Pagkagising ko ay wala na si Herv sa tabi ko. Pagbaba ko ay nakita ko siyang naghahain na ng pagkain sa hapag. Hindi muna ako lumapit sa kaniya at tumayo lang ako sa huling hakbang ng hagdanan. Tinitigan ko lang siya habang nag-aayos sa lamesa. Normal na buhay lang naman ang gusto ko pero bakit parang ang kumplikado ng lahat? Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. At itong taong mahal ko ay hindi pala ganoon kasimple tulad ng inaasahan ko. Kung tutuusin ay hindi pala kuwento si Herv tungkol sa sarili niya. Ngayon ko lang din na-realize na kung hindi ako magtatanong sa kaniya noon ay wala talaga akong malalaman tungkol sa kaniya. Natatandaan ko pa na hindi siya pala-salita. Isang tanong, isang sagot lang. Ilang buwan din ‘yon bago ko inamin sa kaniya ang n

