Chapter 31

647 Words

"Ang haba talaga ng hair mo, Tiri." Matinis na sigaw ni Maudie nang matapos kong ikwento sakaniya ang ginawang pagtulong sa'kin ni Zion. "Gusto lang naman tumulong nung tao." Mahinahon kong sagot sakaniya. Napairap siya. "Talaga ba? Hindi mo ba nararamdaman na gusto ka niya? Well, ako kasi, feel na feel ko." Pumikit pa siya habang ngiting ngiti. "Issue mo ha. Friends lang kami." "Ay ang showbiz, Tiri." Sabay naman kaming natawa. "Seryoso, umamin na ba siya sa'yo?" Iiling-iling ko siyang sinagot. "Weh? 'Di nga?" Sarcastic niya pang tanong. "Oo nga. Wala rin naman talaga siyang aaminin." "O? Eh bakit dismayado ka?" Pang-asar niya akong tinignan. "Ano ba naman 'yan, Maudie. 'Wag ka nga. Kaibigan lang ang turing non sa'kin." Napangisi siya bago kinurot ang tagiliran ko. "You mean..."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD