Chapter 89

1832 Words

TANGING si Fay na lang at ang kaniyang tunay na ina ang naiwan sa loob ng study room na iyon. Wala pa ring kahit anong salitang lumalabas sa kanilang bibig pero wala na rin namang luhang lumalabas pa sa kanilang mga mata. “Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harapan na kita,” wika nito na patuloy lang sa paghaplos sa kaniyang pisngi. Ngayon lang niya na-realize na totoo ngang ito ang Mama niya dahil malaki ang pagkakahawig niya rito. Ang mga mata nito, ang ilong at ang labi, lahat ‘yon ay dito niya kinuha. “Noong nawala ka sobrang down na down ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil wala namang nagsasabi sa ‘kin kung nasaan ka. Kaya hiniling ko kay Kuya na ampunin noon si Lucas, para kahit paano mabawasan ‘yong pagkaulila na nararamdaman ko sa sarili kong anak.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD