Chapter 20:Family Problem

1129 Words
pugto nanaman ang mata ko..kanina ko pa kinokontak via messenger sina Tatay pero wala padin..Lahat na halos ng may messenger sa bahay eh trinatry ko tawagan pero lahat hindi nakaonline..Nagpaload na nga ko ng pantawag sa Pinas pero hindi pa din sila nasagot.Nang maputol ang tawag kanina..hindi na ako mapakali..Hindi na nga din ako pinapasok ni Pearl at siya na daw bahala magsabi sa boss..umiyak na kasi ako ng umiyak ng marinig ko na naaksidente si Owel.Pangatlo sa aming magkakapatid si Owel..Sobrang close ko yun.Lahat naman silang kapatid ko malapit sa akin.Pero pinakamalapit si Owel..ultimo 1st crush nito kilala ko..Sa akin siya unang nagsasabi ng problema.Hindi ito kelan man naglihim sa akin..Yung motor na naging dahilan ng aksidente nito..ay regalo ko pa nung nakaraang kaarawan nito..Ansakit sakit lang na anlayo ko kung kelan need nila ko.Yung wala akong magawa kundi titigan ang cellphone ko para hindi ko mamissed ang tawag nila kung sakali.Yung tanging paghihintay ang magagawa ko since i cant be there as of the moment..Dali dali kong inabot ang cellphone ko ng makita kong may tumatawag..Si pearl lang pala.. "Beshie..nakausap ko na si Boss..kaso negative eh..Hindi daw pwede magbakasyon ngayon"bungad nito sa akon.Pinakiusapan ko din kasi siya na ipagfile ako ng leave.. "Hindi naman bakasyon yun eh"Hindi naman talaga bakasyon..may bakasyon ba sa ospital?!o kung wala na sa ospital pag-uwi ko..ikakasiya ko ba na umuwi dahil sa aksidenteng iyon..na uuwi ako kasi nasaktan ang kapatid ko.. narinig ko ang malalim na buntong hininga sa kabilang linya.. "i already told them your reason Mau..kaso ayaw talaga nila" naiinis na pinatay ko ang tawag..Hindi ko siya gustong babaan ng linya kaso naiinis ako..Kahit kelan talaga walang konsiderasyon ang mga boss namen..If its not matter of life and death..walang pag-asang payagang umuwi ng Pinas.Minsan kahit death na dahilan..hindi pa din pinapayagan lalo kung malayo naman daw na kamag anak like lola at lolo..Bayad kasi ang basic pay kahit nakabakasyon eh kaya piling pili talaga ang pinapayagan lalo na ngayong ang daming natapos na kontrata..kulang ang manpower. wala pa naman si Mike ngayon at nagleave ng 7days..Kahapon start ng leave nito..nakakahiyang abalahin ng tungkol lang dun..Mamaya maiissue nanaman..Yun pa naman iniiwasan ko.Halos wala ako nagawa maghapon .nakatitig lang ako sa cp ko..Chineck bawat pagtunog nito sa pagbabakasakaling makabalita man lanh kahit papano sa nangyayari sa kanila..Nakakabaliw pala ang sobrang pag aalala..Dumating na ang gabi wala pa din balita hanggang kinabukasan..Kahit pugto ang mata ko sa pag iyak..wala akong choice kundi pumasok. "Kaya mo na ba beshie?!"tanong sa akin ni Pearl..Off nito ngayon kaya mag-isa akong papasok. "Pwede bang ifile ng ileave ang pag-aalala ko?!Gawing reason na hindi ako  inaaupdate ng family ko sa situation nangyayari sa kanila?!"tanong ko...Hindi ko gustong ganun ang lumabas sa bibig ko lalo at nahimigan ko ang concern sa boses ni Pearl kaso nakakasama talaga ng loob ang hindi pagpayag ng mga BOSS sa bakasyon hinihingi ko. "Beshie....hays..kung may magagawa lang ako.."saad nito.. "Pasenxa ka na din..hindi ko lang kasi talaga alam ang nangyayari sa kanila kaya ganito ako.."hinging paumanhin ko..Hindi ko dapat inilalabas sa iba ang inis ko sa sitwasyon "Eh kung sumama ka sa amin ni Edz mamaya sa ospital..Magsick leave ka..Hingi tayo ng anti depressant.."suhestiyon nito.. "Sira ka..hindi naman na aabot sa ganun..Baka mamaya tumawag na din sila..Pag hindi pa eh..mgreresign na ako para makauwing Pinas.." "Mas sira ka..wag mo gagawin yun" "Hindi naman din siguro nila hahayaang gawin ko yun.Kokontact at kokontact yun..sadyang mainipin lang ako.."ngumiti ako pero hindi umabot sa mata..Niyakap ako ni Pearl sabay sabing... "Patience is a virtue Beshie..Antay antay din kasi pag may time.." Napatawa na lang ako sa tinuran niya..Atleast medyo gumaan ng konti yung loob ko..Talagang pag aantay lang ang magagawa nameng mga malalayo sa Pinas.. Lutang ako hanggang maguwian..wala pa din kasing balita..nakasakay na ko sa shuttle pauwi ng tumunog ang cellphone ko..It was a videocall from my sister Jing! "Ate.."bungad nito..bigla din nawala sa screen ang mukha nito at wari koy inabot kay Tatay ang cellphone.. "Tay..anong balita..Bakit ang tagal niyo akong balitaan..Kahapon ko pa kayo kinokontact pero mukhang lahat kayo dyan nagdecide na wag magonline..Pinatay niyo pa ata mga cellphone niyo..At kahit direct call..hindi ko kayo macontact."dire diretso kong sabi..Na parang sinesermunan ko si Tatay sa tono ng pagsasalita ko..I cant help it..sobra talaga akong nag-alala.. "Anak...huminahon ka nga.."tumawa ito ng pagak bago nagpatuloy.. "Ok naman kami dito..Okay na din si Owel..Malayo sa sikmura.." "Tay naman eh..nakakapagbiro pa kayo..grabe niyo ko pinag-alala.." "Pasenxa ka na anak..hindi ka naman namen ginustong pag alalahanin..sadya lang alam mo naman ang signal dine sa Pinas hindi ba?" "Nandun na ko tay..pero sana sinasagot niyo maski direct call ko..Ako na nga tumatawag para hindi na kayo magpaload pa..wala naman ni isa sa inyong sumagot..Yung isa "out of reach"..yung isa naman ring lang ng ring.."napabuntong hininga kong sabi.. "Asan nga pala si owel..gusto kong makita.." hindi ko pinansin ang paglikot ng mata ni Tatay..saglit itong nawala sa screen.. "Ayaw magpakita anak..at ang pangit niya daw ngayon...sa sunod mo na lang na tawag huh" "Pero okay na siya hindi ba?Nasettle niyo na yung hospital bills?at dadaan ako kay Micor para may maipadala" "Oo anak..malakas pa sa kalabaw ang kapatid mo..Huwag mo na kaming intindhin..Huwag ka na mangutang kay Micor..May ipon pa naman kami ng Nanay mo eh.." "Sure kayo?Hindi kayo kakapusin?Mababayaran din naman iyon..ang mahalaga..maging okay kayo diyan kahit hindi niyo ko kasama..Yun na lang magagawa ko Tay.."naiiyak nanaman ako kaso pinipigilan ko..Asa shuttle ako.Maraming matang nakatingin.. "Anak..sobra sobra na nagagawa mo para sa amin..Huwag mo na kami alalahanin..Okay kami..Magsasabi na lang kami kapag kinapos..Salamat anak.. saktong nakarating na kami sa dorm ng matapos ang tawag .nakahinga na ko ng maluwag dahil sa tawag na iyon.. Dinig kong may mga taong naguusap sa loob ng room bago ako pumasok..Malamang andun na sila Pearl..kala ko gagabihin pa sila at alam kong mamimili pa sila..Nagpasa"buy" na nga lang ako ng ilang stock ko..Hindi kasi ako makapuntang Tainan at baka mapagastos pa ko ng bongga eh nagtitipid pa naman ako.. Natigil ang paguusap ng pumasok ako ng room..Halatang nabigla sila base sa expression nila.. "Kanina ka pa beshie?!"gulat na tanong ni Pearl..Kasama nito ang jowang si Edz at inaayos ang pinamili.. "Para kayong nakakita ng multo Beshie...Kakarating ko lang...Wala naman siguro kayong ginagawang milagro kaya gulat na gulat kayo noh.."panunukso ko.. "Tanga ka ah...pang mamayang gabi pa yun"sabi naman ni Pearl na ikinasamid ni Edz...Kung gaano ka kadaldal si Pearl..siya naman kinatahimik ni Edz..Bihira ito magsalita kung hindi din naman ganun kahalaga pero numero unong bully din ito lalo na sa Lovelife ng mga taong malapit dito.. "Tumawag na sila Tatay sa akin..okay naman daw sila"imporma ko sa dalawa..Nahuli kong nagkatinginan ng makahulugan ang dalawa.. "its good to hear..eh yung kay Engineer..alam mo na ba?"Nakita kong siniko ni Edz si Pearl dahil sa tinanong 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD