Sydney Ortiz Literal na nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang mga labi ko dahil sa mga salitang binitiwan ni George sa akin. “Nagpapatawa ka lang ‘di ba?” tanong ko sa kanya nang sa wakas ay bahagya na akong makabawi mula sa pagkakagulat ko sa sinabi niya sa akin. “Nakakatawa bang pakinggan iyon para sa iyo?” malumanay na tanong sa akin ni George. “Oo,” deretsyong tugon ko sa kanya. “Kasi naman ‘di ba, parang ang imposible naman ng sinasabi mo—” “Seryoso ako,” putol niya sa akin at nang salubungin ko ang mga tingin niya ay nakita ko at determinasyon sa kanyang mga mata. “Gusto kita, Sydney. At liligawan kita mula ngayon,” dagdag niya pa na siyang tuluyang nagpagulo sa dibdib ko. “P-Pero, George—” “Sydney! Ano bang ginagawa niyo diyan sa labas? Pumasok nga kayo dito at dito kayo m

