TULAD ng napagkasunduan nilang dalawa ay mas pinili ni Storm na huwag nang sabihin pa sa magulang nila ang nangyari.
Tatlong araw din ang inilagi ni Fay sa ospital at nang masiguro niyang kaya na niya ay pinilit na niya si Storm na ilabas na siya dahil hindi siya sanay at naiinip na siya kaya naman kasalukuyan na silang pauwi ng mansyon.
Gustong gusto rin siyang dalawin ng dalawang kaibigan ngunit pinasya niyang huwag na lang at pumayag naman si Storm na sa mansyon na lang padalawim ang dalawa tulad din nang naging pangako nito kay Candice.
"Wait po, Manong," awat ni Fay sa driver ng sinasakyan nila, marahan naman itong huminto.
"Bakit?" nagtataka namang tanong ni Storm ngunit sa halip na sagutin ito ay binuksan niya ang pinto at lumabas. "Fay!" awat ng binata sa kaniya.
"Candice!" sigaw niya ng makalabas.
"FAY!" ganting sigaw ng kaibigan at tumakbong papalapit sa kaniya. Hindi siya nagkamali nang akala na ang dalawang kaibigan niya ang naglalakad na iyon. "Grabe! Na-miss kita ang tagal mong nawala," naiiyak na wika nito.
"Na-miss din kita!" at yumakap siya ng mahigpit sa kaibigan. Natigilan siya ng makitang nakatitig lang sa kanila si Treyton. "Hi!" naiilang na bati niya rito nang humiwalay ng yakap sa kaniya si Candice.
"Hi!" ganting bati rin sa kaniya ng binata. "Okay ka na ba? Hindi na ba masakit yung sugat mo?" bakas ang pag-aalala sa mukha at tinig nito.
"Oo, okay na ako."
"Baka naman pwede mamaya na ninyo ituloy 'yang kumustahan ninyo!" naiinis na sita sa kanila ni Storm na nakalabas na rin ng sasakyan at bakas na bakas sa mukha nito ang pagkainip.
"Tara, sumakay na kayo," aya niya sa dalawang kaibigan at nauna siyang sumakay ng sasakyan. "Yung isa sa inyo doon na lang sa harap," dagdag pa niya, si Candice ang sumunod sa kaniya at si Treyton naman ang naupo sa harapan. "Umusog ka naman!" inis na baling niya kay Storm.
Napaismid ang binata ngunit sinunod naman nito ang sinabi niya. Ilang saglit lang naman ay nasa mansyon na rin sila dahil malapit na sila nang matanaw niya ang dalawang kaibigan.
Naunang bumaba ng sasakyan si Storm, at inalalayan siya nitong makababa. Kahit naman masungit siya minsan gentleman din siya. Usal niya sa kaniyang sarili, sa tatlong araw kasi na ito ang kasama niya lagi siyang sinisinghalan nito ngunit batid niyang dala lang iyon ng pag-aalala nito. Alam na rin niya na hindi talaga ito marunong mag-express ng totoong nararamdaman.
"Tara, pasok kayo," masayang aya niya sa dalawa. Kitang-kita niya sa mukha ng dalawa ang pagkamangha ring kaniyang naramdaman noon unang beses niyang makarating sa mansyon na iyon.
"Wow, friend! Hindi ko naman inaasahan na sa malapalasyo pala nakatira itong si Storm!" hindi mapigilang bulalas ni Candice.
"Sa visitor's lounge mo sila dalhin at huwag sa kuwarto mo," mariing utos sa kaniya ni Storm bago ito tuluyang pumasok sa loob ng mansyon. Nasundan na lamang niya ito ng tingin.
"Tara, pasok na tayo," aya niyang muli sa dalawa kaya mabilis namang tumalima ang mga ito at sumunod lang sa kaniya.
"Ay grabe! Mas bongga pala sa loob!" di pa ring makapaniwalang usal ni Candice. "Fay, nasa Pilipinas pa rin naman, tayo hindi ba?" Natawa naman siya sa tinuran nito. "Bakit feeling ko nasa isang palasyo ako sa ibang bansa? Grabe! Nakakainggit ka talaga, ghorl!"
Hinayaan na lamang niya ang kaibigan dahil ganoon din naman ang kaniyang naramdaman ng unang beses siyang makarating doon. Tulad ng utos ni Storm ay dinala niya ito sa visitor's lounge.
Kahit man siya ay unang beses lang niyang makapasok doon kaya hindi rin niya maiwasan ang mamangha sa ganda ng silid na iyon.
That room interior impresses her because you can see the combination of the solemnity of the royal palace and the warmth of home comfort. Makikita rin ang sobrang karangyaan ng malaking silid na iyon dahil sa malaki at mamahaling kurtinang ginamit doon na mukhang nanggaling pa sa ibang bansa dahil ni minsan sa buhay niya ay hindi pa siya nakakakita nang ganoong kaelegante at kagandang kurtina. Samantalang ginamitan naman ng stucco decoration at bas-relief ang wall at ceiling noon, mayroon ding malaking chandelier sa gitna noon. Pinaghalong beige at bronze ang kulay ng kabuuan ng silid, tugmang-tugma ang kulay ng wall at ceiling sa lahat ng gamit na naroon sa loob.
"Tara, maupo muna kayo," aya niya sa dalawa at naunang maupo sa malambot na sofa na naroon.
"Totoo pala yung nabasa ko, Fay!" nagtataka naman siyang tumingin dito. "Talaga palang sa Dubai pa nanggaling ang interior designer ng mga bahay nila rito sa bansa at take note million dollars ang inuubos nila sa interiors pa lang and dollars not peso," wika nito habang namamangha pa ring umiikot ang tingin sa buong silid.
"Paano mo naman nalaman?" nagtatakang tanong niya rito.
"Simula noong sabihin mo sa akin na lumipat na kayo rito at Chavez ang bagong lovey-dovey ng Mama mo, nagbasa-basa na ako ng tungkol sa mga Chavez at talagang hindi biro ang yaman nila. Grabe talaga, ghorl! Hindi ko talaga maiwasang mainggit sa mala-cinderella mong buhay," kuwento pa nito. "Saka biruin mo, sa laki ng contribution ng Chavez Empire sa world bank, halos free access na sila sa lahat ng bansang natulungan nila."
"Marangya nga pero masaya ka ba?" kontra naman ni Treyton kaya pareho silang napatingin dito.
"Bakit, Fay, hindi ka pa ba masaya?" nagtatakang tanong naman sa kaniya ni Candice.
Ngunit kibit-balikat na lamang ang naisagot niya rito dahil maging siya ay hindi niya alam ang kasagutan sa tanong na iyon.
"Walang halaga naman kasi sa akin 'yang yaman-yaman na 'yan. Mas gusto ko pa ring matutong magsikap sa sarili ko," tanging naitugon na lang niya rito.
"Ano ka ba? Hindi lang basta mayaman ang mga Chavez, tulad ng sabi ko sa 'yo marami na talaga silang natulungan hindi lang dito sa bansa natin kundi mas higit doon sa mga bansang mas nangangailangan. Hindi naman sila yung mga tipo ng tao na mapang-abuso sa kayamanan, bakit kaya hindi mo try mag-search tungkol sa kanila! Very accessible na lang ang mga information ngayon, ghorl!"
Sasagutin niya pa sana ang sinabi nito nang may mahihinang katok ang pare-parehong kumuha ng atensiyon nila. Pagbukas noon ay mga katulong ang iniluwa noon.
"Merienda raw po muna kayo, pinapadala ng Young Master," wika ng isa sa mga katulong at inilapag ang mga pagkaing dala ng mga ito sa lamesang naroon at pagtapos ay lumabas na rin.
Mayroon doong freshly baked cookies, pizza, pasta, fried chicken, fresh fruits, at fresh juices.
"Seryoso kang merienda lang namin 'to?" di makapaniwalang tanong na naman ni Candice. "My Gosh, Fay! Para na kaming bibitayin sa rami ng pagkain na 'to."
"Actually, noong una ganiyan din yung akala ko pero natural na lang dito ang maghain ng ganiyan karaming pagkain. Kapag sinabi kasi sa kanila na good for 3, ang inilalabas na pagkain ay mas mukhang good for 10," naiiling na paliwanag niya rito.
"Kung ako siguro ang nasa katayuan mo baka tumaba na ako kung araw-araw na ganito ang ihahain sa 'kin," wika nito habang kumukuha ng pizza. "Oy, Treyton, tara kain na tayo, mesherep!" aya nito sa binata habang punong-puno ng laman ang bibig.
"Sige, mamaya na ako. Kumain naman tayo sa school bago nagpunta rito, eh," tanggi naman nito.
"Ano ka ba sa layo ng nilakad natin, natunaw na rin yung pagkaing sinasabi mo 'no! Tikman mo masarap nga!" pamimilit nito at lumapit sa binata habang pinipilit isubo rito ang hawak niyang pizza kaya walang nagawa si Treyton kundi ang kainin ang isinusubo nito. "Oh! Divah masherep!" naiiling na lang si Fay habang nakatingin sa dalawang kaibigan.
"Kumusta pala sa school?" tanong niya sa dalawa, habang busy sa pagkain.
"Ayon ganoon pa rin. Kinuha ka namin ni Treyton ng lecture copy para kahit paano makahabol ka naman," saad ni Candice habang puno pa rin ng laman ang bibig nito.
"Kailan ka ba papasok?" tanong naman sa kaniya ni Treyton.
"Kung kaya ko na bukas baka pumasok na rin ako," tugon naman niya.
"Ano palang sabi ng Mama mo sa nangyari?" curious na tanong sa kaniya ni Candice.
"Sinabi ko kay Storm na huwag na lang sabihin kila Mama, mag-aalala pa kasi 'yon," usal naman niya.
ghorl!" Hindi makapaniwalang lumapit ito sa kaniya at hinila ang braso niya. "Nabawi mo pala 'yan?" Napangiti siya at tumango rito. "Ano ba kasi kuwento niyan? Bakit buwis buhay ka mabawi mo lang 'yan?"
"Bigay kasi 'to ni Storm," nakangiti pa ring sagot niya at sabay itong nasamid saka si Treyton.
"Seryoso ka ba?" lalong hindi makapaniwalang tanong nito. "Alam mo ba ang ibig sabihin kapag binigyan ka ng bracelet at kapag sinuot mo 'yon?"
"Hindi, bakit? Ano ba 'yon?" nagtatakang wika naman niya rito kasabay ng pag-iling niya.
"Sign of affection 'yan, ghorl! Ibig sabihin attracted siya sa beauty mo! Crush ka niya or worst in love na siya sa 'yo!" bulalas nito. "At ikaw bilang tinanggap at sinuot mo 'yan at ayaw mong mawala sa 'yo dahil buwis buhay ka nga, eh, ibig sabihin tinatanggap mo yung feelings niya!" dagdag pa nito. "Hindi mo talaga alam?"
"Hindi. Inihagis lang niya kasi sa 'kin 'to, saka may ganito rin naman siya," naguguluhan namang tugon niya.
"Parehong-pareho ba?" nanlalaki ang mata na tanong muli nito.
"Oo, pero S yung kaniya," sagot niyang muli.
"Ay, sabi ko na iba pakiramdam ko kay Papa S!" naiiling na wika naman nito. "Pero paano kaya 'yon, eh, stepsister ka na niya, siguro kaya rin siya galit na galit noon kay Treyton no'ng sabihin nitong kapatid ka niya hindi siguro niya 'yon matanggap."
"Ano ba naman 'yang pinagsasabi mo, Candice!" naiinis na sita ni Treyton dito.
"Bakit? May point yung sinasabi ko! Saka ako 'to, baka hindi mo ko kilala! Never ever pa akong nagkamali sa pakiramdam ko!" singhal niya rin sa binata.
Natahimik naman si Fay sa tinuran na iyon ni Candice at bahagyang nag-isip. Sa ilang beses na naangkin ng binata ang kaniyang mga labi ay palagi iyong nagbibigay ng kakaibang kaba sa kaniyang dibdib. Ngunit masiguro man niya ang nararamdaman para rito ay hindi naman siya sigurado sa kung ano ang totoong nararamdaman nito para sa kaniya.
Kung totoo man ang sinabi ni Candice ay hindi niya alam kung bakit din nagbibigay iyon sa kaniya ng kakaibang saya. Talaga bang attracted na ako sa isang Storm Jaydon Chavez?
"Fay!" ang tinig na iyon ni Storm ang pumukaw ng atensiyon niya at ng mga kaibigan niya. Sa sobrang lalim ng iniisip niya hindi niya napansin ang pagpasok nito sa silid na iyon.
"Bakit?" tanong naman niya rito.
"Pauwiin mo na sila. Kailangan mo ng magpahinga!" utos na naman nito sa kaniya. "Ipahatid mo na lang sila," dagdag pa nito bago tuluyang lumabas.
"Ay, pwede ba akong magpa-ampon na lang sa 'yo, Fay?" dismayadong saad ni Candice kaya natawa siya rito.
"Ano ka ba? Bumalik na lang kayo," usal naman niya.
"Ay, talaga! Pwede? Sige ha, sabi mo 'yan," excited na wika nito.
"Tara, ipapahatid ko na kayo," aya niya pagtapos ay nauna siyang tumayo. Ngunit natigilan siya ng pigilin siya ni Treyton sa braso niya.
"Sure ka bang safe ka lang dito?" nag-aalalang tanong nito.
"Oo naman, bakit?"
"Wala," bakas sa mukha nito na may ibang inaalala.
"Huwag ka ng mag-alala sa 'kin dito, Treyt. Wala namang ibang makakapasok dito at gagawan ako ng masama," paniniguro naman niya rito.
"Hindi naman ibang tao ang tinutukoy ko," mabilis naman wika nito kaya nagsalubong na naman ang mga kilay niya. "Sige, basta tawagan mo lang ako kapag mayroong nagtangkang gumawa ng masama sa 'yo!"
Napangiti siya sa sinabi nito. "Oo naman. Alam ko naman lagi na one call away lang kayo ni Candice."
Si Candice naman ay nakamasid lang sa dalawang kaibigan at may kakaibang nararamdaman.
Pagkahatid naman ni Fay sa dalawa ay nagpunta na siya sa kaniyang silid upang makapagpahinga. Makirot pa rin ang sugat niya ngunit hindi na iyon kasing kirot noong unang araw niya.