Chapter 13: Glimpse

2372 Words

Sydney Ortiz Maaga akong gumising para maghanda sa pagpasok sa Blue Prime Hotel. Ngayong araw kasi ang uniform inspection namin kaya kailangan na mas maaga kami ng isang oras sa schedule namin. Pagkadating ko naman sa Blue Prime Hotel ay agad akong sinalubong ng malapad na ngiti ni Juliet. “Parang ang blooming mo ngayon ah,” bati niya sa akin nang sabay kaming pumasok sa uniform room. “Huh? Talaga ba?” natatawang tanong ko rito. “Alam mo sa tingin ko, malapit ka nang magka-boyfriend!” excited na wika niya habang kinikilig-kilig pa. “Ano bang pinagsasasabi mo dyan?” kunot-noo na natatawang tanong ko sa kanya. “So, kumusta ang date niyo ni Sir George?” tanong niya pa at agad ko naman siyang nilingon. “Date?” “Kumain kayo kanina ‘di ba?” “Oo. Kumain lang kami. Hindi naman date iyon,”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD