Hello kuya! Marami akong ibebenta ngayon." Masayang bati ko kay kuyang cute boy na bantay ngayon dito sa junk shop.
"Nako lunch break ngayon. Balik ka na lang mamaya." Mataas pa sa sinag ng araw ang kilay niya ngayon. Okay, kalma ka Tiri.
"Aba naman porket may bago ng tauhan 'tong si kuya, may pa-lunchbreak-lunchbreak pang nalalaman. Opisina lang?" Lalong sumama ang tingin niya sa'kin.
"Maldito. Sayang cute pa naman." Mahina kong bulong pero mukhang narinig niya dahil parang nandidiri na ngayon ang tingin niya. Yabang, akala naman kung sino, medyo magka-uri namin kami ah?
"Umalis ka na." Walang gana niyang sabi.
"Kuya baka naman? Ang layo pa kasi ng pinanggalingan ko atsaka kawawa naman 'yung kapatid ko, walang makakain ngayong lunch." Sana nga ay umepek ang drama ko sa katirikan ng araw, wala siyang puso kung hindi.
"Aba h-hoy! Tekaaaa!" Wala na. Late na dahil sinaraduhan niya na ako ng yerong pintuan nila. Ang dyahe, wala nga talagang puso!
*~*~*~*
"Dalawang tasa ng champorado. Isa para sa'kin at isa para sa cute na si Nico." Inayos ko ang mga tasa sa harapan namin bago humila ng upuan atsaka tumabi kay Nico.
"Thank you, ate."
"Welcome. Sorry ha? Tanghalian–merienda na, epal kasi 'yung lalaki na 'yon kanina!" Iritang irita kong paliwanag. Nanliit naman ang mata ng batang kasama ko, mukhang nagtaka kung sino ang tinutukoy ko.
"L-lalaki? Bakit po?"
"Wala 'yun. Sige na kumain ka na." Napabalik ako ng tingin sakaniya dahil hanggang ngayon ay nakatingin pa rin siya sa'kin. At may halo pang pang-aasar sa ngiti niya.
"O, bakit?" Taas kilay kong tanong.
"Crush mo ate 'no? Ikaw ah, malapit mo na akong ipagpalit." Halos mabulunan naman ako sa sinabi niya habang tawang tawa naman siya.
"Ikaw na bata ka, saan mo natutunan 'yan? Nagiging green na utak mo!" Kurot ko pa sa tagiliran niya dahilan para mapaigtad siya. Buti nga sakaniya.
Sandali kaming natahimik at naging busy sa pagkain.
"Uy Nico, nga pala." Ibinaba niya ang basong iniinuman bago nagpunas ng labi.
"Ano po 'yun?"
"Yung mga kapatid mo ba? Nakita mo? Nakita ka ba nila?"
"Nakita ko po sila. Nakita rin po nila ako pero parang wala lang. Alam naman po nila ang tungkol sa'min ng kuya ko. Mukhang galit pa nga po sila na nakita ako, narinig ko sabi nung isa, dagdag palamunin na naman daw po." Lumungkot ang expression ng mukha niya. Napasimangot din ako dahil ang malas ng pamilyang napuntahan nitong si Nico.
"Pinakilala ba sa'yo 'yang kuya mo? Nasaan siya?" Naisip ko kasi na ang kuya na lang niya ang natitirang pag-asa, sana lang ay mabuting tao 'yon.
"Wala raw po silang balita do'n. Ni hindi po nila nabanggit ang pangalan." Halos bumagsak naman ang balikat ko dahil mukhang mahihirapan kaming hanapin ito.
"Bakit niyo naman po natanong 'yon? Hayaan niyo na po sila, masaya naman ako sainyo." Ngumiti pa siya ng sincere. Ang batang 'to talaga, masyadong pinapataba ang puso ko.