Chapter 3

1249 Words
Madelight's POV Hindi ko talaga alam kung malas lang ba ako o sinadya talaga ng tadhana na mapahiya ako sa unang linggo pa lang ng klase. Maaga akong pumasok sa school ngayon. Second day ng pasukan pero pakiramdam ko ay parang midterms na agad ang kaba ko. Nakasuot ako ng simpleng uniform. White blouse, pencil skirt, at black shoes na medyo nagasgasan na sa kakalakad ko tuwing nagde-deliver ng food. Naglagay lang ako ng light powder at lip tint kasi hindi naman ako mahilig sa make-up. Habang naglalakad ako papunta sa building namin. Nag-vibrate ang phone ko. Pagtingin ko. Si Yan iyon. Yan: Hoy! Nasaan ka na? Hindi ako nakapasok kahapon. Nandito na ako sa may fountain!" Me: Papunta na ako! Akala ko absent ka na naman sa buong week a. Yan: Excuse me! May karamdaman ang best friend mo kahapon. Pero now ready to slay na ulit ako. Me: Slay daw pero antok pa rin ang mukha mo for sure. Napangiti ako habang naglalakad. Si Yan talaga hindi nagbabago. Siya yung best friend kong parang kapatid ko na. Simula bata pa lang kami magkasama na kami sa lahat. Sa hirap, sa saya, pati sa mga sabit. Kaya noong nalaman kong ka-classmate ko na siya ngayong second year. Grabe tuwang-tuwa talaga ako. Habang nagcha-chat kami. Hindi ko namalayang nakapasok na pala ako sa hallway ng main building. Doon napansin kong ang daming estudyanteng nagkukumpulan. Yung iba pa nga halos sumisigaw na. "OMG, parating na raw sila!" "Si, Zach! Si, Zach! Ayan na, girl!" "Kyaaaaa! Ang gwapo talaga!" Napakunot-noo ako. Sila na naman iyon? Naalala ko tuloy kahapon yung unang araw ng klase. Puro pangalan lang ni Zach at ng barkada niyang HIT4 ang naririnig ko. Sila raw yong mga varsity players. Mga anak mayaman at pinaka-popular sa buong Elite International University. Hindi ko alam kung ano bang meron sa kanila at parang sinasamba ng lahat. Pero dahil curious din naman ako at wala rin akong ginagawa habang hinihintay si Yan. Nakisabay na lang ako sa mga nagkukumpulan. "Ang pogi ni, Zach, grabe!" "Mas pogi si, Chendrix, parang K-drama vibes!" "Si, Danrel, yung tipong maloko pero boyfriend material!" "Si, Brixzain, naman tahimik pero ang lakas ng dating!" Parang mga komentaryo ng mga fans sa isang concert. Napailing na lang ako. "Mga babae talaga." Mahina kong sabi habang tinataas ang cellphone ko para makita kung sino bang pinagkakaguluhan nila. At doon nakita ko siya. Si Zach! Tall, broad shoulders, at may suot pang varsity jacket na kulay black at gold. Nakangiti siya ng kaunti. Yung tipong hindi pilit. Confident lang. Sa likod niya ay sina Chendrix na may hawak na libro, Danrel na nakikipagbiruan sa mga babae, at si Brixzain na may earphones at seryosong mukha. A so sila pala yung HIT4 na iyan. Pero bago pa ako makatalikod para bumalik na sana sa tambayan namin ni Yan. Bigla kong narinig ang isa sa mga babaeng nasa harap ko. "OMG, si, Zach, parang may tinititigan!" Napalingon ako ulit. At doon napansin kong si Zach nga nakatitig sa harap niya. Sa isang babae. Maganda, maputi, matangkad, mukhang sosyal, at halatang kilala rin sa campus dahil may sarili siyang fans. Para silang nasa slow motion habang nagtatagpo ang mga mata nila. Tahimik ang paligid. Lahat kami ay nakatingin lang. Pero sa malas kong pagkakataon. Ako pala yung nakatayo sa gitna nila. Literal na nasa pagitan ako ng dalawang taong parang nagre-reunion ng tinginan. "Uh, sorry?" Mahina kong sabi habang tumatabi ako para bigyan sila ng daan. Pero bago pa ako makalayo. Bigla kong narinig ang isa sa mga babaeng nasa tabi ni Zach. "Wait lang. Hindi ba siya yung Foodpanda rider kagabi?" Sabay-sabay silang napatingin sa akin. Napasinghap ako. "Ha?" Tanging nasabi ko. "Oh my gosh, oo nga! Siya yung nag-deliver ng milktea sa dorm ni, Chendrix! Naka-helmet pa yung girl pero yung mata niya same!" Isa pa ang sumigaw. Tama naman yung sinabi niya. Pero hindi ako yung umabot ng orders nila. Si manong guard ang nag-abot non kay Chendrix. Teka paano nila nalaman iyon. May CCTV ba sila? Ang bilis ng balita a. Naramdaman kong namula ang mukha ko. Gusto ko na lang lamunin ng lupa. "Foodpanda rider?" Tanong ni Zach sabay taas ng kilay. Hindi niya ako tinitingnan nang diretso pero ramdam ko yung tono ng boses niya na parang may halong pang-aasar at pagdududa. "Grabe, student dito pero nagdi-deliver? Nakakahiya naman sa Elite International University!" May isa pang babaeng nag-comment. At doon para akong napako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung ano bang mas masakit. Yung tawanan ng mga tao o yung tingin ni Zach na parang may nakikita siyang kakaiba sa akin. Hindi ko rin alam kung napahiya ba siya dahil may nakakakilala sa akin bilang rider o ako lang yung sobrang affected. Gusto ko nang umalis. Pero bago pa ako makagalaw. May narinig akong pamilyar na boses. "Madel!" Boses lalaki. Paglingon ko. Si Yan. Hinihingal. Hawak pa yung strap ng bag niya habang mabilis akong nilapitan. "Girl, what happened?" Tanong niya sabay hila sa braso ko. Nakita niyang may mga nakatingin pa rin sa amin kaya agad niya akong inalalayan palabas ng hallway. "Wala, huwag mo na tanungin. Tara na lang." Sagot ko sabay yuko para itago ang mukha ko. Habang naglalakad kami. Naririnig ko pa rin ang bulungan ng mga tao. "Siya pala yung Foodpanda rider?" "Ang tapang din niya pumasok dito, ha." "Elite International University iyan hindi basta-basta." Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Huminga ako nang malalim. Pilit na pinipigilan ang luhang gustong kumawala. Pagdating namin sa garden area. Doon ako napaupo sa bench. Tahimik lang kami ni Yan ng ilang minuto bago siya nagsalita. "Girl, ano bang nangyari? Bakit ka nila pinagtitinginan?" Binitawan niya ang braso ko. Sinubukan kong ngumiti kahit nanginginig pa rin ang kamay ko. "Naalala mo yung delivery ko kagabi? Yung sa dorm ng mga varsity players?" Tumango siya. "Oo, bakit?" "Apparently… sila iyon. Si, Zach, si, Chendrix, at yung dalawa pa niyang tropa. At ngayon buong hallway alam na Foodpanda rider ako." Humilamos ako sa mukha ko. "Hay naku." Sabi ni Yan sabay facepalm. "Bakit ba kasi itong mundo ang hilig manghusga?" Humugot siya ng hininga. "Okay lang." Sabi ko kahit alam kong hindi naman talaga okay. "Trabaho lang naman yun. Hindi ba? Wala namang masama." Naghalukipkip ako ng mga braso ko. "Exactly!" Sabi niya sabay yakap sa akin. "Hindi ka dapat mahiya, Madel. Kung alam lang nila kung gaano ka kasipag. E yung iba nga dyan puro arte lang sa buhay." Umiling siya. Napangiti ako ng kaunti. "Thanks, Yan." "Tara, bili tayo ng milk tea. Libre ko." Sabi niya. Pilit akong inaaliw. Habang naglalakad kami palabas ng garden. Hindi ko napigilang mapatingin ulit sa main building. Mula roon ay nakita ko si Zach na nakatayo pa rin kasama ang mga barkada niya. Tila may sinasabi si Danrel habang tawa nang tawa pero si Zach. Nakatingin lang sa direksyon ko. Agad kong iniwas ang tingin ko. Hindi ko kailangan ng kahit anong gulo mula sa kanila. Sabi ko sa isip ko. Isa lang akong ordinaryong estudyante. Wala akong pangalan, wala akong yaman, wala akong koneksyon. Nag-aaral lang ako para sa pangarap kong makaahon at matulungan ang pamilya ko. Hindi ako pwedeng maistorbo ng mga mayayabang na tulad niya. Pero habang naglalakad kami ni Yan palayo. May kung anong kaba sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Parang nagsisimula na ang isang kwento na hindi ko naman sinadyang pasukin. At kung ano man yun. Sana kaya kong harapin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD