Nagsimula na ang ikatlong set. Ang final set. Gusto ko man makipagsigawan sa crowd ay wala pa akong lakas. Mukhang nadrained ang energy kong inistock sa para sa game nyo guys huhu.
'Kaya nyo 'yan guys!'
Nalakad na pabalik ang dalawang team papuntang court at saka pumwesto. Napapainomnaman ako ng tubig dahil masyadong intense ang laban. Ganun din si Coach Ukai sa baba.
'Surpass the Aoba Josai' sambit ko sa isip ko saka sumabay sa 'Karasuno Fight' ng team. Kaya nyo 'yan guys! More power!
"This is it! "
"Yeah"
"Settle the score, Karasuno!"
Rinig kong pag-uusap nina Mr. Eyeglass at Mr. Yellowed Hair.
Azumane's Service. 'Go raise some hell Asahi!!!'
Nakuha ni #16 Mad Dog ang bola at saka malinis na ipinasa kay Oikawa. Malaki ang chance for fast attack kaya naman pinasa nito ang bola kay Iwaizumi to boost their momentum.
Puntos ng Aoba Josai.
Sunod na service ay ang Aoba Josai. Kung mamalasin ka nga naman ay nagsipasukan na raw ang mga bolang hindi pumapasok kanina mula sa kaniya. Mukhang nakuha niyana ang magandang toss. Sigh.
'Cut his serves, Karasuno sis.'
"Give us nice serve, Oikawa!" Sigaw ng mgakateam nito. Get it up guys, you have to receive and get the ball up no matter what! You guys can't let them get ahead!
Hinagis nito ang bola pataas saka nito malakas na pinalo ang bola. Direkta naman itong natanggap ni Azumane pero bakas ang pag-aray nito dahil sa pwersa ng palo ni Oikawa.
'It's so fast, tae.'
Kaso mukhang hindi nababaan ang momentum ng bola kaya lumipad ito patawid ng net. Nag approach naman si mad dog at saka pinatay ang bola sa court ng Karasuno. Gigil naman ang muka ni Tanaka nang makatapat nito si Mad dog.
'Hawakan mo sa tenga'
Ano bang gamit na battery ng Seijo? Hanggang pangatlong set nandun parin ang power! Asar. Ang serve talaga ni Oikawa ang troublesome sa lahat. Dun nagsimula ang momentum ng Seijo ngayong 3rd set, bwiset! Come on guys, stop him!
'Keep raising hell!'
Service ulit ni Oikawa. Mabilis na nadig ni Daichi ang bola at maipataas. Eto na, counter na! counter na!!! Jusmiyo. Tinoss ni Kageyama sa left ang bola kung saan nanduon si Tanaka namangha naman ako nung iwipe nito ang bola sa block ni Mad-dog.
'Kagatin ka niyan bes'
"They somehow manage to stop Oikawa, Grabe kaba ko 'dun" Same mga sir, same tayo ng iniisip huhu.
"Nice Spike Ryuu!" Pagchecheer ni Saeko-neesan. Ramdam ko naman mula dito sa taas ang tension mula kila Mad-dog at Tanaka. Kagatin mo Tanaka, Kagatin mo!
2-1 na ang score. Lamang ng isang puntos ang Aoba Josai.
Tsukishima's service. Malinis na nakuha ng libero ng Seijo ang bola. Tinoss naman ni Oikawa ang bola kay Mad dog saka ito gumanti ng block out kung nasaan si Tanaka.
'Sabi ko na e, si Tanaka ang pinagbabalingan ni Mad dog simula noong second set.'
Gantihan mo Tanaka! 'wag kang magpapatalo! Natawa naman ako isip ko nang makita ang badtrip na mukha nito. Medyo hawig na sila ni mad dog. Sa true lang.
Tinignan ko ulit ang Seijo. Ang pressure ng power at service ni Iwaizumi ay nasa Karasuno na, Isama mo pa si maddog na medyo tagilid pero out of the chart ang power at nagagamit na ng tama ni Oikawa dahil marami pa yatang energy na tinatago ito at pang huli ang captain nilang may ganung service ang mas nagpapabigat sa pressure na binubuhat ng Karasuno ngayon.
'Kayanin nyo 'yan!' Kung hindi nyo sila macocounter tapos na ang 'Nationals' na pinapangarap nyo!
Nagkakapantay naman team sa pagscore at pagmemaintain ng pagiging kalmado sa game. Syempre may naiparating narin na pressure ang Karasuno sa Seijo. Mula sa iba't ibang uring atake na pinapakawalan nila at sa medyo, medyo lang ha medyo magandang defense ng Karasuno kapag nasa back row sina Azumane at Daichi.
'Hang on Karasuno! Don't let go mga sis!'
7-6 na, Hindi naman nagkakalayo ang gap sa pagitan ng score. Medyo kinakabahan na ako pero wala akong magawa kundi ang umupo lang dahil wala pa akong power mga sis.
Azumane's service. 'Go blast them down sis!'
"Whoo! Service Ace!!!!" Sigaw ng mga nasa paligid ko nang bumagsak ang bola sa left court ng Seijo malapit sa sidelines. Shuta, nakaka thrill!!! Tapusin nyo na!
'Nice aim, Azumane. Kapag nanalo kayo ililibre kita ng pamparebond!'
Second service. Malinis na nareceive ni #3 Maki ang bola papunta kay Oikawa saka ito nagfast attack kay Kindaichi.
'Here he comes again'
'Demon server'
Kita sa mga mata ng team ang pressure habang tinitignan si Oikawa sa kabilang court. Pero kailangan nyo siyang harapin guys! Keep on fighting!
Binigyan nito ng magandang toss ang sarili saka ito naghigh jump at hampasin ng pagkalakas lakas ang bola. Sumabit ang bola sa net na siyang nagpababa ng speed nito at saka tumalbog paitaas. Chance ball para sa Karasuno!
'Counter!'
Si Tanaka ang naka receive saka ipinasa kay Kageyama. Nagfast attack naman it okay Tsukishima pero nadig ni Oikawa ang bola dahilan para si Iwaizumi ang mag set kay mad dog na nasa front row. Mataas ang set na binigay nito kay Mad dog pero~
'Nice kill!'
Mukhang nageaim mag block out si Maddog kay Tanaka na nagcommit block pero nabasa iyon ni Tsukishima kaya nakipagpalit siya agad kay Tanaka pakatoss palang ni Iwaizumi kay Maddog.
'Very good ka jan Tsukishima, nabasa mo siya! Same tayo ng iniisip b4!'
Complete shutdown ang bola na nagmula kay Maddog. Ngingisi ngisi naman tinignan ni Tsukishima si Maddog na siyang ikinatawa ko. Ang pangit talaga minsan ng ugali neto e'.
Umugong naman ang ingay sa buong gym dahil sa total shutdown na'yon! Momentum na ng Karasuno!
Dapat pala laging may binubwisit si Tanaka sa kalabang team e'. Nakakapagbuild ng momentum e. Hahaha. Tinapik ni Tanaka ang likod ni Tsukishima sa baba at mukhang ipinarinig kay Maddog ang sinabi nito dahil lumala ang timpla ng mukha ni Maddog. Super mad na siya right now.
Tsukishima's service. Mukhang gustong ipabawi ni Oikawa kay Maddog ang point kanina kaya sakaniya nito binigay ang toss pero malakas na pwersang pinalo nito ang bola kaya nag-out. Mukhang nainis na duon si Oikawa dahil nagbago na rin ang timpla ng mukha nito.
8-9 na ang score. Sa wakas naka lamang narin ang Karasuno. It looks like they pushed the right button hehehe it's number #16.
Nilingon ko si Tanaka 'Ipaglalapit ko kayo ni Shimizu promise'
Papamagatan ko ang third set na'to bilang crows vs dog.
Korni.
Service ulit ni Tsukishima. Keep the pressure on girls! Pero nagtawag na ng time out ang Aoba Josai. Mukhang nilabas nila si super mad dog dahil nagkakalat na ito sa game. Pinasok ulit nito si Kunimi. Super mad niyana talaga as in parang kakagatin niyana ang coach nila noong ilabas siya sa game.
Nang gumawi na si Maddog sa mga bangko ay mukhang nagkakatensyon ang mga ito. Si super mad at si #6 ng Aoba Josai ay nagkakagatan na. Char I mean mukhang nagtatalo na. Hindi ko masyadong rinig ang malalakas nilang sinasabi, tanginag ngrr at ngrew lang. Chos.
Kinuwelyunan naman ni #6 si Maddog saka ito masinsinang kinausap nang dalhin niya ito sa sulok. Akala ko ay super siyang makakagat pero mukhang face lang talaga ni maddog ang galit. Nang matapos sila ay bumalik na sila kung saan nasaan ang iba nilang ka-team. Mukhang kalmado na si maddog at hindi na siya iritado. Paniguradong ibablik siya ng coach nito, ASAP.
Ibinalik nga ito sa game. Nagpatuloy ang laban hanggang sa magdeuce ang Karasuno at Aoba Josai. Nang makascore ulit ang Karasuno sa score na 24-25 nagtawag ng time out ang coach ng Aoba Josai. Bakas sa mukha ng Seijo ang inis sa kasalukuyang nangyayari.
Karasuno service. Nananalangin akong makuha na nila ang puntos. Tumawid ang bola sa net si Iwaizumi ang unang nakatouch sa bola. He's out of the picture now. Tinoss ni Oikawa ang bola kay Maddog na nasa left saka ito nag cut shot. Saktong naka pwesto naman si Tanaka kaya naireceive nito ang bola. Naipasa niya ito sa setter saka ibinigay ang huling touch kay Azumane na nasa back row pero nadig parin ng #3 ng Seijo ang bola at naipagpatuloy ang rally pero pa off court ang direksyon ng bola!
Gulantang ako nang biglang habulin ni Oikawa palabas ang bola saka tinuro si Iwaizumi na nasa kabilang banda ng court!
Sobrang layo ng distansya ni kay Iwaizumi pero nagsuper long and fast set up from outside the court si Oikawa! Idamay mopa ang quick turn nito saka bumagsak sa lamesa!
Medyo lang ha, medyo nag alala ako dahil tumama ang likod nito sa edge ng lamesa. Mukhang okay naman siya dahil agad rin naman itong tumayo kaya sinundan kona ang bola na tumapat sa timing ni Iwaizumi!
Napakaangas nung toss pero nadig parin ng Karasuno ang bola mula kay Iwaizumi. May chance na mag fast attack si Kageyama at Hinata kaya tatlong blockers ang naka stand by sa approach ni Hinata. Sa kaniya nga tinoss ang bola pero na one touch ito ng middle blocker at nag change ng momentum saka tumama sa kamay ni Oikawa na nakapwesto sa butas na maaring pasukan ng bola. Naging tahimik ang buong gymnasium bang bumagsak ang bola sa sahig. Kung hindi pa pumito ang referee ay hindi namin marerealize na panalo na ang Karasuno!
Nilingon ko si Oikawa na nakatayo at nakapamewang habang nakaduko ang ulo. Parang ang sakit isipin na tumama na sa'yo ang bola hindi mo parin nasave. Mukhang na predict niya kung saan pwedeng lumabas ang bola laban sa tatlong blockers pero nag change ito ng momentum nang tumama ito sa daliri ng blockers.
Sa huli, napuno ng hiyawan ang buong Gym. Pasok na sa finals ang Karasuno. Dahan dahan akong kumilos at bumaba ng floor para daluhan sila sa bench.
'Nakuha rin nila ang revenge nila noong interhigh'
Nagkatinginan kami ni Oikawa nang makapasok ako ng court. Wala itong emosyon habang diretsong nakatingin sa akin. Huminga ito ng malalim saka na tumalikod at nilapitan ang team para mag line up.
Si Oikawa lang ang hindi umiiyak sa buong team nila. Mula kay Mattsun nagsisihagulgulan na ang buong Seijo. Nabingi naman ako sa ingay ni Nishinoya habang sinasalubong ang team papuntang bench. Pinaupo naman ako ni Sir Takeda sa bench saka kinausap ang team.
Wala pa akong powers magsalita mag congratulations saka makipagsabayan magsitalon pero congratulations parin guys. Ang galing!
Niyakap naman ako ni Daichi at Azumane sunod si Hinata at saka nagtanong kung okay naba ako. Wala naman na akong nararamdamang iba bukod sa sama ng loob~char!
Nagsipuntahan na sila sa taas para kumuha ng gamit at magsi palit ng damit habang ako naman ay sumenyas na lalabas lang sandali. Para akong pipe na sumesenyas pero wala rin kasi ako sa mood na magsalita. Nadatnan ko naman ang lalaking humablot ng kwelyo ko at ang nanakal sa akin.
'Si Semi'
Nilapitan ako nito at saka kinausap. Close ba kami? "Okay kana? Hindi ba mukhang kalamig lamig 'yang suot mo?" Turo pa nito. True naman medyo giniginaw na ako pero wala na kasi akong extrang damit.
Inabutan ako nito ng paperbag at may laman itong makapal na coat.
"A-no-"
"Sa finals mo nalang isauli." Saka na siya nag walk-out. Bastos ka ha hindi mo ako pinatapos magsalita. Hindi na ako nag-inarte saka na kinuha 'yon at isinuot. Super lamig nang lumabas ako ng gym para tignan ang bus namin. Nandun pa naman at hindi nawawala kaya bumalik na ako ulit sa loob.
Nadatnan ko naman sa hallway si Oikawa at nakaupo mag-isa sa upuan. Nasaan mga ka team mates neto? Bakit nyo naman iniwan captain nyo?!
Nagdadalawang isip pa akong kung lalapit ako pero sa huli hindi na ako lumapit. Pakielam ko jan, konting worry lang naman nararamdaman ko!
Hahanapin ko sana ang team pero natunton ko rin sila agad dahil sa ingay ni Hinata at Nishinoya. Sila yata ang landmark ng team e.
Nag insist si Azumane na magdala ng bag ko at ng mga babaunan na pinagkainan nila kanina. Pinabilang ko naman sakanila 'yun dahil kahit wala pa akong energy ay lalaklakin ko sila ng buo. Nauna na sila sa bus habang ako ay nagpaalam na titingin lang saglit ng Key Chains sa may parking lot. Nakita ko naman ang bus ng Shiratorizawa, 'yung Tendou guy kanina kumakaway sa akin at saka hinatak si Semi para kawayan rin ako. Kumaway narin ako pabalik saka na tumalikod. Loko 'yun a.
"Don't ever forget my worthless pride. Ushijima"
Huh? Boses ni Oikawa 'yun ah. Ushijima? Tinignan ko kung saan nanggagaling ang boses at napagaalaman kong ang lalaking tumawag sa akin ng Tanga ang kausap nito! 'Yung nakabungguan ko sa hallway!
So? Ano namang inaano nito kay Oikawa?
Nabanda ang tingin nito sa akin kaya lumabas na ako sa pinagtataguan ko. Nag peach sign naman na ako sakanila nang lingunin din ako ng nakakunot noong si Oikawa.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nito
"Napadaan lang, alis na ako" hehe, bakit ba nag run ako sa intense nilang pag-uusap! Akala ko tuluyan na akong makakaalis nang bigla akong hawakan sa braso ni Oikawa.
"Sandali, sabay na tayong pumunta sa parking lot." Ani nito. Bakit close naba kami ulit?
Bumitaw ako sakaniya na ikinagulat nito. "Oi, tropa mo ba'to?-"
"Hindi ko siya tropa"
Oo sis halata naman e bakit mo ba ako pinuputol. "Edi hindi, pasabi naman huwag nanghihila ng hindi kaclose. Tnx"
"Bakit hindi nalang ikaw?"
Mukha naman akong napahiya don! Ang pangit ng ugali neto! Punyeta! Pa salamat ka medyo gwapo ka!!!
"Namumuro kana saken" asik ko sa hangin! Abay kanina pa ako pinuputol at inaano e! Mukhang nagtataka naman si Oikawa kung bakit kami magkakilala nung friend niya, magsasalita na sana ako nang biglang may kamay na pumalupot sa kaniya at saka siya inayang umalis.
'Oo nga pala, galit pala 'ko'
Sa hindi ko malamang dahilan tinalikuran ko si Oikawa at wala sa sariling hinawakan ang kamay ni Ushijima saka ito hinatak paalis.
'Shuta wala ako sa mood.'