CHAPTER 21:

1120 Words
Nagtataka na ako sa dalwang ito..May tinatago ba ito sa akin.. "Anong dapat kong malaman about Mike Beshie?" "Kumaen ka na muna Nob"sabi naman ni Edz..Sa apelyido niya ko sanay tawagin..kaya naman alam ko kaagad kung sinu nagchachat sa akin kahit isang messenger ang gamit nila..Magkaiba kasi sila ng naksanayang itawag sa akin..Beshie kay Pearl at Nob kay Edz.. Tiningnan ko ang pagkaen sa mesa..May pizza at isang bucket na chicken sa mesa..May isang 1.5 liters din ng coke..Masarap na dinner..Pero hindi ko makalimutan ang tungkol sa sinabi ni Pearl about Mike.. "Ano nga need ko malaman?!"sabi ko ulit Sasagot na sana ito ng tumunog ang cp nito..Tiningnan nito ang tumatawag..At lumabas ng room..sinjndan ko ito ng tingin.Hindi ito usually nalabas ng room kapag nasagot ng cp lalo at kasama nito si Edz..Selosa kasi ang huli..Yes tama basa ninyo..SELOSA! Edz is a Lesbian..Edz is short for Edios..Matagal na ang dalawa..Siguro mga 8 years na mahigit..Sa Pinas pa lang sila na..Maswerte nga ang dalawang ito at parehas ng company ng magTaiwan..Kaya nga pinush ko dati si Darwin na mgTaiwan din dahil sa dalwang ito..Nakakainggit kasi.. Kinuhit ko si Edz na abala sa paglalagay ng hot sauce sa pizza nito..Tumingin naman ito sa akin pero tumayo din kapagkuwan... "Kape ka din ba like Madam o Softdrinks?Madam ang tawag nito kay Pearl.. "Pizza yan eh..softdrinks syempre"sagot ko naman "alright..bili lang ako yelo sa coop...at kukuha ako ng mainit na tubig..at magagalit nanaman yun..kanina pa pala ako inuutusan magtimpla ng kape.."sabi nito bago lumabas ng room..Naiwan akong mag isa sa room Sabay na bumalik ang dalawa sa silid..Mukhang galing ito sa pagtatalo at nakabusangot ang mukha ni Pearl..Hindi ako nagsalita.Mahirap ng madamay.. "kaen na tayo.."sabi ni Edz..Hindi kumibo si Pearl..nakasimangot pa din..Si Edz naman ay nagsimula na magtimpla ng kape..Kinuha ko ang yelo na nakapatong sa mesa at sinimulan ipukpok sa pader..Dinig sa kabilang room pagpukpok ko pero sanay naman na ang mga tao dun sa dorm..Natapos na ko magcrash ng ice..nakasimangot pa din si Pearl..Nakita ko itong nagdudutdot na sa cp na parang gigil na gigil sa kachat...Napatingin ito sa kapeng inilapag ni Edz sa harapan nito..Doon lang ito napangiti..kapag nakasimangot at not in good mood toh..kape lang katapat nito...Nagtype pa ito sa cp nito bago humigop ng kape.. BETTER DO IT IMMEDIATELY tumunog ang cp ko at ito ang bumungad sa akin..Isinend ito sa group chat namen..at ang sender si Pearl..Nasa group ang lahat ng visual..day at nightshift..All process Engineers pati mga Bosses... "Beshie..ano toh?!"tanong ko habang ngumunguya ng Pizza.. nagkibit balikat ito bago sumagot.. "Alam na niya yun oras na mabasa niya ito" Hindi ko na pinagtuunan ng pansin iyon since hindi naman concern sa akin..at since sa group chat ito sinend..malamang work related ito.. Off ko ngayon kaya legal na tanghali na ko nagising...Hindi naman din kasi ako masyadong nalabas pag off ko since nagtitipid nga ako..Ipon muna..gala later ang peg ko ngayon..Kung hindi lang ako lagi inaaya ni Mike magdate nunka na umalis ako ng dorm..And since hindi naman ako chinat kagabi ni Mike eh automatic hindi kami lalabas ngayon..Ganon kasi ito..bihira ito magsurprise visit..Kapag lalabas kami the next day..gabi palang sinasabi nito..para bang binibigyan ako ng layang tumanggi kung sakali mang may gagawin ako..at kapag ganung wala kaming lakad..nauubos lang ang oras ko sa panunuod ng mga movies or series..At ngayon ay Lucifer's day..Nawili ako panuorin ito..Gwapo pala si Lucifer..Haha..Ito yung series na nagpapatunay na may kabutihan pa din lahat..and that includes the king of hell..Binabago ng pag-ibig ang kahit sinu mang masama..Patapos na ko sa season 3..isang episode na lang...ng magdecide akong maligo muna..At nagsisign na din ng "LOWBATT" ang cellphone ko..Ayoko pa naman nadedrain ang Batt since built in yun..Mas mahal magpalit pag nasira ang battery..Lumabas ako ng room para magcharge sa charging locker..Locker kasi nilagyan na namen ng padlock yun.Dati kasi open lng yun.kaso sa apat na saksakan sa loob niyon..minsan kami pang may-ari ang walang masaksakan.Nakakahiya naman na hugutin yung mga powerbank at nagpaparinig pa ang mga nkikicharge ng walang paalam.Sila pa ang galit huh.. "Kanina pa talaga yun nandun" "As in hindi talaga umalis?" "Oo girl..nadaanan namen yun kaninang magjojogging kami.. "Hala maghapon na siya dun?!" "Siguro..buti nga may upuan dun sa labas..kundi ngawit na ngawit na yun by now kakatayo." Medyo malakas magchismisan itong dalawang toh ha..Hay naku.. "Pinoy ba?Sino daw hanap?"narinig ko pang tanong ulit ng isa.. "oo pinoy!Maureen daw..Hindi naman nagtanong sa coor natin.."Napatigil ako sa pagpihit ng doorknob ng room namen dahil sa pangalang binanggit..kapangalan ko pa kasi..Sinasadya ba ng mga ito iparinig sa akin dahil kapangalan ko ang hinahanap ng kung sinu mang Poncio Pilato na kanina pa nag aantay sa labas?!I dont care eh eh eh eh..Haha.Wala naman akong alam na mgaantay sa akin sa dorm kaya malabo na ako yung Maureen na yun..Tuluyan na akong pumasok ng room para maligo..Wala ako time makichismis.. Isang oras ata ako sa banyo..Ginawa ko pa kasi ang pinagbabawal na teknik..yung mag- ahit sa pribadong parte ng ating katawan..Ewan ko ba..simula ng maging kami ni Mike..hindi ko feel ang malagong "buhok" du.Siguro nacoconsciuos din ako kasi baka may mga biglaang pangyayari..mabuti ng handa...Saktong nakapagbihis na ako ng magulantang ako sa malalakas na katok..Nakakaawa naman ang kamay nito ng kumakatok pero mas nakakaawa yung pinto namen at mukhang bibigay na sa lakas ng pagkakatok..Dali dali kong binuksan ang pinto..Sabi na nga ba..si Papa Bear! Nag iisang lalaki ito sa apat na coordinator namen sa dorm..at sinlaki ito ng Bear..Hindi Teddy Bear ha..Polar Bear ata! .mga Pinoy nga naman...hilig magbansag... "Id number 14035567..Mo lin ma?"nakasimangot na sabi ni sa akin.. Tumango ako sa tanong nito.. "I CALL YOU MANY TIMES WHY NO GO TO OFFICE?!" Hindi ito ganun kafluent magsalita ng English.Actually halos lahat ng coordinator namen na Taiwanese hindi ganun kafluent sa English .So kaming Pinay na lang ngaadjust "I did not hear you!"Wala nga akong narinig aa paging system namen na tinawag ang id number at chinese namen ko..Ganon kasi dito..kapag may kailangan sayo..ipapapage ka..Buong dorm naririnig yun..Kaya siguro ito nakasimangot..Naabala pa itong pumunta sa room namen.. "Go to canteen..Yǒurén nà biān."sabi nito at tumalikod na..nagpahabol pa na "Kuài diǎn!" abah pinagmadali pa ako... Sinara ko muna ang pinto bago sinundan ito..Sino naman kaya mag aantay sa akin sa canteen..Nakalimutan ko daanan ang cellphone ko sa charging area..At baka si Mike pala yun..Baka ilan ito sa "surprise visit"niya...Hindi na ko nagulat na hindi ko na naabutan sa baba ng building namen  si Papa Bear dahil nakakita ko itong nakasakay sa motor niya..Pupunta lang sa building namen..nakamotor pa..Pagkasipag talaga! Sa pag aakalang si Mike ang nag aantay sa akin..inihanda ko ang pinakamatamis kong ngiti na makarating ako sa canteen..Pero naglaho agad yun ng makita ko kung sino ito...Ano ang ginagawa nito dito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD