Chapter 7

727 Words
"Anong ginagawa mo rito?" "Ikawhmmlmmllmshshs" Tinakpan niya pa ang bibig ko bago hinigit papalayo sa lugar ng pamilya niya. "Pwe! Ang alat." Napapikit naman siya at napabuntong hininga. "Bakit ka nandito?" Inis na inis niyang bulong. "Bakit ngayon ka lang umuwi?" Mataray kong tanong atsaka pumamewang. "Pwede ba? 'Di kita nanay! Atsaka bakit ka-concern ha?" Natawa naman ako sa dinugtong niya. Joker pala ata talaga 'to? "Ang kapal din talaga ng libag mo sa katawan e 'no? Wala akong concern sa'yo, pero do'n sa matandang ninakawan mo, meron." Napangiwi ako nang maalala ko ang iyak nung matanda. Nakayuko na lang ngayon ang kumag at hindi makatingin sa'kin. "K-kailangan ko ng pera." Bulong niya. "Malamang kaya mo nga ninakaw." Napanganga siya sa sagot ko bago umiling. "Ibang klase ka talaga." "Alam ko. Pero 'wag mong ibahin ang usapan." Napabunting hininga siya bago sumandal sa pader. "Magbi-birthday na kasi 'yung bunso kong kapatid. Gusto niya 'yung barbie doll do'n sa palengke, ireregalo ko s-sana." Hay nako, ang mundo talaga, masyadong konektado. Akalain niyo 'yun? "O, bakit ka natatawa?" Sumeryoso ang mukha ko nang marealize na natawa na pala ako sa realizations ko. "Alam mo ba 'yung ninakawan mo? Birthday din ng apo niya bukas. Ipambibili raw niya 'yan sana ng kakanin. Kaso nanakaw mo na nga."  Irap ko pa. "Gano'n ba? H-hindi ko alam. H-hindi ko rin naman ginusto." "Pero nagawa mo na." Narinig ko ang buntong-hininga niya. "Tapos alam mo ba ulit? 'Yung barbie na gusto ng kapatid mo, bet din 'yon no'n nung batang babae, mayaman. Ayun lang, syempre 'di pumayag 'yung 'mommy' niya. Cheap daw kasi. Gano'n naman sila di'ba? 'Yung mga pangarap natin, basura lang para sakanila." Napaiwas ako ng tingin dahil mukhang malulusaw ako sa tingin ngayon sa'kin ng lalaking 'to. "Hep–'di pa ako tapos. Kasi may isang lalaki, pinagtawanan 'yung slogan ng kariton ko. 'Baduy' daw 'yung 'Basura mo. Blessing ko.' as if namang 'di totoo di'ba?" Binigyan ko pa talaga ng diin 'yung 'di'ba' atsaka pinanlakihan siya ng mata. Nakakagulat dahil parehas kaming natawa. Bilang pambawi, bigla ko siyang inirapan. Napataas naman ang kilay niya. "Tama na ang drama na 'to. Kadiri." Iiling-iling kong sabi at tuluyan na siyang tinalikuran. "S-sandali!" "Yes?" Tanong ko nang 'di pa rin siya nililingon. Naramdam kong patakbo siyang lumapit sa harapan ko. "Paki-balik kay lola. P-pasensya na kamo." Dinukot niya ang tupi-tuping benteng naka-ipit sa bulsa ng pantalon niya. "P-pwede ba tayong maging friends?" Napataas ang kilay ko sa drama pati na rin sa pagkautal niya. "Friends." Hablot ko sa mga benteng hawak niya. Nakita ko namang napangiti siya ng kaunti kaya mabilis na akong tumalikod sakaniya dahil sa 'di malamang dahilan e nangingiti na rin ako. *~*~*~* "Nico?" Napabalikwas ako sa kinahihigaan ko nang makitang wala na ang bata sa tabi ko. Mataas na rin ang sikat ng araw. Tinanghali na talaga ako ng gising dahil sa rami ng ganap kagabi. "Ate, kain na." Bigla niyang labas sa kariton at may hawak na styrofoam ng pansit. "O, saan mo nakuha 'yan?" Kibit-balikat naman niya akong sinagot at dahan-dahan na umalis sa loob ng kariton. "Hindi ka maniniwala ate. May nag-iwan ng pansit sa tabi natin. Ito bumungad sa'kin paggising ko." Ngiti-ngiti pa niyang kwento. Kunot noo ko namang tinignan 'yon. "Hindi man lang nagpakilala. Pero uy, thank you kay Lord ah." Napatango rin siya at narinig kong nagpasalamat din. "Kain na po tayo?" Inabutan niya pa 'ko ng tinidor. "Tara na nga. Sana lang talaga walang lason 'to." Untag ko bago sumubo ng pansit, narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa. *~*~*~* "Sandali lang po ah, cr lang po ako ate." Paalam niya sa'kin bago inusod ng kaunti ang kariton. Kumaripas naman siya ng takbo papunta sa public restroom na ngayon ay mahaba-haba ang pila. Nabalik ang tingin ko sa pinaglagyan ng pancit kanina. Kanino naman kaya galing 'yon atsaka anong meron? "Nakakainis pa-mysterious effect pa." Mahina kong bulong atsaka pinagpag ang nahulog na unan ni Nico. May papel na nahulog sa loob ng unan! Kunot-noo kong dinampot 'yon, bumungad sa'kin ang greeting na: "Happy Birthday!" May isa pang tiklop ulit kaya binuksan ko na rin. "Pansit, para mas humaba pa ang buhay mo. Mag-iingat ka palagi." Birthday. Pancit. Nico. Birthday ni Nico??? Sandali, hindi kaya... "Hija!" Tapik sa'kin ng matandang tinulungan ko kagabi kaya mabilis kong ibinalik ang papel sa unan na kinalalagyan niya. "Po? Ikaw po pala 'yan." May gulat pa sa tono ng boses ko. Buti na lang at 'di niya napansin dahil ngiting-ngiti pa rin siya sa'kin. "Lola Flora?" Dahan-dahan akong napatingin sa kaliwa ko at nando'n si Nico, gulat na gulat na nakatingin sa matandang babae. "Apo!"  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD