Chapter 2

714 Words
Sabi ko na talaga e. Kung pangit ang araw mo ngayon, asahan mo bukas maganda na! Tignan niyo? Tanghali pa lang at kumita na ako ng fifty pesos. May masarap na makakain ngayon ang mga bulate ko sa tiyan! "Aling Zetty!" Masaya kong bungad habang dala-dala ang isang piling ng saging na binili ko para sakaniya. "Pambawi!" Sinamaan naman niya ako ng tingin. "Nag-abala ka pa. Sana binili mo na lang ng pagkain mo." Gano'n pa man, tinanggap pa rin naman niya kaya natawa ako. "Meron naman na po ako. Hindi naman po kailangan ng sobra-sobra." Napangiti siya bago inayos ang hawi ng buhok ko. "Ibang klase ka talaga. Nga pala, salamat dito." "Wala pong anuman. Salamat din po sainyo." Haaaay, thank you Lord kahit walang wala ako nagawa ko pa ring magpasaya ng tao. *~*~*~* "I want that mommy." Rinig kong turo ng batang babae sa isang barbie doll na nakasabit sa isang tindahan dito sa palengke. "No baby." "But mommy–" "Look baby," Nagpalinga-linga ba ang maarteng nanay sa paligid bago bumulong kaso narinig ko pa rin. "It's cheap. I will buy you one in the mall, later. Okay?" Halos mapunit naman ang ngiti ng anak niya habang halos kumawala naman ang mata ko sa pag-irap. Arte niya, sige lang sanayin niya lang ang anak niya sa kaluhuan, ewan ko kung 'di sumakit ang ulo niya pag nagtagal! "Ate Tiri." Pagyakap sa'kin ng isang bata. "Nico???" Ngayon ko na lang ulit nakita ang batang 'to. Minsan ko siyang nakasama mamuhay dito sa kalye pero ewan, isang araw bigla siyang nawala. "Saan ka nagpunta ha?" Napangiwi siya bago ako hinila sa maliit na street na kung saan walang masyadong tao. "Nabalitaan ko po kasi no'n kung nasaan ang tunay kong magulang kaya ayun, umalis ako agad. Sorry ate ha." "Successful naman ba?" Humaba ang nguso niya bago umiling. "Hindi nila ako tinanggap ate. Nagulat ako, sampu ang kapatid ko." "Sampu???" Gulat kong tanong. "Tapos ano, hulaan ko, wala silang pangkain sa mga 'yun ano?" Napatawa naman si Nico atsaka tumango. "Dose talaga kami. 'Yung pangalawa sa bunso at ako na bunso, pinamigay. Hindi na raw kinaya." Ramdam ko ang boses niyang puno ng sama ng loob. Hindi ko mapigilang mapa-iling. "Yung kuya mo palang, pinamigay na nila dahil alam nilang hindi na kaya. Pero aba, ginawa ka pa rin talaga. Hindi ba pwedeng??? Itiklop nalang muna ang dapat itiklop???" Ang paiyak na bata ay natawa na ngayon. "Pero sana nga ate, sana nga. Hindi na lang." Natigilan ako sa sinabi niya. Medyo nakakapagsisi bakit ko pa nasabi 'yon. "Ano ka ba? May dahilan pa rin kung bakit ka nabuo. May purpose ka sa mundong 'to, okay?" Pinusan ko ang luhang pumatak sa kaliwang mata niya. "Tulad po ng ano?" Natigilan ako dahil sa totoo niyan, hindi ko rin alam. Atsaka sino bang nakakaalam? Basta meron. "Auhm? Dahil sa'yo, m-may kasama ako ngayon. Tama? Kung wala ka rito, baka tuluyan na akong nabaliw kakausap sa sarili ko." Wew, nakalusot ako. At mukhang na-convinced ko siya dahil niyakap niya ulit ako nang mahigpit. *~*~*~* "Ate okay lang po ba kung sasama muna ako ngayon?" Natigilan ako sa pag-aayos ng mga bote at napangiti sakaniya. "Oo naman." "Promise po, tutulungan kita. Parang dating gawi?" Hindi ko naman mapigilan ang kurutin ang magkabila niyang pisnge at sabay kaming natawa. "Ate grabe umuulan ng bote ngayon ah?" Puna niya sa ginagawa ko. "Oo nga. Alam mo hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi e." Kunot noo niya akong tinignan. "Bakit naman po? Dapat matuwa ka, marami tayong kikitain." Napailing naman ako sakaniya. "Pero mas maraming plastic bottles, mas malaki ang chance na masira ang earth." "Oo nga po 'no? Pero hayaan na lang po kaya natin muna?" "Gano'n na nga. Kaya dapat hindi natin itake advantage ang lahat ng 'to. Bukas o makalawa, baka ipagbawal na nila ang mga plastic." Natigilan siya na parang may light-bulb na biglang nagliwanag sa ulo niya. "Wag po kayo mag-alala. Nakakatulong pa rin naman tayo di'ba? 'Yung mga ginamit na ng mga tao, hindi agad napupunta sa basura. Nakakalakal pa natin!" Natawa naman ako sa naisip niya. Nakakatuwa talaga siya dahil narealize niya pa ang cycle na 'yon? "Ang galing galing naman talaga! Dahil diyan, may tinapay ka sa'kin bukas sa bakery!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD