ni Mike between me and her mom..Parehong may masasaktan..Kaya nga wala akong tigil sa pag iisip kung paano niya ko magugustuhan..Kaso ang hirap kasi bukod sa hindi kami masyado magkaintindihan due to language barrier..hindi ko din alam kung paano kukunin ang kiliti ni Madam Chu..kung pinoy yun..mabilis na yun..Ay hindi din pala..bihira pala ang biyenang boto sa manugang..haha..
"why only two years hon?I will grow old with you"nahawa na ata ako sa pagiging cheesy nitong singkit kong "papa".
napangiti siya sa naging sagot ko at ginagap ang kamay ko...Sabi ko na nga ba..a way to a man's heart is to say cheesy things...Joke lang...Syempre totoo naman..hindi ko lang nkikita yung two years ng buhay ko na kasama siya kundi gusto kong siya na pang habang buhay..Sino ba naman babae ang hindi nagwiwish ng forever noh?!
Hindi ko alam kung nadaya ba ko ng mata ko pero parang dumaan ang lungkot sa singkit na mata ni Mike..Pero baka mali din ako kasi dahil ngumiti na siya ng pagkatamis sa akin.
"If i could i would definitely grow old with you"
"Ofcourse hon...You would..we would"
Syempre ang ganong katamis na tagpo must be sealed with the kiss... At hindi naman niya ko binigo..dahil kasabay ng pagbubukas ng ilaw ng fountain sa Taroko Park at ang Paggalaw ng Carousel sa gitna..He gave me the sweetest kiss i deserved!
" hello to the to earth to Beshie?tanong ko kay pearl..Ilang araw na tong babaeng toh na parang laging wala sa sarili..Nasa Food Park kami sa tapat ng Focus Mall sa Tainan that time.Araw ng Linggo..kakatapos lang anmen magsimba..Wala kaming lakad ni Mike that day dahil pinakiusapan itong umattend ni Madam Chu ng bday ng anak ng kaibigan nito.Nakaoo na daw kasi ito sa kaibigan kaya hindi pwede magcancel..
Nakokonsensyang tiningnan ko si Pearl..dahil lang sa masaya kami ni Mike nitong mga nakaraang araw kaya naman..ngayon ko lang siya natanong..Hindi ko pa nga mapupuna ulit kung hindi lang biglang natigilan habang nakatingin sa cp..Lagi siyang may kachat tpos magiiba ang timpla...
"Masaya ka na ba ngayon Mau?"
"Huh?Ako ba prinoproblema mo Beshie?!Dahil masaya na ko?"
Sasama sana loob ko sa tinanung niya sa akin..Ayaw ba niya maging masaya ako?Sapat na siguro ang 1taon kong pagkukulong sa sarili ko aa trabaho hindi ba?And of all people si Pearl pa talaga?!
"Hindi sa ganun Beshie..Masaya ako at masaya ka at ako ang unang tao bukod sa family mo na hinihiling ang kaligayahan mo..Pero closed book na ba kayo ni Darwin?
"Darwin?Paano napasok sa usapan si Darwin...Tapos na kami ng lalaking iyon ng sirain niya ang tiwala ko..Masyado tong makasarili para gawin ang bagay na yun upang hindi ako umalis at tuparin ang pangarap ko sa pamilya ko."litanya ko..
"Sa tingin ko need niyo pa din magusap.."
"No..Beshie..okay na ko..Nagkatrauma ako sa nangyari pero okay na ko ngayon..Ayoko lang makita pa siya..
"Hindi naman ibig sabihin na maguusap kayo eh magkakabalikan kayo..Hindi ba masaya ka na ngayon kay Mike"
"Exactly..so i dont see any reason para magusap pa kami..Ano ang pinupunto mo Beshie?"
"He's here.."
Nakakunot ang noo ko sa sinabi niya..Andito siya...Sa Taiwan?Natuloy din pala ang loko.Mabuti naman at nakaisip na magtrabaho at iniwan na ang mundo ng Mobile Legends.Kalaunan ay pinagkibit balikat yun..Wala naman na akong pakialam sa kanya..it will never change my stand...Ayoko siya makausap dahil walang dahilan para gawin ko iyon..
Isa pa maliit ang chance na magkasalubong kami dahil may kalakihan din naman ang bansang Taiwan.Or malaki nga ba?Dahil kung malabo ang chance na magkita kami..Sino itong Nakikita kong patawid sa kalsada patungo sa direksyon namen..?Nagtama ang mata namen at bumundol ang pamilyar na kaba sa dibdib ko..Dahil ba matagal din nung huli kaming nagkita dahil pagkatapos ng tagpong iyon never ko na siyang kinausap.
I was caught off guard.Bukod sa ngayon ko lang nalaman na andito na siya sa Taiwan..hindi ko din inaasahan na ngayong araw mismo na toh ko siya ulit makikita...ng...personal.....Tatakbo ba ako..Magtatago O haharapin na lang?!