"Beshie sige na...help mo na ko..."
Pagpipilit ko kay Pearl..Nasa kitchen kami ng dorm para magluto ng ihahandang putahe para mamaya..Nagpapatulong kasi ako para sa surprise anniversary celebration namen ni Mike.
bilis ng araw...From 100 days to 1 year na ang relasyon namen ni Mike..
Sa una awkward talaga kasi nga pinagtsitsismisan kami..Para kaming sina John lloyd at Bea kung pag usapan..Pero kalaunan tumigil na din ang bunganga ng makakating dila..Siguro dahil wala naman kaming pakialam ano man ang sabihin nila..What matter is happy kami at tanggap kami ng pamilya ko..
Oo..Ko lang...Pamilya Ko lang..Nasabi ko na kasi kina nanay at tatay yung tungkol sa relasyon namen after ng 100days namen..Naipakilala ko na din thru videocall si Mike.Friend nga ng mga kapatid ko si Mike sa f*******: eh..At syempre..suportado nila ako..
Ok naman kami sa mga sisters ni Mike..Palibhasa may mga sarili ng pamilya at nasa tamang edad nanaman daw si Mike kaya kung ano o sino ang gusto eh wala na silang pakialam basta mamahalin din si Mike ng buong buo..Nameet ko na yung mga ito nung 1st bday ng bunso ng ate niya...Siyempre andun din si Madam Chu..Yun yung pangalawang beses na nameet ko siya.Ayoko nga sana pumunta..Kaso mapilit si Mike..Family gathering daw yun kaya dapat daw kasama ako..Wow db?haba ng hair ng lola niyo..Kaya sinu ba makakahindi kung ganun na agad ibabanat sa inyo..Yun nga lang nung time na yun parang ako yung photographer of the day..Walang ginawa si Madam Chu kundi utusan akong magtake ng picture..nila..hindi ako sinasama..Pero atleast may nabago na sa pagitan namen..Umiimik na siya sa akin..bagamat hindi pa din ako nginingitian atleast umiimik na..may progress..Malay natin..sa susunod namen pagkikita..ibigay na niya ang kanyang madamot na ngiti..baka wrong timing lang lagi pag nagtatagpo kami..
"Oo na nga hindi ba..nakapagbook na ko ng hotel..binigay ko na din sayo yung booking number..Tutulungan din kitang magdecorate ng room..Ipinagluluto ko na nga kayo hindi ba?"
Nahilig kasi si Mike sa Filipino dish simula ng maging kami..Nung minsan na umattend kami ng birthday party ng isa sa mga pinay na katrabaho namen naamaze siya sa mga paghaing nakahain..Puro Filipino food kasi..syempre puro pinay naman kasi kami..hindi naman kasi nila inaasahan na isasama ko si mike eh kaya hindi sila nakapagprepare ng chinese food..
Hindi ko naman siya pinilit kumaen..sadya lang talagang mukhang masarap ang mga pagkaeng nakahain kaya hayun tinikman niya..At hindi ako napahiya dahil sadya naman talagang masarap ang putaheng pinoy...
"Pero dapat ba talaga andun pa din ako sa loob ng hotel kapag magkasama na kayo?Ano ako scorer?"pagpapatuloy ni beshie..minsan talaga balasubas ang bibig ng babaeng toh..hindi pala minsan..madalas pala..
"Scorer ka diyan...Paanong magiging scorer..eh hindi ko pa naman isusuko ang bataan"
"Abah mabuti naman..hindi pa tapos kontrata natin noh..Mahirap ng majuntis noh..
"I know right..kaya samahan mo na ko para may tagahawak ng cake..Tapos aalis ka din after para maisuko ko na..hahaha..
"Lichi..
...Kaya pala may pa champagne..pinasosyal mo lang pero alak padin..Basta may alak may Balak..."
At natatawa na namen pinagpatuloy ang paggagayat ng lulutuin namen
Nakapagfile na ko ng 2 days vacation leave sa trabaho..Sakto kasing saturday at sunday ang day off ni Mike.Para mahaba haba naman yung time na magkasama kami.Ready na ang hotel room namen..Nakapgdecorate na din kami ni Beshie.Ready na din ang food..No need na ipainit kasi on the way na daw si Mike..Hindi pala siya nag overtime now..Buti na lang maaga kami natapos ni Pearl sa mga dapat namin gawin.
Tok..tok.
Sabay kaming napalingon ni pearl sa may pintuan at dahil mas malapit siya sa pinto..siya na mismo ang nagbukas nito..
As expected si Mike ang asa pintuan..Halos hindi ko na siya makita sa dami niyang dala..May lifesize teddy bear pa kasi..My flowers din.Mahilig pala ako sa bulaklak..nung naging kami lang ni Mike ko nalaman..hindi pwede kasing mawawala ang flowers sa lagi niyang binibigay sakin tuwing may okasyon or every monthsary namen..
Kasabay ng pagpasok ni Mike sa hotel room namen eh ang pagpapaalam sa min ni pearl..Hindi ko din siya napilit na magtagal para saluhan kami sa hinanda namen kasi nga ayaw maging "scorer" ng loka..Parang may maiiscore eh...
"Hows work?Are you tired today?"tanong ko kay Mike habang nililigpit ko ang pinagkainan namen..Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa couch.at niyakap ako mula sa likuran..Naramdaman ko ang hininga niya sa bumbunan ko..This is the 1st time na ganun kami kalapit sa isat isa..Siguro kasi eto din yung 1st time na nagsolo kami sa isang private room.
"I lost my tiredness when I saw you"saad nito sabay halik sa ibabaw ng ulo ko..
sheeett..nakakakilig..libo libong kuryente ang dumaloy sa mga ugat ko..Sinong maysabi na Pinoy lang ang mabulaklak ang dila..Wala atang tatalo sa jowa ko..Salita palang ulam na may bonus kiss pa..na kahit sa ibabaw lang ng ulo ko..may electric shock pa ding hatid.Ninamnam ko pa ang mga sinabi niya sa akin ng bigla siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin..Wala pa naman akong nararamdamang matigas sa may puwetan ko ah..haha..Joke lang..Rated SPG talaga tong utak ko..nahawa na kay Beshie..
Hinarap niya ko sa kanya at kinuha ang kamay ko...
Naku..naku...mukhang magpropropose na ang loko..
"Im not yet ready Hon.."sabi ko na bagamat ikinakunot ng noo niya eh ngumiti naman siya
"This is not not what you think.it is but soon..For now...here..
Isinuot niya bracelet sa akin..Its a cartier love bracelet..which cannot be removed easily without the help of another person ( and the screwdriver)..
Napahiya man ako ng konti sa inisip ko pero sapat na ang binigay niya at sinabi para hindi ko indain ang pagkapahiya..
"Is this not too much Mike?"Its expensive..
"There is no too much for you Mo lin..Your worth is more than any expensive things i can offer"
What I liked most about Mike is the way he says things..yung parang gusto mong maniwala na fairytale do really exists..Yung parang sa kanya hinulma yung mga karakter ng bidang lalaki sa mga Kdrama na napapanuod ko hindi nga lang siya koreano but Taiwanese..And the way he looks at me..yeah men...parang ako na ang pinakamagandang hayop sa balat ng lupa..haha..Kaya naman hindi na ako ngpakipot pa..ako na ang tumawaid sa distansya sa pagitan namen para magtagpo ang aming labi..Smack lang sana pero hinawakan ni Mike ang mukha ko at ginawaran ulit ako ng mainit na halik na tinugon ko din namen ng mas mainit ding halik...Nakakadarang...nakakapaso...hmmmmm....mukang hindi na kakailanganin ng alak ah...at siya na mismo ang nagsakatuparan ng balak....