Hindi nakapag react sina Daichi at Nishinoya sa lakas ng service na'yun. Ni isang galaw ay hindi ko nakitaan dahil sa bilis ng bola.
Karasuno's Match point.
Pero kung iisipin ang ginawang service ni Oikawa at nagpatuloy na umayos ang porma hanggang 2nd set. Luto tayo jan, Karasuno.
Nilingon ko ulit si Oikawa na kamot kamot ang ulo nito habang nagsosorry sa mga Ka-team.
'I like the aggressiveness though-' Ha? Ano bang iniisip ko? Pakielam ko jan!
"Let's go Karasuno!!!" Sigaw ko. 'Wag nyo ng paabutin ng deuce please!
"Lucky, Lucky!" Sigaw ni Daichi habang pinapakalma ang team. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat sa service ni Oikawa. Mukhang iniisip nito ang risk ng service na'yun at kung chamba ba o hindi.
Mas lumakas kasi ang bigat at bilis ng service ni Oikawa kanina kung ikukumpara sa palagian nitong service. Mabut nang isipin nila na hindi 'yun fluke nang mapaghandaan.
Rinig ko naman ang ingay ni Nishinoya sa baba. "That was intense mga sir!!! Gusto kong ireceive yon!!!!" Hiyaw nito.
Si Hinata naman ay parang naestatwa na sa kinatatayuan. Pinakalma naman siya ni Azumane duon.
"What a sound" ani ng mga katabi ko.
"Sa totoo lang kahit ako ay hindi ko alam kung marereceive ko ba iyon."
24-22 na ang current score. Isang puntos na lang sa Karasuno at makukuha na nila ang unang set. Hang in there mga sis.
Kageyama's service. Pinapakalma naman ng coach ng Seijo ang mga players nito. Phew. Nadig ng libero ang service galing kay Kageyama, malinis nitong naipadala kay Oikawa ang bola saka nito tinoss kay Iwaizumi.
24-23
"Wag nyo ng paabutin sa deuce!!!" Sigaw ko sakanila. Daichi's making them busy. Tama, isang puntos nalang!!!!! Aatakihin na yata ako.
Nahinto ako sa kakacheer ng biglang pumito ang referee for substitution. Kunimi's out and #16 in. Mala Tanaka ang postura nito pero parang galit na galit siya sa mundo. Wala ba siyang friends?
Kung tama ang nasa memorya ko, siya ang sinabi noon ni Oikawa na bumalik sa team. Si "Mad Dog" halata naman ang nickname nito dahil galit na galit ang mukha. Natatawa naman ako sa iniisip.
"Nilagay nila 'yan pandagdag atake." Sabi ko sa kanila.
"Nge? Ngayong set point ang Karasuno"
"Panoorin nalang po natin hehe" Hindi ko alam ang game play ni Mad Dog pero kung tama ang sinabi ni Oikawa sa pwersa ng palo nito. Pandagdag opensa nga sya.
Mukhang nagtataka sina Coach Ukai dahil sa biglaang pagpasok ni #16. Bago ito sa paningin ng Karasuno at parang hidden force pa ito ni Oikawa kung isipin.
Iwaizumi's service. Pumaling ang bola nang mareceive ito ni Daichi. Kinover naman ni Kageyama ito at ipinasa sa left kung nasaan nandun si Tanaka. Na one touch ng Seijo's blocker ang atake mula kay Tanaka.
"Chance ball!"
Pinasa ng libero nila ang bola kay Oikawa. Pumorma naman ito at sinet-up ang bola kay #12 pero ang ikinalaki ng mata ko ang mabilis na pag-apparoach ni Mad dog papunta sa gitna nina Oikawa at #12. Naitulak niya si Kindaichi na dahilan ng pagkawala ng balance nito saka lumundag si Maddog para hampasin ng pagkalakas lakas ang toss na alanganin.
"Sabi sa inyo e' pang opensa siya hehe" Banat ko sa mga katabi ko na nakanganga rin at gulat na gulat. Lumingon ako ulit sa court nang pumito ang referee at sumenyas ng out.
Dahan dahang napahawak si Oikawa sa dibdib nito at madramang tinignan si #16. Hindi ko na napigilan ang halakhak ko dahil dun.
'Ano kaya 'yon!'
"Lucky!" Sigaw ni Sugawara dahil nakuha ng Karasuno ang 1st set dahil sa spiker miss. Nakita ko naman ang pagkotong ni Iwaizumi kay maddog. Mukhang nabunutan ng tinik sa dibdib ang Seijo nang makita ang ginawa ni Iwaizumi. Si Oikawa naman ay nakapamewang at nakahawak parin sa dibdib habang gulat na gulat.
Tinignan ko ang team na nakakumpol ngayon para magmeeting sandal. Sana pumasok sa isip nyong bantayan si #16 hehe.
Galit na galit naman si Iwaizumi at buong time out na pinapagalitan si mad dog. Mga ganung banggaan kasi madalas nakakapag lead sa serious injuries. Nako.
Nag-ingay naman kaming apat na nasa 2nd floor. Kala nyo kayo lang may cheering squad!!!!
"Take the second set too!!!" Ani ni Mr. Yellowed hair!
Bumalik ang tingin ko sa ibaba. Iniisip ko ang frustration nanararamdaman ngSeijo at ni Oikawa ngayon. Bukod kasi sa halatang bola ni #12 'yun, inagaw ni mad dog at pinalo saka nag out ang bola. Ang malala pa nasa set-point ang Karasuno!
Natatawa ako sa isip ko, loko loko 'yun ah!
Mukhang okay naman si Kindaichi nang tinignan ko sa baba. Ang Karasuno naman ay naging tutok kay #16.
'Tama tama 'yan pero kaunting tutok lang ha. 'wag madami'
Sumali narin sa panenermon si Oikawa pero tanging si Iwaizumi lang ang pinakikinggan ni mad dog. Umugong naman ang bulungan sa buong gym dahil sa pagkakuha ng Karasuno sa unang set.
"Bakit naman nag swap ang Seijo sa ganun?"
"Nakuha ng Karasuno ang first set laban sa Aoba Josai!!!"
Sa second set na magkakalabasan ng mga machine guns guys, kalma langa tayo Inhale, Exhale.
Nakasama sa starter si Mad dog. Sabi sa inyo e. Well, it's up to Oikawa on how he will put him to use. Mag-sisimula na ang 2nd set, nagsimula ng magpwesto ang dalawang team sa magkabilang court.
"Get this one Karasuno!!" Cheer naming apat.
Azumane's Service. Hinagis nito ang bola saka pinalo pero tinawagan ito ng referee ng out. Phew good eyes. Next is Oikawa's Service. Hindi na ako nagulat ng gawin ulit nito ang service nito kanina. It's risky kaya tinawagan ulit ito ng out. Pero kung mapapansin ay papalapit na ang distance nung bola sa end line, kaunti nalang at papasok na ito sa court. Napansin rin ito ni Daichi dahil sa bigla nitong pagtahimik. Humingi naman ng sorry si Oikawa sa team nito dahil sa outside service.
"Don't mind, Tooru!" Malakas na cheer ng isang babae sa side ng Aoba Josai. Kung hindi ako nagkakamali ito 'yung babaeng kasama niya sa mall last time.
At saka 'Wow frist name basis na kayo sis.' Nakasuot ito ng uniform ng Aoba Josai at may dala dalang pompoms. Hindi masyadong malinaw ang mukha nito pero alam kong ito ang kasama ni Oikawa, maputi at makinis ang balat at kulay gray ang buhok.
Pakielam ko jan.
Nagfocus nalang ako sa game. Magsama sila.
Tsukishima's Service. Sumabit sa net ang bola pero nadive ng malinis ni Iwaizumi ang bola kaya malinis na pumorma si Oikawa at tinoss sa kanan kung nasaan naroroon si Mad dog. Gulantang kaming apat nang mag parallel apparoach si Mad dog at saka pinalo ang bola ng pa cross cut laban sa tatlong blockers. Straight spike ang natural porma niya pero dahil ang apparoach niya ay parallel to the net ang spike ay nagmukang cross cut. Sabi sa inyo delubyo ang dala niyan e'. Pangalawang beses na'yan Seijo ha! Una si Mattsun ngayon si Maddog!
"That was incredible cut shot! Parang sumasakit ang balikat ko habang inaalala ang porma niya sa mid-air" Sambit ni Mr. Eyeglass.
'Not bad Seijo, not bad Oikawa ang galing mo talagang manggamit.'
Wew parang may hinanakit tayo self ah. Kalma oh kalma.
Itsura ni Tanaka sa baba ay hindi mapinta habang sila Hinata ay amazed na amazed sa atake.
2-1. Lamang ang Aoba Josai. Iwaizumi's service.
Malinis na naipaangat ni Daichi ang bola pero tumawid ito sa net at pumuntang court ng kalaban. Grabe ang pressure ng service nila Oikawa at Iwaizumi isama mo pa si Mad dog. Tsk! Asar!
May nag approach sa Seijo at nag double quick, sina #12 at #16. Mukhang kinabahan si Kindaichi dahil baka makagat na naman siya ni Mad dog kaya nagslow down ang speed nito at hindi nag swing ng kamay para maging decoy. Sa huli tinoss ni Oikawa kay Mad dog ang bola. Nakita ko naman na kinausap niya si Kindaichi dahil malaking kakulangan din sa attack ng team kung may mag back out sa galaw ng players nila.
3-1 na. Iwaizumi's second service. Malinis na nareceive ni Daichi ang bola at mabilis na nag approach si Hinata para sa fast attack nila, agaran naman siyang binigyan ng toss ni Kageyama pero nadig parin ito ni Iwaizumi na nasa back row. Tumakbo naman si Mad dog sa kanan at mukhang gagawin ulit ang ginawa niyang cut shot kanina. Binigyan siya ng magandang toss ni Oikawa, hindi naman ako nagkamali dahil nag sprint siya parallel to the net ulit pero this time sumabit na sa net ang bola. Puntos ng Karasuno.
Ang ganung atake ay- A-rara teka...
Hindi ako makahinga. Humawak ako sa railings at sa kung ano man ang makakapitan ko para makakuha ng hangin pero hindi parin ako makahinga. Lumalabo na ang paningin ko. Ang mga kasama ko ay hinawakan na ako sa mukha at pinagpapaypayan. May sinasabi sila- hindi. May sinisigaw sila pero hindi ko marinig. Naluluha na ako dahil ilang Segundo na akong hindi makahinga bago pa man ako makahinga ay tuluyan ng nagdilim ang paningin ko.
Sandali huwag muna, gusto ko pang manood. Sandali...
"Huwag!" Sigaw ko nang hampasin ako muli ng mga kateam ko sa ulo. Lasang lasa ko na ang dugo sa bibig ko at ang dugo na tumutulo sa pisngi ko papuntang labi ko. Bakit ba pinagdaraanan ko naman 'to? Gusto ko lang naman ng matinong buhay.
Iniwan na nila ako sa likod ng campus. Pinulot ko na ang sarili ko saka na nag-ayos ng damit. Baka may dumaan pa dito at kawaan ako, ayoko nun. Natalo kami sa practice match ngayon araw kaya mukhang sa akin na naman binuhos ang galit nila dahil nakita nilang inabutan ako ng mga kaibigan ko ng tubig.
'Malay ko bang crush nila 'yun'
Wala akong intensyong ipaalam sa kanila ang nangyari. Masyado kaming busy sa mga training at pag-aaral. Iniisip ko palang na sinasabi at pinapakita ko ang sugat ko sa kanila nakicringed na ako sa galit nila kaya hinahayaan ko nalang. Wala rin naman akong intensyong layuan sila dahil sila lang ang kaibigan ko dito, buhay ko'to at ako ang magdedesisyon para sa akin. Pakielam ko sa mga pambubuyo nyo. Mapapagod rin kayo.
Pumunta na akong CR saka nagpalit ng trackpants at t-shirt. May bahid na kasi ng dugo at putik ang damit ko kaya nagpalit na muna ako. Hinilamusan ko narin ang mukha ko at nilinis ang ulo kong nagka open wounds.
"Sana naman walang tetano 'yung pakong sumabit sa akin" Siguradong mapapauwi kaagad sina Mommy at Daddy kung sakaling malaman nila 'to. Baka super mag-alala pa sina Kotarou at Auntie, mabuti na yung easy easy at walang inaalala. Sinuot ko na ang jacket ko para takpan ang gasgas na natamo ko kanina. Wala namang cut sa labi at mukha ko kaya hinayaan ko lang na ladlad ang mukha ko habang nagsuot naman ako ng cap at inilugay ang buhok ko.
"yan pwede na ako magpakita sa kanila." Nakangiti kong sabi sa harap ng salamin. Ngayon ko nalang ulit makakasama ng matagal ang mga kaibigan ko dahil busy sila sa kakatraining habang ako... busy rin sa training haha!
Bahagya akong umaray nang umakbay sa akin si Kuroo nang makita nila ako sa pathway. Nagtaka naman ito kung bakit ako umaray kaya inayos ko na ulit ang sarili ko.
"Ang bigat bigat mo Kuroo! Ano bang pagkain ang ginagawa mo!" True naman, mabigat na siya. Si Kenma naman ay nakatingin lang sa akin habang si Suna ay may kinukwento na naman. Minsan kinakabahan nalang ako sa mga kwento ni Suna e' baka mamaya tungkol na pala sa team namin at sa gulo namin ang chinichika nito! Malakas pa naman ang radar niyang lalaking 'yan!
Nagyaya naman si Kourai sa bahay nila dahil pinaiimbitahan kami ng mama niya para dinner dahil birthday nito. Kahit nahihilo pa at kumikirot ng husto ang mga sugat ko ay sumama na ako. Pigil ang sarili kong umiyak sa harap ng mga 'to pero nakakailang hakbang pa lang ay hindi na ako makahinga ng maayos.
'Tangina, bakit naman ngayon pa? pwedeng pagnakauwi na ako?'
Malakas ang pagkakatama sa likod ko kanina at pakiramdam ko ay dugo ang lumalabas sa bibig ko ngayon. Agad kong pinunasan ito ng jacket kong itim at saka nagpaalam sa kanilang may kukuhanin lang ako at mauna na sila.
Tumalikod na ako sakanila bago pa nila ako harapin. Ayokong makita nila akong naghihingalo. Nang makalayo na ako sa kanila ay saka ako sumandal sa poste, kakaunting hangin lang ang pumpasok sa ilong at bibig ko kaya mas bumilis ang paghinga ko para kumuha ng hangin.
'Ang sakit'
Parang namamaga ang likod ko at mga paa ko. I feel hopeless, pwede naman akong lumaban bakit hindi ko magawa. Mamatay na ba ako? Wala ni isa ang dumadaan sa pathway na pinaghintuan ko ngayon. Nanginginig kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko. Hindi ko pa man nabubuksan ay may humablot na ito at saka pinunasan ang mga luha sa mata ko. Mabilis parin ang paghinga ko pero pinaypayan lang ako nito. May dinaial ito sa cellphone at saka ako pinaypayan ulit.
'Familiar ang boses mo ah, alam mo naba? Sorry ha. Mahina ako'
Narinig ko pa ang mura nito na siyang nagbigay sa akin ng clue kung sino ito. "Tangina bakit naman hindi mo sinabi sa amin. Ito ba ang gusto mo? Ha Mika? Hindi ko sasabihin sa kanila pero gumising ka muna. Stay up tangina darating na ambulansya sa labas. f**k stay up!" Frustrated niyang sabi.
Unti-unti nang nanlabo ang paningin ko. Mukhang hindi na ako makakasama sa birthday ni Tita, Kourai. Pwede bang bumawi nalang ako bukas o sa susunod na araw? Gagawan kita ng paborito mong burger.
"Kuroo, tulungan mo nga akong pakainin si Kenma. Huy Suna ano ba'yan kumain kana rin."
Hindi ko alam kung bakit nakikita ko ang mga ngiti at naririnig ko ang mga boses nila habang papikit na ng papikit ang mata ko.
"S-sorry K-Kenma" Tuluyan ng kinain ng dilim ang paningin ko. Pinipilit ko parin ang sarili ko na gumising hanggang sa may maaninag na ako na liwanag saka gulantang na nagising.
"Sir! Gising na si Mikazuki!"
A-ra? Bakit boses ng babae ang sumalubong sa akin? Shimizu? Kasama ko palang si Kenma ah.
'Lord bakit ka naman ganiyan, sana naman hinabaan mo saglit ang panaginip ko tungkol sa kanila.' Reklamo ko sa isip ko.
Tumakip sa liwanag ng ilaw sina Sir Takeda at Shimizu. Bakas ang pag-aalala nila sa mukha nila. Inabala kona naman kayo. Sigh. Wala na akong nagawang matino.
"Naririnig mo ako? Gusto mo bang umupo?" Ani ni Sir Takeda. Nang maramdaman kong kaya kong umupo ay ako na ang nag assist sa sarili ko para umupo.
"Okay napo ako, bakit raw po pala ako nawalan ng malay?" Sa pagkakaalala ko bigla akong hindi makahinga habang nanonood ng match. Oo nga pala, ano ng ganap sa match.
"Baka raw sa pagod. Magpahinga kana muna. Wala bang masakit sa'yo?" Nag-aalalang sabi ni Shimizu habang nakahawak ang kamay sa akin.
"Opo, wala naman 'ho. Pwede napo ba tayong lumabas?" Hindi ako kumportable sa ganitong puting puting lugar. Nang macheck naman na ako ng doctor ay saka na ako nito pinakawalan. Nakakalakad at hindi naman na ako nahihilo pero alalang alala parin sina Sir Takeda at Shimizu.
"Kung nakita mo lang at itsura mo kanina, halos puting puti na ang muka mo nang ibaba ka nila mula first floor. Dapat kasi nagpaiwan ka nalang dun para magpahinga." Ani nito. "Pero kung okay kana talaga mag-upo ka nalang dun sa tabi ng ate ni Tanaka at huwag kanang tumayo."
Hinatid nila ako sa second floor at pinaupo sa tabi ni Saeko-neesan saka na sila ulit bumaba sa court. Nasa ikatlong set na ng game nang makabalik ako. Nakuha ng Aoba Josai ang game.
Nang lingunin ko ang court, nagreready ang dalawang team para sa ikatlong set. Nagawi naman sa Karasuno ang tingin ko at napansing nakatingin sila sa akin. Nag thumbs up naman ako sa kanila nung mapansin ang mata nilang nag-aalala.
'Ito talagang mga 'to! Mag focus kayo sa game nyo.'
Hindi ako makapag cheer dahil wala akong lakas para sumigaw. Tinanong naman ako ni Saeko-neesan kung ayos lang ako at ipinakita ang picture ko kanina.
'Naks may picture pa ako'
Totoo nga ang sabi ni Shimizu, sobrang putla ko kanina at parang walang dugo ang mukha ko 'don!. Tumabi naman saakin sina Mr. Eyeglass at Mr. Yellowed hair saka ako kinumusta. Sinabi ko naman sakanilang 'okay na ako at huwag na silang mag-alala'
Nabalik ang tingin ko sa baba ng court, hindi ko naman sinasadyang magawi ito sa Seijo kung saan nagtama pa ang tingin namin ni Oikawa. Bakas sa mata nito ang pag-aalala. Ako na ang unang nag-iwas ng tingin sa amin dahil wala akong power makipagtitigan sa ganung mga mata.
'Why? You worried?'
Worried my foot.