Chapter 5

646 Words
"Please, pag-usapan naman natin 'to." "Wag. 'Wag. Please? M-may nagawa ba akong mali? T-then, sorry. Hindi ko alam. Please." Nagtago ako sa likod ng puno matapos kong marinig ang hagulgol ng babae. May kausap siya sa phone at mukhang nakipag-break ang boyfriend niya sakaniya. "Pagod na rin naman ako ah? Pero sumuko ba ako? Hindi naman di'ba? Ang daya. Ang daya daya ng mundo!" Iyak niya pang lalo pero mukhang sa pagkakataong 'to ay kausap na lang niya ang sarili niya. Curious man ay takot pa rin akong tignan nang maigi ang babae dahil baka makita niya ako. "Wala na. Wala na 'yung nag-iisang inspirasyon ko para mabuhay. Dapat sa'kin mamatay na rin ngayon." Pahikbi-hikbi niyang bulong. Parang nawala ang kung anong takot nang marinig ko ang huli niyang sinabi, dahan-dahan kong sinilip kung sino ang nagsasalita at natigilan nang makita ko ang kumikislap niyang pink na buhok. Siya 'yung babae sa park na nagtapon ng Milktea! Agad akong lumabas sa pinagtataguan kong puno at pumunta sa kinalalagyan niya. Napaangat naman siya ng tingin sa'kin at mas lalong sumama ang awra niya. Gano'n ba ako kapangit??? "Ikaw na naman? Likas ba sa'yo ang umepal?" "Sabihin na nating oo. Pero mas okay namang mawalan ako ng dignidad ngayon kaysa tuluyan kang mawalan ng buhay, di'ba?" Magkahalong pagkagulat, inis, at...tuwa ang nakita ko sa mata niya bago siya nag-iwas ng tingin. "Dahil sinabihan mo na akong epal, sasagarin ko na. Hindi ko alam ang pinanggalingan mo pero kahit ano pa 'yan, kahit kailan, walang magiging sapat na dahilan para magpakamatay." Pinunasan niya ang luha niya bago suminga sa hawak niyang panyo. "Sinukuan niya na ako. Ano pang rason para kumapit ako sa buhay ha?" "Marami pa. Tumingin ka lang sa paligid mo. Sinukuan ka lang niya, isa lang siya." Iiling-iling naman siyang sumagot. "Hindi siya 'lang.' He's my everything!" Ay wow, tignan mo ang isang 'to, iningles pa 'ko. "Talaga ba? Kung siya ang everything mo edi sana 'yung time na nakipag-break siya sa'yo kanina dapat nawala na sa'yo lahat. Dapat hindi ka na rin nahinga ngayon." Nanliit ang mata niya atsaka kumunot ang noo. "P-pero basta siya lang ang gusto ko." "Edi go, ipagpilitan mo. Ipagsiksikan mo 'yang sarili mo sa isa hanggang sa makalimutan mo na lahat ng mayroon ka." Hindi ko na hintay pang maka-sagot siya. Iniwan ko na siyang nag-iisa habang naguguluhan pa rin sa mga pinagsasabi ko. Naniniwala na kasi ako ngayon na makikita ko pa siya ulit. *~*~*~* Pagkain o pride? Paulit-ulit kong bulong sa sarili ko dahil magdadala na sana ulit ako ng kalakal sa junk shop kaya lang medyo minalas at 'yung malditong lalaki na naman ang bantay ngayon. Nasaan na ba kasi ang may-ari nitong si Kuya Benjamin? "Ano ba miss, nakakahilo ka na ah. Padaan-daan ka." Ito na nga ang kupal na lalaki. Napansin pa ang pagiging aligaga ko. Tsk. "Eh kasi hehe magbebenta sana ako." "O, tapos?" Pinupuno ba talaga ako ng lalaki na 'to? "Ayos ka pala e! Nagtatanong ka di'ba?" Sasagot pa sana siya kaso dumating na si kuyang may-ari talaga ng junk shop na 'to. Yes, buti nga sakaniya. Feeling may-ari. "Anak, anong kagaluhan 'to?" Nakita ko namang napangisi ang lalaki habang naiwan akong tulala. Anak? Anak ng butete talaga!!! "Magbebenta lang po sana ako ngayon." Nahihiya akong tumawa bago isa-isang nilabas ang mga kalakal na nakuha ko. "Ate Tiri!" "O, Nico? Saan ka ba nanggaling?" Hingal na hingal siyang napahawak sa tuhod bago muling umayos ng tayo. "Auhm," Napatingin siya sa mag-amang nakatingin sa'min ngayon. "diyan lang po sa park." Tumango naman ako bago tumingin ulit sa kausap ko. May pagtataka sa mukha ni Kuya Benjamin habang ang anak niyang maldito ay parang nakakita ng multo. "May kapatid ka pala, hija." Ngumiti pa si Kuya Benjamin. "Ay opo. Si Nico." Turo ko kay Nico, nahihiya naman itong bumati pabalik atsaka nagtago na sa likuran ko. Tuwang tuwa si kuya Benjamin kay Nico habang ang anak naman niyang maldito ay nakatayo pa rin sa kanina niya pang pwesto at hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD