Maaga palang ay nag-decide na 'kong bumangon para makapag-banat ng buto lalo pa ngayon na kasama ko na 'tong si Nico. Ayoko namang pati siya ay makaramdam ng gutom.
Natigilan ako nang mapadaan ako sa simbahan. Linggo pala ngayon pero bakit gano'n parang hindi na ramdam? Parang bawat Linggong dumaraan, mas nababawasan ang parokyano.
May mga nagtitinda pa rin sa labas ng simbahan pero hindi na gano'n karami. Puro magtotropa na lang din ang magkakasama at kaunti na lang ang nakita kong mga pamilya.
Naupo ako sa waiting shed nang makita ko ang isang pamilya na kalalabas lang ng simbahan at papalapit sila ngayon sa kinalalagyan ko, mukha silang mayaman at ang ganda ng anak nila. Naka-yellow ito na dress bumagay sa mestiza niyang kulay. Parang anghel ang itsura niya, ang galing!
"Hija, kasasabi lang sa preach na matuto tayong makuntento sa kung anong mayroon tayo tapos nagrereklamo ka na naman agad." Puna ng nanay niya sakaniya. Nagulat ako ng tumigil siya sa harapan ko bago hinarap ang magulang niya.
"I told you mom, dad! I don't like in my school. I want to transfer, ASAP! And oh, I don't care about those boring preaches!" Umirap pa ito bago sumakay sa kotse nila mula sa 'di kalayuan. Napa-face palm na lang ang magulang niya.
Kawawang mga magulang.
At nakakainis din dahil mali ang akala kong mala-anghel siya. Maling mali.
*~*~*~*
"Ang daming rich kids ngayon sa lugar natin ah?" Amaze na amaze na sabi ni Nico habang hindi inaalis ang tingin sa mga rich kids na panay ang posing sa magandang park ng lugar namin.
"Maganda kasi ang lugar natin. Kaya dinadayo nila."
"Malinis pa." Dugtong niya.
"At ayan, sila ang taga-rumi!" Masama kong tinitigan ang isang babae na kulay pink ang buhok na nagtapon na lang basta ng pinag-inuman niya ng milktea.
"Ang mayayaman na 'to, may pangbili ng Milktea pero good manners wala." Pag paparinig ko pa kay pink hair at padabog na kinuha ang bote ng milktea niya sa sahig.
Sinadya ko pang ipakita sakaniya na itinapon ko 'yon sa tamang basurahan. Sayang nga pwede ko ng idagdag 'yon sa kalakal ko pero 'wag muna ngayon, nakakawala ng poise!
"Ebarg, girl! Ganda mo here." Napasimangot ang petite na babae sa comment sakaniya ng kaibigan. Palihim kong tinignan ang picture niya sa phone, maganda naman pala ah? Anong sinisimangot–
"Ihhh ang taba ko!" Napapikit na lang ako at pilit na ikinalma ang sarili. Nakita ko namang nagpigil ng tawa si Nico.
"Nahiya ang matataba sa lagay niya. Atsaka ano bang masama sa mataba? Hindi ba normal na magkaroon tayo ng fats sa katawan? Kapag hindi ka sexy, wala ka ng karapatan gano'n?" Naka-pamewang kong tanong kay Nico na ngayon ay tuloy pa rin ang paghagikgik sa pinagagawa ko.
"Bakit nga ba gano'n, ate? Parang lahat ngayon napapansin ko gusto talagang magka-abs, mga muscle gano'n. Hindi po ba pwedeng makuntento sila sa kung anong binigay sakanila ni God?" Nagulat ako sa tanong niya dahil para na siyang matanda. Teka, ilang taon na nga ba 'to?
Dali-dali ko siyang hinila sa isang wooden bench at tinignan ng masinsinan.
"Alam mo, wala naman sanang masama kung maghangad ka ng gano'n kasi kailangan din naman talaga natin magkaroon ng healthy body kaya lang ang masama, e 'yung ikahiya mo 'yung kung ano ka ngayon."
Natahimik sandali si Nico, mukhang inintindi pa ng maigi ang sinabi ko bago tumango at ngumiti
"Ano ba 'tong mga pinoproblema natin. Halika na nga, maghanap na tayo ng pangkain!" Sabay naman kaming natawa dahil parehas naming napagtanto na wala pa kaming kakainin para mamaya.