"Ay ano ba naman 'yan!" Sigaw ko dahil nabangga ng isang lalaki na nagbi-bike ang kariton ko.
"Basura mo. Blessing ko. Baduy!" Porket may pambili siya ng bike, may karapatan na siyang laitin 'tong kariton ko? Aba! Aba!
"Oo bakit? Anong problema diyan?" Natigilan siya sa pag-aayos ng bike niya nang makita niya ang mukha ko.
"Teka, namumukhaan kita."
"Wala akong pake." Nanlaki ang mata ko nang marealize ko kung sino siya.
"Ikaw 'yung babaeng naunahan ng pamilya ko no'ng nakaraang araw sa tulugan sa kabilang kanto." Ang kaninang mayabang niyang awra ay napalitan na ng ngiti. Weird.
"Ah okay. Eh ano ngayon?" Napunta ang mata ko sa bike niya. "Pero ang galing! May bike ka na. Saan mo nakuha 'yan ha?" Sumama ang timpala niya nang marinig niya ang sinabi ko.
"Oo at ikaw nagtutulak pa rin ng kariton!"
"Syempre naman. Pagtutulak ng kariton o pagtutulak ng droga? Syempre dito na 'ko sa kariton!" Kindat ko pa sakaniya.
"Alam mo maganda ka." Seryoso niya akong tinignan na parang kinakabisado pa ang galaw ko. Natawa naman ako sa inasal niya, mukhang tanga kasi.
"Alam ko 'yon pero salamat pa rin." Mas lalo siyang nayamot sa sinagot ko pero nagawa pa rin niya talagang sumagot.
"Marami akong raket. Pwede kita isama." Napangisi ako, sabi ko na e.
"Di'ba sabi mo maganda ako? Pwes, kuya hindi lang 'yon ang meron ako, may utak din ako!" Iniwan ko siya nang may ngiting tagumpay sa labi ko habang siya ay kulang na lang ay umusok na ang ilong niya sa inis.
Nang makalayo na ako nang kaunti ay parang gusto ko na lang batukan ang sarili sa inasal na kayabangan. Atsaka malay ko ba baka legal naman pala 'yung raket. Haaay, ang judgmental mo, Tiri!
*~*~*~*
"Magnanakaw! Magnanakaw!" Nagising ako sa malakas na sigaw ng ale mula sa 'di kalayuan. Nakapwesto lang din ito sa bangketa, at mukhang nagtitinda ito ng prutas dahil sa dalawang karitong kasama niya na may mga tira pang mansanas at ponkan.
Ano naman kayang ninakaw sakaniya? Kawawa naman. Mga kawatang wala man lang patawad. Sa kapwa mahihirap pa talaga nagagawang magnakaw!
Pasimple akong umalis sa tabi ni Nico atsaka nilapitan ang kawawang ale na nanakawan.
"Ano pong nanakaw sainyo?" Gulat siyang napatingin sa'kin. Nakita ko ring pinusan niya ang luha sa gilid ng mata niya.
"Y-yung perang iniipon ko, hija. Para sa birthday 'yon ng apo ko e." Hindi na niya napigilan pa ang umiyak.
"Kelan po ba ang birthday niya?"
"Bukas na. Ipambibili ko sana 'yon kahit kakanin man lang sa palengke." Kitang kita ko ang lungkot at pagka-disappoint sa itsura niya. Niyakap ko na lang siya para kahit papaano ay gumaan ang nararamdaman niya dahil kahit gusto ko mang tumulong, wala naman akong maitutulong.
"Nasaan po siya?"
"Nandito lang 'yon. Hindi ko pa lang nahahanap dahil sumakit ang tuhod ko kanina. Hindi kasi ako taga-rito, dinayo ko lang para sana nga hanapin ang apo ko."
Tapos na nakawan siya agad. Ayos talaga!
Nang makita kong nagiging okay na siya ay nagpaalam na akong babalik na sa pwesto ko. Kahit ang totoo ay may misyon akong gagawin ngayon. Sana nga ay 'di ako pumalpak.
Tahimik akong naglalakad habang pinagmamasdan ang kagaya kong nakatira sa lansangan na ngayon ay mahihimbing na ang tulog.
Kung tutuusin, kung may makakita sa'kin ngayon ay sure na sure na ako ang mapagbibintangang magnanakaw.
Mas lalong naging maingat ang galaw ko nang marating ko na ang lugar na pakay ko.
Napakurap ako nang makita ang pamilya niyang mahimbing na rin ang tulog. Magkayakap ang nanay at tatay niya at sa gitna nila ay ang bunsong babae habang ang dalawang lalaki naman ay nakanganga habang nakatiyaya!
Anong oras na nga ba? At bakit may kulang pa rin sa miyembro ng pamilya?
Nako, sinasabi ko na n–
"Anong ginagawa mo rito?"